Apatnapu't Walo

48 1 0
                                        

Areeyah's POV

"Okay, all set na ang lahat. Hihintayin nalang natin magbukas para sa Christmas tree lighting." Paliwanag ni Erika.

Kakatapos lang kasi ng meeting namin para bukas. Okay masaya itu! Agad naman akong pumunta sa room namin para iannounce yung sa christmas lighting.

"Guys! 30 minutes schedule lang tayo bukas para sa Christmas tree lighting. Yun lang!" Pagkaannounce ko, naging wild na buong Coulomb. Hahaha!

"Yeeeees! Hnd na matutuloy quiz nyan!"

"Wala nang quiz sa El fili!"

"Chill chill na!"

Ilan lang yan sa mga sinisigaw nila. Grabe ang ingay lang ha. Hahaha!

Sanay naman na ako sa ingay nila. Jusq, sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi naman silang maingay at lagi naman akong nagsasaway! Hahahaha.

Hnd nga naman kasi mawawala sa isang klase, ang mga magugulo at maiingay. Pero, masaya kami. :)

Bumalik na ko sa upuan ko para magtsek ng mga quizzes namin sa trigo. Susme, daming bagsak. :x

-------

Uwian..

"Bes! Una na ko ha! Ingat kayo!" Sabi ni Tineng habang nagwwave palayo.

Nagwave nalang din kami palayo at natira kami dito. Naging tambayan namin ang gilid ng High school building dahil, masarap ang hangin dito.

"Haaaay!" Sabi ko.

"Musta na kayo ni Yuan?" Biglang tanong ni Sheena kaya agad akong napatingin.

"Bat mo naman natanong? Ayun, hnd ko parin naman sya pinapansin. Pero, nagttx padin sya."

"Mahal ka talaga non no? Bat hnd mo kasi bigyan ng chance?" Tanong nya ulit.

"Gago naman to. Ayoko na nga dun e. Wala na kong nararamdaman sa kanya."

"Wag mo na kasi ipilit, Sheena. Baka dumugo." Singit ni Thea. Binato ko nga ng bimpo. Aba bastos na bata e.

"Oy mga bits. Bat andito pa kayo?"

Napatingin kami sa nagsalita.

"Oy, Louis. Wala lang tambay." Sabi ko kaya umupo sya sa tabi namin. Bali nasa gitna nila ako ni Sheena.

"Bat di mo kasama si Nicole?" - Sheena

"Cleaners kasi sya e. Pero, magkatext naman kami."

"Malandi to. Haha! Tagal nyo na din par no?" Sabi ko sa kanya.

"Alamo naman sikreto nyan par e. Wala e, mahal ko e. Teka may papabasa ako sa inyo." Sabay kuha sa phone nya at binuksan.

Binigay nya sa amin. Mga notes pala ni Nicole ka sa kanya.

"Alamo ba? Sobrang mahal ko si Nicole. Mas mahal ko pa nga sya kay Lotis e. Kahit na mas matagal kami ni Lotis. Ewan ko ba par, sobrang tinamaan ako sa kanya. Hnd ko na nga kayang mawala sya e." Habang nakangiti sya, sinasabi nya yun.

"Ang cheesy ni kupal o!" Sabi sa kanya ni Thea pero, ngumiti lang sya dito.

Nagpatuloy lang ako sa pagbasa sa notes na ginawa ni Nicole. Infairness ha, kinikilig ako sa kanila. Yieabshsjbsb. Hahahaha!

Mayamaya, binigay ko din naman agad sa knya.

"Pucha na yan! Ilang months na din akong single. Nakakamiss maging taken. Hahah!" Sabi ko sa kanila.

"Edi sagutin mo si Yuan!" Sabi ni Sheena kaya napatingin kami sa kanya.

"Oo nga, Areeyah! Try mo lang." Sulsol naman ni Thea.

"Ayoko nga! Mamaya umasa yun na mamahalin ko sya ulit." Irita kong sabi.

"Gago. Tatry mo lang naman. Dba gusto mong maging taken ulit? Edi kapag hnd nagwork, ibreak mo." Sabi ni Thea na pangiti ngiti pa.

Hmmm. Ano kaya? Try ko nga? Eh baka, umasa kasi yune. Sabihin, paasa ako. Psh.

Mayamaya, dumating si Nicole.

"Hi Nicole!" Sabay namin sabi sa kanya. Ngumiti lang si Nicole sa amin. Mahiyain pa. Hahaha!

"Dali na par! Ttry mo lang." Sabi ni Thea.

"Oo na sige na. Teka ttxt ko na." Sabi ko sa knila.

Kinuha ko naman agad phone ko. At tinext sya.

To: Yuan

Dy, pwede ka bang pumunta sa Ue bukas? Christmas tree lighting kasi tsaka may sasabihin kasi ako sayo. :)

Pagkasend nun, nakita ko namang nakangiti sila. Mayamya, nagreply na sya.

Frm: Yuan

Tatry ko po, My. :)

Napatingin naman sila sa akin. At napangiti ako. Ewan ko kung bakit napangiti ako. Siguro dahil sa kalokohan nila. Hahahaha!

"Ittry daw  nya." Sabi ko sa kanila.

"Yoown! O tara na uwi na!" Yaya ni Sheena.

"Teka daan muna tayo ng ministop. Gusto ko Ice cream." Sabi ni Thea kaya umalis na kami.

-----

Ministop..


"Bukas ko na agad sya sasagutin?!" Sigaw kong sabi sa kanila habang dinidilaan yung Ice cream.

"Oo no! Bat papatagalin mo pa ba?" Tanong ni Louis.

"Eh masyadong mabilis." Sabi ko.

"Mabilis ka dyan?! Tagal nang naghihintay nung tao e." Sabi naman ni Sheena.

"Areeyah, bukas mo na sya sagutin. Para ka namang ano e." Sabi ni Thea.

"Oo na sige na. Pag eto walang nangyari. Kasalanan nyo." Singhal ko sa kanila pero, natawa lang sila.


Magwork kaya tong kalokohan nila?


------

Uyyyyyyyy. Hahahahaha!

ForevernomoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon