Chapter 25

4.2K 62 4
                                    

Ang Paghaharap.

Masaya kaming nagtatawanan ni Jupiter sa may veranda, when his mom came. 

"Mom? What brings you here? If your here para awayin na naman si Venus, much better kung umalis ka na lang. She's pregnant at ayokong.." 

"Hijo anak, stop. I came here to apologize to you and to her. Paano pa ba kita mapipigilan kung nakikita ko naman na mahal na mahal mo talaga sya. Ayoko ng maging kontrabida sa buhay mo at sa kanya." His mom said in a most sincere way. 

"If that's the case, apology accepted, Mom. Salamat kasi naiintindihan mo na ako. She's my happiness. In time soon, alam kong makakasundo mo din sya. Just take a little time para makilala sya personally." 

"Thank you, anak. I wanted too, kaya lang I really need to go back in Hongkong. Nagkakaproblema na kasi yung isa sa mga business ko dun. By the way, I'm happy na magiging lola na pala ako. Good job anak. I'm pretty sure magiging gwapo o maganda yang magiging apo ko. Don't worry anak, I'll be back soon. Anyway, kelan ang kasal nyo?." His Mom said as she glance at me with smile. Yung tipong totoong smile. So, I smile back. 

"Sssshhhhh. Mom, wag kang maingay. Nagiisip pa ako ng magandang proposal para sa kanya."

"Hay, ang anak ko umiibig na nga talaga. I'm really happy for you. I know your dad would be happy too kung andito pa sya." 

"Thank you, Mom nag almusal ka na ba? Tara, nagluto ako ng grilled beef at sweet corn salad." 

"Marunong ka ng magluto?." Naaamazed na sabi nya.

"I have to Mom, para kay baby at para sa kanya. Gusto ko yung healthy foods lang yung kakainin nila. Protective soon to be daddy here." 

"Sige na nga, matikman yang pinagyayabang mo, anak." His mom said. 

"Hi Venus, about what I've said kanina. I came here para magsorry sa mga nasabi ko sayo at sa panggugulo ko sa inyo ng anak ko." 

"Kinalimutan ko na po yun Ma'am. Ayos na po sakin yun." I said kahit medyo kinakabahan ako. 

"You can call me Mom too. After all, your going to be my daughter in law soon. Magiging parte ka na ng pamilya namin." 

"Tita na lang po siguro." Tipid kong sagot kasi naiilang talaga ako. 

"Sige, Tita for now pero pag mag asawa na kayo call me Mom ha? Hindi pwedeng hindi. O kaya Mamita para cool. Cool mommy here." His mom said sabay kindat pa samen. 

Dahilan para magtawanan kaming tatlo habang nasa hapag kainan. Ang sarap pala sa pakiramdam na close ka na sa nanay ng taong mahal mo. Medyo gumagaan na yung pakiramdam ko.

Nabawasan na yung tense na naramdaman ko kanina nung dumating sya. Smooth sailing na yung mga sumunod naming kwentuhan. It feels really good.

Grabe! Bumabaha ng happiness sa puso ko.

Hanggang sa magpaalam na yung Mommy ni Jupiter kasi baka maiwan daw sya ng flight. 

"So paano guys, I really need to go. Anak, alagaan mo ang mag ina mo ha? Infairness to you, masarap yung mga niluto mo anak. Ikaw din Venus, take good care of my son ha? Mahal na mahal ko yan. I'll be back soon para sa kasal nyo. Intayin nyo ko ha?." 

"Ingat po kayo Tita Rebbecca. Salamat po sa masayang kwentuhan kanina. Hindi na po ako takot sa inyo. Joke lang po. Iingatan ko po talaga itong anak nyo." I said, nagulat pa nga ako nung bumeso sya saken. 

"It so good to see you two na okay na. Masarap sa feeling na yung dalawang babae ko sa buhay ay maayos na. Thanks talaga Mom, ingat ka ha? Iintayin ka talaga namin, ikaw kaya ang magbabayad ng gastos sa kasal namin noh." Natatawang biro naman ni Jupiter kay Tita Rebbecca. 

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon