Mars Caleb Pelaez.
Two months na nung ikinasal kami ni Jupiter. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi pa din ako makapaniwala. Ang saya saya lang talaga.
Nagdadaydream pa ko kahit one o'clock na ng madaling araw. Nangingiting pinagmasdan ko ang tulog na tulog kong asawa. Jupiter moved a little, he placed his arms on my tummy. Then later on something within me felt the pain, yung tipong sobrang sakit.
Manganganak na ba ko? Hindi ako prepared. Gosh. Ang sakit, sakit, sakit.
Napipilitan man, niyugyog ko ng bongga si Jupiter.
"Jupiter. Jupiter. Jupiter!." I called him three times habang namimilipit na sa sakit, nahila ko tuloy ang buhok nya ng wala sa oras.
"Awwww. H-Honey, bakit?." Pupungas pungas pang sabi nya.
"Ma-Manganganak na yata ako. Ang s-sakit."
"Wh-What?." Nagmamadaling dinaluhan nya ko para maitayo.
"What what ka pa dyan, ta-tara na. Yung susi ng kotse dalahin mo!." I yelled at him dahilan na din sa sakit ng tyan ko.
"Oo nga pala, Honey please calm down okay? Natetense ako sayo." He uttered. Maya maya pa'y sumabog na ang panubigan ko.
Dahan dahan kaming bumaba sa hagdan, tiniis ko na lang ang sumisigid na sakit. Apart of me naeexcite kasi finally, makikita ko na ang aking si Mars Caleb.
Yun nga laang kailangan ko munang umire ng bongga to the max bago ko sya makita. Jupiter started to engine the car but he wasn't manage to locate the key hole. Napatingin ako sa kanya, he's hand is shaky.
"Shit. Nasan ba ang lecheng key hole na yun. Kung kelan nagmamadali!." He uttered with a beast mode face. He look tense and pale.
"Let me do that. Ano ba Ju-Jupiter? Ikaw ba ang manganganak o ako?." I said almost in a whisper tone. Nahihirapan akong magsalita lalo na kapag humihilab na ang tyan ko. Inagaw ko na ang susi bago ko isinuot sa key hole.
"Thanks Honey, mabilis lang to. Basta konting tiis na lang ha?." Natetense pa ding sabi nya habang hinihimas ang tyan ko.
"Oo na, bilisan mo na. Masakit na ma-masakit na please!."
Mabilis na pinatakbo na nya ang sasakyan. Habang hawak hawak ang isa kong kamay. Dun ako humuhugot ng lakas ng loob na makayanan ang sakit. Until we reach the hospital. Nagmamadaling lumabas na si Jupiter para buksan ang pinto ng sasakyan.
Buti na lang alert ang mga tao sa hospital at nakakuha na agad ng stretcher para dun ako maihiga. Tulong tulong na silang itulak ako papasok sa loob ng hospital. Hawak hawak pa din ni Jupiter ang kamay ko.
"Ho-Honey, kaya mo yan okay? Makikita na natin si Mars Caleb." He uttered as he kissed my hand.
"Sir, hanggang dito na lang kayo. Maghintay na lang ho kayo dyan sa labas." The nurse said to Jupiter na nagpupumilit sumama saken sa loob. Kinabahan ako nung hindi ko na mahawakan ang kamay ng asawa ko.
Gosh! Kaya ko ba to? Sana. Sana. Sana. God, help me get through this. Please! Sana maging normal ang panganganak ko.
6:00 am.
Out of nowhere, nagising ako na masakit ang part ng pagkababae ko. Ang buong katawan ko, para kong tumakbo ng 21 km run. Pakiramdam ko, bugbog na bugbog ang katawan ko. Ayos kaya ang panganganak ko? Nasan na ang anak ko?
"Thank God your awake now Honey! I love you." Jupiter whispered on my ear habang nakayakap saken.
"Nasan na ang anak natin? Kamusta sya? Ayos ba sya? Normal ba ang panganganak ko? Gusto ko syang makita." I said sa namamaos na boses.
"Everything is fine Honey, okay ang anak natin. He's a bouncing 9.6 pounds. He looks like me Honey. Kamukang kamuka ko sya." Jupiter said habang nagagalak sa tuwa. I could see his teary eyed habang pisil pisil ang kamay ko.
"Talaga? Gu-Gusto ko syang makita." I said habang napapalitan ng excitement sa pagkikita namin ng anak ko.
"Sige Honey, sasabihin ko lang sa nurse." He stepped out of the room, habang pumasok naman si Mommy Rebbecca. She smiled at me.
"Congratulations Anak! Finally, makikita ko na din ang apo ko. Kamusta ka na? Nagugutom ka na ba?."
"Salamat Mommy. Gusto ko na din ho syang makita. Medyo masakit lang ho ang katawan ko, ayos lang ho. Mamaya na lang ako kakain."
And then Jupiter came kasama ang nurse na may karga kargang baby. My precious baby boy. Naluluha ako nung makarga ko na sya. Kamukang kamuka nga sya si Jupiter. His eyes, his eye brows, his lips. Nawala lahat ng hirap ko sa paglalabor kanina. Ang sarap sa pakiramdam na makarga at mahawakan mo na ang pinagharapan mong iluwal.
"He really looks like you Jupiter. Ang gwapo gwapo ng anak natin!." I uttered habang pinagmamasdan ang tulog na tulog na si Mars Caleb.
"Syempre pa Honey, gwapo ako eh kaya dapat gwapo din ang anak natin. Magaganda ang lahi namin." Pagmamayabang na sabi pa nya.
"Oo na, ikaw na ang gwapo. Ssssshhh, wag kang maingay dyan baka magising si Mars."
Lumapit si Mommy Rebbecca sabay agaw saken kay Mars. Nilamukos nya ng halik si Mars, kitang kita na masayang masaya sya.
"Ang gwapo gwapo naman ng apo ko. Mana sa Daddy nya. Good job anak!." She said habang nakatitig kay Mars.
"Oo na mommy, wag mo ng ipagkalat. Alam na alam ko ng gwapo ako." Jupiter said.
Maya maya pa'y umiyak ng malakas si Mars. Atubiling lumapit si Mommy Rebbecca saken para ibalik saken si Mars.
"Ibreast feed mo na sya Venus, gutom na siguro sya." Mommy Rebbecca said.
"Sige po."
Medyo masakit when Mars sucked my nipple. Nakakakiliti na masakit. But it's all worth it. Masayang masaya sa pakiramdam na kasama ko na ang baby Mars ko.
"Honey, ikaw? Hindi ka nagugutom?."
"Medyo gutom na nga."
"Nagdala akong spaghetti at tsaka chicken, niluto ko sa bahay kanina. Ipaghahanda lang kita."
"Sige, salamat Honey. Ikaw na talaga ang pinakasweet na lalaki sa buong mundo."
"Asus! Nambola pa, subuan na lang kita Honey. Nagbebreast feed ka pa."
"Sige mga anak, kayo na ang sweet. Inggitin nyo pa ko." Agaw eksenang sabi ni Mommy Rebbecca saming dalawa ni Jupiter.
"Si Mommy talaga oh, sige lika susubuan din kita." Jupiter said habang nangingiti.
"Wag na anak. I can manage." Sabay irap na sabi naman nya.
Nagtawanan na lang kaming dalawa ni Jupiter. The room filled with our laughter.
Si Mommy Rebbecca talaga oh, habang tumatagal mas nagiging kwela. As I've always said, I'm the luckiest girl in the world. Napakaswerte ko lang talagang dumating sila sa buhay ko. May mapagmahal at sweet akong asawa, may manugang na baliw at kalahati at syempre pa may pogi akong anak. Ano pa bang hihilingin mo Venus? Ikaw na talaga!
