Areeyah's POV
This is the day!! Saturday na ngayon at nandito kami sa ministop.
Kasama ko sina Sheena, Tineng, Thea, Chelsey, Louis, Rj at Ate Rosslyne. (Rj's Gf)
"O, kumpleto na ba tayo?" Tanong ko sa kanila.
Wala sina Clarissa dito kase magkikita na kami doon mismo mo sa Circle.
Hnd parin kami nagpapansinan ni Tineng dahil, kailangan. Hahaha!
"O tara na guys!" Yaya ni Sheena sa amin.
"Wait lang! Ano.. uhm may nakalimutan ako sa bahay! Areeyah samahan mo nga ako!" Sabi naman ni Thea.
"Ha? Eh paano yan?" Takang tanong ni Tineng.
"Ano, susunod nalang kami ni Areeyah. Doon na tayo mismo magkita sa Circle. Sige na sige na. Alis na akmi! Bye!" Hnd na namin hinintay na sumagot sila. Hinatak na agad ako ni Thea paalis.
Nakarating kami sa isang grocery store. Dito kasi kami biili nung cupcakes and ng iba pa para sa surprise mamaya.
Ang plano kasi, kailangang magtampo ako kay Tineng para hnd sya makahalata sa gagawin namin. Tapos, kami ni Teha ang incharge sa mga pagkain. Samantalang, sina Clarissa ang bahala sa banners. At ang mga kasama na ni Tineng ang bahalang magliwaliw sa kanya ngayon.
"Ano, okay na bang lahat ng to?" Tanong sakin ni Thea.
"Oo okay na yan. Sige na bayaran mo na sa counter."
Naglakad na sya papuntang counter. Samantalang ako hinintay sya sa labas.
*Vibrate*
Kinuha ko naman agad yung phone ko.
Frm: Yuan
My, saan na kayo? OTW na kami.
Oops. Wag agad lagyan ng malisya. Tawagan lang namin yuuun. My and Dy. Hahaha! Ang corny eh? Paano nga ba?
Flashback:
Magkatext lang kami ni Yuan ngayong gabi. Ang kulit ayaw pa matulog! Maaga pa naman ako gigising bukas.
Frm: Yuan
Tulog na kasi! Dali na pikit na.
Aish. Sya nga yung ayaw matulog! -_-
To: Yuan
Opo, itay! :p Sleep ka na din. Goodnight! :)
Hahaha! Para kasing tatay e. Sya nga ayaw matulog. Bahala sya tutulog na ko. Yey!
Frm: Yuan
Tatay daw o! Haha! Goodnight, nay! :p :)
Yuck. Nanay daw ba e? :3
To: Yuan
Ang panget naman! Nanay ka dyan? :3
Frm: Yuan
Odi, hmm. Goodnight, my. :) Short for mommy. Hehe.
Hmmm, pwede na. Kesa naman nanay no. Ang losyang lang. Hahaha! Pis.
To: Yuan
HAHAHA! Sige na okay na yan. Panget mo. :p Goodnight na, Dy. ;)
Narinig kong nagvibrate pa yung phone ko pero, hnd na akong nagabalang tignan pa dahil antok na antok na ko.
End of flashback
"Hoy! Anong iniisip mo dyan? Ang lalim ha!" Hnd ko napansing nasa tabi ko na pala si Thea dahil nireplyan ko pa si Yuan.
BINABASA MO ANG
Forevernomore
Non-FictionMarami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo susuko? Marami na tayong pangarap, ngayon pa ba tayo mag-iiwanan? Papatunayan natin sa kanilang, FOREVER DO EXISTS.