This is it pansit!
Kinakabahang lumalakad ako sa hallway papasok sa building ng CGC. Comia Group of Companies. Nanlalamig ang kamay at paa na basang basa na ng pawis. Pati ang bagong bago kong uniporme, nakakapanibago din.
Inabot ako ng ilang oras bago ako natapos sa pagaayos, pagbibihis at pagmemakeup. Aba syempre kailangan almost perfect at mukhang elegante ang aura ko para naman hindi nakakahiya! First job ko itong matino.
Dumiretcho na ko sa waiting area kung saan ako itetrain at ililibot ng assistant ng boss namin.
Nak ng tipaklong naman! Kinakabahan ang aura ko! Baka mamaya bumaha na ng tubig dito sa dami ng tubig na inilalabas ng kamay ko!
Maya maya pa'y dumating ang assistant na inaantay ko.
"Ms. Venus Acosta right? Well, I will discuss to you kung ano ba talaga ang ginagawa ng isang secretary para clear tayo from the start, medyo may pagkamainitin kasi ng ulo si Sir Addam.
Do's and Dont's:
Taga-file o document ng papers, taga-receive o forward ng letter to bosses, taga-schedule ng events, taga-remind sa bosses ng meetings niya, taga-record ng OT's, minsan, parang receptionist din ang work, taga-timpla ng kape sa visitors, taga-gawa ng business letters.
The most important thing to remember is that you must be totally loyal to your boss. Kaya secretary ang tawag dahil maraming secret ang ipagkakatiwala sa iyo. Knowing those secrets will put you in all sorts of conflicts and tricky situations. In case of doubt, always resolve in favor of your boss. May tanong ka ba Ms. Venus?." She glance at me in a nice way kahit medyo may pagkastrikto sya.
"Wa-Wala po ma'am." Kinakabahang sagot ko.
"Okay then, let's proceed to your cubicle. May joint in door dito para madali kang makakapasok agad sa loob ng office ni Sir Addam."
"So, everything is cleared now Ms. Venus Acosta. You may go to Sir Addam's office now para makilala ka na nya."
Naglakad ako, kahit na medyo kinakabahan ng onti. Until I reach the door. Nanginginig ang kamay na kumatok ako ng tatlong beses. Few minutes later, nagsalita sya. "Come in."
Pinihit ko ng dahan dahan ang seradura ng pinto. I sign a cross bago tuluyang pumasok sa loob. Nakatungo ako habang naglalakad.
Hoy Venus! Umayos ka nga! Para ka namang virgin kung makatungo ka dyan! Dapat magmukha kang hindi kinakabahan! Jusko naman, nagsisimula ka pa lang baka masibak ka agad!
Dahan dahan akong tumingala, I was shocked sa lalaking kaharap ko! He's Jupiter Pelaez in the flesh.
"Ju-Jupiter?." I murmured. "Pa-Paanong naging..naging Addam ang pangalan mo? At bakit Comia ang nakalagay dun sa labas? Pelaez ka diba?." Naguguluhang mga tanong ko.
"I'm Jupiter Addam Comia Pelaez. Comia Group of Companies ang pangalan ng company kasi family business to ni Mommy, ako na ang nagpapatakbo. I'm sorry kasi hindi ko kaagad sinabi Venus!." Jupiter said sabay tayo sa swivel chair nya.
"Kaya pala. Kaya pala natanggap ako dito kahit wala akong pinagaralan. So, planado na ba lahat to Jupiter? Akala ko ba naiintindihan mo ko?." I said habang nateteary eyed.
"I'm sorry Venus. Miss na miss na kita. Ginawa ko lahat ng yun kasi mahal kita! Wala kang dapat patunayan kasi tanggap na tanggap ko kung ano at sino ka. Hindi mo kailangan lumayo, hindi natin kailangang pahirapan pa ang mga sarili naten. Please Venus, bumalik ka na sakin." Tumayo sya sa swivel chair, dahan dahan syang lumapit sakin.
"Bakit ba puro sarili mo na lang ang iniisip mo, Jupiter? I'm doing this para sa sarili ko. Para sa pagkatao ko! Gusto kong magbago sa sarili kong paraan, yung walang tulong na galing sayo o sa ibang tao!." Pabulyaw kong sagot sa kanya.
"Ano bang gusto mong patunayan? Eto ako Venus! Mahal na mahal kita, ano pa bang kulang dun?." Nakasigaw na ding tugon nya.
"Hindi mo ko naiintindihan. Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!."
"Sige, ganito na lang! Let's have a deal."
I furrowed my brows and look intently in his eyes. "Anong deal naman?."
"Pag andito tayo sa trabaho, we will act as if hindi tayo magkakilala. I'm your boss and your my employee. What do you think?
"Ayan. Ginagamitan mo na naman ako ng mga deal deal na yan." Humalukipkip na sabi ko.
Hay! Bakit ganito ang nangyayare? Akala ko pa naman ito na. Pero tama ba talaga ang pinaglalaban ko? Do I really have to stay away from him? Paano kung sa pagtataboy ko lagi sa kanya, bigla na lang syang mapagod at iwanan ako? God! Hindi ko na alam!
I walked towards the door. Pero hinabol ako ni Jupiter.
"Venus!." Pahabol na tawag saken ni Jupiter. Bumuntong hininga ako tsaka itinaas ko ang dalawang kamay.
Makipagdeal ka na lang Venus! Baka mapurnada ang lovestory nyo, sige ka! Mukha namang may point sya. Effort kung effort sya para lang hindi kayo mawalan ng communication tapos ikaw itong nagiinarte na lumayo sa kanya. Tsaka, nagpromise ka pa nga sa kanya na hindi mo na sya iiwan diba? Bakit ba napakapickleminded mo? Pabago bago ka ng isip. Ano nga bang gusto mong patunayan? Mahal mo sya, mahal ka nya diba? Go na teh push mo na yan!
"Siguro nga tama ka Jupiter! I'm sorry kung pabago bago ang utak ko! Nagiinarte nga lang siguro ako! And yes, wala akong dapat patunayan kasi mahal naman natin ang isa't isa. Siguro sobra sobra na yung efforts mo para.." I said and pause for a while.
"Para ano, Venus? Binibitin mo naman ako."
"Maybe it's about time na, sagutin na kita! Para.. Para formal na ang lahat. At para hindi na din ako nagiisip pa ng kung ano ano. Salamat sa lahat ng efforts mo, Jupiter! I really really appreciate those things na ginagawa mo just to make me feel how to be loved. And I love you too Jupiter Addam Comia Pelaez."
"Sa wakas! Natauhan na din ang Venus ko! So you mean to say, your now my girlfriend?." Nangingiting sabi ni Jupiter as he pulled me closer.
"Oo. Yes. Pak na Pak. Correct. Tama. Oong Oo. Yes na Yes. Malabo pa ba Jupiter? Your now my boyfriend and I'm your girlfriend."
Jupiter hug me tighter. Yung yakap na makaubos hininga.
Grabe sya oh! Para namang makakawala ako kung makayakap! Pero jusko! Aarte pa ba ko? I love this man! I really really do! Keber na kahit hindi makahinga.
"Thank you Venus! Hindi mo alam kung gano ako kasaya! Mahal na mahal kita, so please wag ka ng totopakin! I love you. I love you. I love you. I love you. I love you." Pinupog nya ako ng halik sa labi.
Pervert naman ng boyfriend ko.
I giggle habang nakayakap pa din sa kanya.
