Chapter 9

9.5K 131 9
                                    

Distractions.

"Venus! Venus, sandali lang naman. Ano bang problema mo? Bat ka ba lakad ng lakad? Saan ka pupunta? Uy tumigil ka nga muna." Jupiter said sabay hila sa kamay ko.

Tumigil ako saka humarap sa kanya. I was in the state of shock. 

"Naiintindihan mo ba ang itinatanong mo sakin, Jupiter? Nababaliw ka na ba? Okay lang sanang magpantasya ako na one day may magmamahal saking lalake pero yung gawing reality? Hindi siguro Jupiter." I glared at him.

Hay Venus! Bat ba ang tanga mo? Ayan na nga diba? Bakit nagiinarte ka pa? Diba naiinlove ka na sa kanya? So anong problema mo? Magpatingin ka na nga sa psychiatrist!

"Venus naman! Bakit ka ba ganyang magisip? Seryoso ako! Mahal kita. Ano pa bang mali dun? Mahal mo din naman ako diba? So bakit pa natin papahirapin ang sitwasyon?." Jupiter blurted out sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

Nagtitigan kami pero ako ang unang bumitaw. Tumalikod ako and started to walk again. Kailangan ko sigurong umalis na. Mashadong naguguluhan ako sa sarili ko. Parang ang dami daming nangyayari.

"Venus! Wait!." Habol pang pagtawag nya sakin.

Pero hindi ko na sya pinansin pa. Naiiyak ako eh. Nagtatalo ang bully mind, positive mind at moron mind ko. Pumasok ako sa loob ng room namin. 

Hinanap ko ang bag ko tsaka ko inilagay lahat ang mga dati kong damit. Iniwan ko ang mga bagong damit na mula sa pera ni Jupiter. Then finally, my tears fell down on my cheeks.

"Venus, you don't have to do this! Saan ka pupunta? Osige na, hindi na kita pipilitin kung hindi ka pa handa basta wag ka lang umalis please!." Sabi ni Jupiter sabay yakap saken mula sa likod. 

Grabe Venus! What were you thinking? Bakit ka pa ba aalis? Hindi na kita maintindihan. Pride ba yan? Pride chicken o pride bar na sabon? Tanga tanga mo!

"K-Kailangan k-ko t-to Jupiter! Bigyan mo muna ko ng sapat na panahon para ipaintindi sa sarili ko ang mga nangyayari. Wag mo na kong pigilan. Magiging ayos din ako. S-Sige na. A-Alis na ko." I stumbled. 

"Venus! Hindi kita maintindihan. Bakit ba kating-kati kang umalis? Hindi mo ba ko mahal?." I saw sadness in his eyes.

"M-Mahal kita pero may mga bagay na hindi ko matanggap sa sarili ko. Isa lang akong hamak na bayarang babae. Hindi mo deserve ang kagaya ko. Prostitute, Pagerper, Puta, Pok-Pok. Kung may isip ka hindi ka magmamahal ng kagaya ko. Ilang hotdog na ang pumasok sa peanut ko! Madumi ako. Sarili ko nga hindi ko matanggap, ikaw pa kaya?." I said, and again my tears fell down on my cheeks. 

Nakita kong naglabas ng pera sa wallet nya si Jupiter, inilapag nya sa kama habang madilim na tumitig sakin.

"Bayad ko sa huling serbisyo mo. Baka nga tama ka. I grew up having everything in my life but maybe not this time."

Ouch! Ang sakit naman nun. Tanga mo kasi eh. Gusto mo yan diba? Panindigan mo.

Pero hindi ko tinanggap ang pera nya.

Walang lingong likod na naglakad na ko palabas ng kwarto habang bitbit ang bag ko. Umiiyak na talaga ko ng bonggang bongga. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Madami man akong manliligaw, pero ni isa sa mga yun never kong inintertain.

Ang focus ko lang kasi noon maitaguyod ko sa kahirapan ang pamilya ko. Pero this time naiba na nung makilala ko si Jupiter.

Natuto akong maging masaya para sa sarili ko. Natuto akong kiligin lagi ng wala sa oras. Natuto akong tumawa ng walang dahilan.

Tsss! Tapos ngayon mageemote emote ka dyan! Ito naman ang gusto mo diba?

Naglalakad ako ng wala sa sarili. Yung parang sa mga palabas. Walang pakialam sa mga nakapaligid habang umiiyak na parang nagahasa. Ganung ganun ang itshura ko ngayon. 

Nung mapagod na ko kakalakad, umupo muna ko sa isang bench na nadaanan ko noon. Tahimik, mahangin at sa tingin ko mas bagay na dito muna ko magsimyento. Umiiyak na naman ako.

1 hour later.

Tsaka ko pa lang naisipang umuwi na sa bahay. Konting lakad pa more, makakarating na din ako sa bahay namin. Natatanaw ko na ang eskinita papasok sa magulo at mabaho naming lugar.

This is what you wanted diba? Lumublob ka na ulit sa putikan.

Naabutan ko si nanay na nagsusugal pa din sa tapat ng bahay namin.

Tss! Walang ipinagbago. Wala talagang ikakaunlad ang pamilya namin. Kahit pa siguro makuba na ko, mahirap pa din kami. Si tatay naman, nandun sa kabilang kanto nagiinum. Sana pala hindi na ko umuwe. See Venus? Ano ka ngayon? Anong napala mo? Puro ka kasi katangahan sa buhay. Mahal mo naman sya, puro kapridedan ang iniisip mo! Eh ano naman kung Pok-Pok ka? Pwede kang mahalin ng kahit sino kung gugustuhin mo lang. Bakit lagi mong iisipin na madumi ka? May karapatan ka pa din namang mahalin at magmahal. May puso ka, tanga ka ba?

"Aba nabuhay ka? Halos ilang buwan kang nawala. Buti buhay pa kaming naabutan mo. Saang lupalop ka nanggaling? Sana naman maganda ang rason mo sa pagkawala mo. Kasi kung hindi lumayas ka na nga ng tuluyan. Napakamalas talaga ng buhay na to! Bwisit." Pangbungad na mura ni Nanay.

Lecheng buhay naman to oh! Broken hearted na nga ako tapos mura pa ang sasalubong sayo! Lintek na yan!

"Naghanap lang ho ako ng bagong raket! Ito hong 15,000. Pasensya na at natagalan. Sige ho. Matutulog na ko." Walang ganang sabi ko. Agad namang kinuha ni Nanay ang pera.

"Yan! Kung ganyan ka ba ng ganyan di wala tayong problema! Hala sige matulog ka na."

See how money works? Kakasilaw diba? Hindi nyo alam kung gaano nagasgas ang peanut at pagkatao ko para lang may maibigay na pera sa inyo. Tapos winawaldas lang sa pagsusugal at sa mga walang kwentang bagay!

Pumasok na ko sa bahay dala dala ang sentimyento at pagkabasag ng puso ko. Naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi hindi na lang ako pinanganak na mayaman? Bakit naging prostitute ako? Di sana hindi ko minamaliit ang sarili ko.

Di sana hindi ako nasasaktan ngayon. Di sana bagay kami ni Jupiter at kayang kaya kong maging girlfriend para sa kanya ng walang halong hiya sa sarili ko. I sighed.

Ayoko ng bumalik sa dati kong trabaho. Ayoko ng maging Pok-Pok. Pero paano? Ni wala akong tinapos. May trabaho bang disente ang tatanggap sa kagaya kong walang pinagaralan? The thought of it makes me cry harder.

1:00 am.

Nagpabaling baling ako sa higaan. Mulat na mulat pa din ang mata ko. Ni hindi pa ko dalawin ng lecheng antok. Naiisip ko na naman si Jupiter.

Ano na kayang ginagawa nya ngayon? Siguro may nahanap na syang iba na magpapainit sa gabi nya. 'Fuck! Wag mo na ngang isipin yun! Inayawan mo na nga diba? Kung minsan ang sarap mong ingudngod sa kumukulong mantika! Ang gulo mo. Aayaw ayaw ka tapos iisipin mo pa!

Tumayo ako tsaka lumapit sa bintanang kahoy namin. Napatingin na lang ako sa mga stars na kumikinang sa langit. Naniniwala ako sa mga kasabihan ng mga matatanda noon na kapag daw may dumaang bulalakaw, pwede daw magwish.

Pumikit ako tapos humiling ng tatlong wishes sabay punas sa luha ko. Bukas na bukas din maghahanap ako ng disenteng trabaho!

Go for gold Venus! Tama yan! Simulan mong magbago para sa sarili mo! Dapat noon pa. Ngayon ka lang natauhan! Gaga ka kasi, kung hindi ka pa nainlove hindi mo iisiping magbagong buhay!


Author's Note:

Chapter 9 is ready! Salamat sa mga bumabasa ha? Support pa more guys! Mas ginaganahan akong magsulat. Thank you ng marami Mymy1786 at Vans_356 sa magagandang comment! Super appreciate ko yun guys! Oha! Special mention! Thank you ulit. :)

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon