Chapter 26

4K 58 4
                                    

Suyuan Mode is on.

"So, sino ba talaga yung Aldrin na yun? Saan mo nakilala? Paano kayo nagkakilala? Kelan pa? Bakit hindi mo sya nakwento saken?." Sunod sunod na tanong ni Jupiter saken. 

"Kaibigan ko lang talaga sya. I met him nung mga panahong nag away tayo. Nagkakilala kami kasi akala ko taxi yung nasakyan ko. Three weeks ago na siguro. Hindi ko nakukwento sayo kasi wala naman akong sasabihin about him." Mahaba kong paliwanag sa kanya. 

"Bakit ba pakiramdam ko, may gusto sayo yung lalaking yun?." Beast mode pa din sabi ni Jupiter. 

"Bakit ba pakiramdam ko, nagseselos ka?." 

"Bakit? Wala ba akong karapatang magselos?." 

"Pero Jupiter naman, can't you see? I'm carrying our child. Non sense na magselos ka sa isang tao, lalo na kung kaibigan ko lang naman talaga si Aldrin."

"Fine."

"Jupiter, ano ka ba? Ano bang gusto mong gawen ko para hindi ka na magselos dyan?." 

"Hindi ko alam. All I know is nagseselos ako. Hindi ko mapigilan." 

"Bahala ka kapag napaanak ako ng wala sa oras. Naiistress na ako, promise." Pananakot ko na lang sa kanya.

Sana effective.

"Oo na, hindi na ako nagseselos. Sorry kung childish ako mag isip. You can't blame me Venus, mahal na mahal lang kita kaya ganun." 

"Lika ka nga ditong lalaksot ka. Let me hug you." Lumapit sya saken, I hug him tight. "Wala akong ibang minahal na lalaki, kung di ikaw lang Jupiter. Kahit na papiliin ako between you and Piolo Pascual, I would surely choose you over him. Tama ng selos, okay? I love you." 

"Talagang si Piolo Pascual pa ha? Ikaw talaga. Oo na po. Hindi na ako magseselos. I love you too." He pinched my cheeks bago nya ako hinalikan sa noo.

Sweet. After selos and arguing moment, kissing mode naman. 

"Gutom na ko, Jupiter. Anong makakain natin?." 

"Gumawa ako ng mash potatoes tsaka baked macaroni. Yun ang cravings mo diba? Tara sa baba, ipaghahanda kita." 

"How about you? Hindi ka kakain?." 

"Kakakain lang natin kanina. Medyo busog pa ako Honey, matakaw kasi kayo ni baby kaya gutom ka na naman." 

"Oo nga eh. Nabasa ko dun sa article na medyo magugutumin daw talaga ang mga buntis. Thank you ha Honey, kasi napakahelpful talaga nung mga magazines na binili mo." 

"Soon to be a daddy obligations. Ganun talaga Honey. Gusto kong malaman ang mga insights ng isang pregnant woman, para ng sa ganun maiintindihan kita lagi. And sorry kanina kasi bawal nga pala sa mga buntis ang naiistress." 

"It's okay. Wag na nating balikan yun kasi tapos na. Baka mag away na naman tayo."

"Hindi na Honey. Oh kain ka na, tapos pahangin muna tayo sa terrace bago tayo matulog." 

"Star gazing ba yan?." Naeexcite kong tanong.

"Kinda. Diba trip mo yung mga ganun. Tsaka watching the sunset habang papalubog na." Nakangiting sabi nya saken. 

"Naks, naaalala mo pa pala yung mga trip ko Honey. Nakakatuwa naman." I said habang pautik utik na nilalantakan ang mash potatoes na gawa nya. 

"Lahat ng mahahalagang bagay about you Venus, hindi ko nakakalimutan." 

"Grabe! Bakit ba kinikilig pa din ako sa mga ganyan mo. Nakakainis ka!." Pakiramdam ko tuloy, nagbablush yung pumuputok kong pisnge dahil sa kilig. 

"Halata nga Honey, you're blushing." 

"Hindi kaya, blush on lang yan." 

"Blush on? Ni hindi mo nga ginagalaw yung make up na regalo ko sayo."

"Tinatamad akong magmake up eh." 

"Mas okay na yan, mas maganda ka pa din even without make up Honey."

"Asus naman, tigilan mo na nga ako sa mga pambobola mo dyan."

"Hindi kita binobola Honey, maganda ka talaga." 

"Naman! Sige na nga, oo na lang po. Star gazing na tayo. Tapos na akong kumain Honey." 

"Tapos na ba? Akala ko uubusin mo pa yung isang platitong mash potatoes eh." 

"Okay then, tara na magstar gazing. Careful sa steps Honey." He said habang dahan dahan akong inaalalayan pataas.

Pumwesto kami sa gitna ng terrace para mas kitang kita lahat ng bituin sa langit. His arms around my waist. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang kalangitan.

Nakakawala ng stress talaga ang mga butuin sa langit same as the sunset. Mabining inililipad ng hangin ang medyo mahaba ko ng buhok. 

"Honey, may naisip ka na bang pangalan ng baby boy naten?." He asked.

"Oo nga pala noh? Wala pa akong naiisip, ikaw ba may idea ka ba? Gusto ko yung unique."

"What about Nathan?." 

"Hindi naman unique yun eh."

"Ahhm. Yuan?."

"Sounds like chinese naman yan eh."

"Sige, Zeus kaya?."

"Panget, ayoko."

"Markus Caleb?."

"Pwede na din, pero isip ka pa."

"I'm having a hard time Honey, mag isip ka din kaya." 

"Naisip ko lang, since Jupiter ang pangalan mo tapos Venus naman ako. Mga names ng planeta yun diba? What if Mars Pelaez na lang o kaya Mars Caleb Pelaez? What do you think Honey?."

"Ang witty mo dun Honey. I like it. We will name our baby as Mars Caleb Acosta Pelaez." 

"Final na yun ha Jupiter? Excited na akong mahawakan sya, mahalikan, makarga." Nagdedaydream kong tugon.

"Lalo na ako. Excited na akong gawen yung mga duties ko bilang isang ama. Honey, let's sleep na bawal kang mapuyat." 

"Anong oras na ba?."

"10:00 pm na Honey."

"Sige na nga, iinom pa nga pala ako ng vitamins." 

"Naku, dapat kanina mo pa yun ininom. Ikaw talaga, napakamakakalimutin."

"Sorry po. Eto na nga, iinumin ko na." 

Magkasabay na nagdasal muna kami ni Jupiter bago kami mahiga sa kama. He caressed my tummy and planted a kiss on it. "See you soon Baby Mars. Daddy can't wait to see you. I love you son." He kissed me goodnight. 

"I love you Venus, goodnight." He said habang kinukumutan ako.

"I love you too Jupiter, goodnight." I kiss him back. 

Dear Diary,

Until now, hindi pa din ako makapaniwala na katabi ko na ngayon ang lalaking mahal na mahal ko. After all the challenges na dumating, we're here magkasama pa din. If you're destined together, God will do something para maging kayo pa din sa huli and I'm so thankful kasi hindi Nyo ako pinabayaan. Biniyayaan Nyo pa kami ng anak. Ano pa nga bang mahihiling ko? Siguro lahat ng kaswertehan nasalo ko nung nagpaulan si God. Basta, salamat God. Tomorrow is another day, with him, with God.

P.S 

Can't wait to see my Mars Caleb Pelaez. 

Love lots,

Venus Acosta.

"Venus, matulog ka na. Bawal ka nga kasing magpuyat." 

"Oo na po, nagsulat lang sa diary eh." Humiga na ako ng ayos sabay yakap sa kanya.

I really love the warmth of his body, pati yung amoy lalaki nyang pabango. Nagsumiksik pa ako ng bongga bago ako hinila ng antok. 

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon