Day 4.
Mabining itinatanggay ng hangin ang medyo humahaba ko ng buhok. Tambay tabing dagat laang ang peg! Syempre pa, inaabangan ko ang paglubog ng araw! Hindi naman sa romantic type ako, basta nawawala ang stress ko pag nakikita ko ang sunset. Two hands on my bended knees.
"Andito ka lang pala Venus! Waiting for the sunset again?." Jupiter said sabay upo sa tabihan ko.
"Oo. Stress absorber ko kasi ang panunuod ng sunset, atsaka ngayon ko lang naeenjoy ang mga gawa ni God. Noon kasi puro pagkita na lang ng pera ang alam ko, hindi ko na napapansin ang ibang bagay. Ay! Pasensya ka na Jupiter ha? You hate dramas nga pala." Sabi ko habang nakatanaw pa din sa medyo papalubog na araw.
He held my hand and planted a kiss on it. "Bakit naiistress ba kita lately, Venus?."
"Hindi noh! Ang saya saya ko nga eh. Thank you ha?."
"Weh? Talaga? And about the drama issue, hindi naman sa hate ayoko lang ng mga ganung usapin. Lika nga dito. Give me a hug."
I move closer and gave him a sweet hug. He kiss my forehead.
Hay grabe! Kinikilig ako ng bongga! Bet na bet nya talagang halikan ang noo ko! Sabi ng iba, sign of respect kapag hinahalikan ka sa noo, so mas dapat pala akong kiligin sa thought na kahit maraming beses na kaming naggaganunan, nirerespeto nya pa din ako! Gosh!
"Ang ganda ng sunset noh? Thank you ha? Kung hindi mo ko dinala dito sa malaparadise mong resort, hindi ko maaapreciate ang nature." I said habang nakayakap pa din kay Jupiter. Nangingiting pinaglalaruan ko ang puting buhangin sa mga paa ko.
"Mas maganda ka pa sa sunset, Venus! Buti na lang pala at hindi ko pinagbili ang resort na to."
"Bolero ka talaga! Bakit naman? Ang ganito kagandang lugar, ipagbibili mo lang?."
"Kaya nga buti na lang you came along sa buhay ko. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi ko na itinuloy ang pagbebenta nito. May magandang dahilan pala." He pinched my nose and stared at me.
"Ano naman kaya ang magandang dahilan na yun Mr. Pelaez?." I smile a bit habang kinikilig.
He hugged me tighter. I clearly feel his heartbeat. "Kasama kita ngayon, Venus! This is the main good reason. And if you would allow me, I want to spend the rest of my life with you."
I was speechless for a while. Pinaprocess pa ng utak ko ang mga sinabi nya.
I want to spend the rest of my life with you.
Wuwhat? Ano tong I want to spend the rest of my life with you na eksena nya? Is it about marriage thing?
Grabe naman yun! Marriage? Eh di ba nga nililigawan pa nya ko? Kasal right away? Naku naku wag naman sana muna! Ang bilis bilis na ng mga pangyayare! Time out muna!
Pero narelief ako nung tumahimik na kaming dalawa habang magkayakap na nakatanaw sa napakaperfect na sunset.
Sana lang magtuloy tuloy na itong magandang nangyayari samin ni Jupiter. Ang gusto ko lang naman e, sumaya ako.
I sighed.