Jupiter.
Two weeks has past pero ni hindi ko man lang mahagilap si Venus. Miss na miss ko na sya.
Why is this happening to us?
Maayos na ang lahat samin kung di lang dumating si Shaney at si Mommy. Huminga ako ng malalim bago ko inisang lagok ang bacardyng hawak ko. I'm here sa bar kung saan kami unang nagkakilala ni Venus.
Venus, asan ka na? Bakit bigla ka na lang nawala na parang bula? Pagkatapos ng lahat? Ganito na lang ba matatapos? I wanted to see you so bad. I miss your kiss. I miss your hugs. I miss making love with you. I miss everything about us.
"Sir Jupiter?." Si Red Flores, isa sa mga empleyado ko.
"Oh Red, magiinom ka din?."
"Naku, hindi ho sir. Nagbabakasakali lang akong makita dito si Venus. Hindi kasi sya nagrereply sa mga text ko. Sige sir, una na ako."
"Pareho lang pala tayong naghahanap sa taong ayaw magpakita."
"Sir, wag ho kayong magalala, halata sa kanyang mahal nya kayo. Basta ho update ko na lang kayo sir kung sakaling magreply sya."
"Sige salamat."
"Welcome, Sir Jupiter."
Nagsalin ulit ako ng bacardi sa kopita. Hindi ko na iniinda pa ang pait na gumuguhit sa bawat lagok ko. I don't mind it. Ang gusto ko na lang malasing ng sobra ngayong gabi para hindi ko na kailangang isipin pa si Venus.
Halos mababaliw na ako kakaisip kung nasang lupalop na ba sya. Kung sinong kasama nya. Kung okay lang sya. Kung anong ginagawa nya.
Damn it. This is Bullshit. Bakit ba napakadali sa kanyang basta na lang ako iwanan? Hindi man lang ikinonsider yung reason ko. Hindi man lang nya ako pinaniwalaan! Basta na lang sya umalis.
Lumipas ang ilang oras, ni hindi man lang ako malasing sa dami na ng nainom ko. Nagpasya na akong umalis, nagiwan muna ko ng pera sa lamesa bago nagsimulang lumabas na ng bar. I engined the car, bumuntong hininga muna ako bago ko pinaharurot ang sasakyan.
I don't care kahit na mabangga ako o makahit and run ako basta lang gusto kong magpatakbo ng mabilis na mabilis na mabilis. Sumasama ang loob ko sa isiping wala na sa buhay ko si Venus. For Pete's sake, mahal na mahal ko sya.
I couldn't even imagine my life na hindi sya kasama. Na hindi sya ang magiging ina ng mga anak ko. Na hindi sya ang babaeng ihaharap ko sa altar. Na hindi sya ang babaeng makakasama ko sa pagputi ng buhok namin.
How sweet of you Jupiter! How can you even do all this things if she's out of your life now?
Hindi ko na napansin ang truck na kasalubong ko. Nasilaw ako sa sobrang liwanag hanggang sa mabitawan ko na ang manibela ng sasakyan. Sumalpok ako, hanggang sa nagblock na ang paligid ko. I passed out.
At the Hospital.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Wala akong masyadong maaninag. Blurred na white room. At isang babaeng nakaub ob sa may paanan ko. She's holding my hand.
I moved slowly dahilan para magising sya. I could clearly see her now. She was Venus.
Ang aking si Venus!
Finally, nagpakita na sya. I miss her so much, nawala lahat ng sama ng loob ko nung makita ko ulit sya. Hindi ko na maramdaman na naaksidente ako. Hindi ko na pinansin ang dextrose na nakakabit sa kamay ko, hinila ko sya palapit and hug her tight as I could.