Chapter 10

10.5K 144 18
                                    

Today is the day!

Naghihikab na bumangon ako. Ito na ang araw ng pagbabagong buhay ko. Finally! Nagising na ko sa katotohanan. Kailangan ko ng kumilos. Maghahanap ako ng maayos na trabaho. Dumiretsho na ko sa banyo.

Actually kung banyo pa bang matatawag to! Sirang doorknob ng pinto at mukhang ulbuan ng baboy ang loob. Naninilaw na ang inidoro at ang pihitan ng gripo tanggal na! Susmaryosep! 

"No choice ka noh! Nasanay kana agad sa banyo nung condotel. Sus! Antagal mo ng naliligo dyan noh! Magiinarte ka pa. Bilis na Venus! Maligo kana." I muttered to myself. 

20 minutes lang ako naligo. Naiirita kasi ako sa lecheng banyong to! Nagmamadaling nagbihis ako ng disente. Simpleng pants at black poloshirt, luma na sya pero hindi naman halata. Nagdollshoes na lang ako.

As if naman may iba ka pang sapatos Venus!

Nagsuklay lang ako at nagpulbos. Nakasalubong ko si nanay na may dala-dalang supot ng bigas at mga kape.

"Oh Venus, saan ang lakad mo? May raket ka ulit? Magalmusal ka muna bago ka lumayas."

Naks, bago to ah! Inaalok nya kong magalmusal? Palibhasa kasi naabutan ko ng pera! Tss! Nanay talaga oh!

"Maghahanap ho ako ng maayos na trabaho, Nay. Wag na ho, sa bayan na lang ako kakain. Sige Nay, alis na ko." Nagmano na ko bago pa ako iinterrogate ni Nanay.

Naglakad na ko papalabas sa eskinita.

Eksaherada na naman ang mga chismosa naming kapitbahay. Kung makatingin, wagas! Siguro nagtataka silang lahat bakit ganito ang aura ko ngayon. Manigas kayong lahat noh!

Naglakad na ko with my head up high. Ngayon pa ba ko mahihiya? Magbabagong buhay na nga ako diba? Tsaka hindi na malaswa ang damit ko ngayon. Pumara ako ng tricycle sa may kanto.

30 minutes later.

Bumaba ako sa bayan, nagsign of the cross ako bago tuluyang naglakad.

You can do this Venus! Sige na simulan mo ng maghanap ng trabaho. Kaya mo yan! Think positive lang!

Binaybay ko lahat ng mga boutiques at mga mall na may hiring signs. Dahil wala akong tinapos, imbes na magpagawa ako ng resume biodata na lang na tigpipiso ang nagawa ko. Hindi ko na lang sinagutan ang tungkol sa educational background ko. Wala naman kasi akong maiilagay dun eh.

Ayy! Ang hirap pala talagang maghanap ng trabaho! Baskil na baskil na ko. Tapos gutom na ko! Hay.

"Venus Acosta? Ikaw ba yan? Grabe, ang ganda mo ngayon ah. May asawa ka na ba?." Si Red Florentin, my ex suitor.

Lakas ding mambola ng kumag! Maganda? Lapot na lapot na nga ako!

"Uy ikaw pala, Red Florentin. Grabe! Asawa agad? Ganda ng pambungad mo ah. Kamusta ka na? Buhay ka pa pala?." Natatawa kong tugon.

"Balak ko kasing asawahin ka na, yun ay kung single ka pa! Tara Venus, pakasal na tayo!." Sabi nya habang nangingiting aso.

"Agad agad! Siraulo ka talaga. Ewan ko sayo Red! Tama nga sigurong binasted kita!." Pabiro kong sagot sabay hampas sa balikat nya.

"Biro lang Venus! Ikaw naman oh, hindi ka na mabiro. Pasaan ka nga pala? Mukhang may date ka ah."

"Sus naman! Date agad? Hindi noh. Naghahanap ako ng trabaho."

"Ay what a coincidence, Venus! Baka interesado ka? Naghahanap yung girlfriend ko ng bagong secretary nung boss nya. Nagresign na kasi yung dati eh. Urgent yun!."

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon