Chapter 20

4.6K 74 5
                                    

Here comes Aldrin.

Sobrang himbing ng tulog ko. Yung feeling na parang nakalutang ako. Yung feeling na parang binubuhat ako. Yung feeling na ang bango bango ng naaamoy ng ilong ko. Yung feeling na may nakayakap saken.

Panaginip ba to? Nananaginip ba ko? 

I began to go back on my real senses. Dahan dahang iminulat ko ang mga mata ko. I saw him. 

What the fuck! Literal na binubuhat nya ko? 

Out of the blue napasigaw ako ng wagas na akala mo virgin pa ko!

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh." I yelled.

"Hoy Vee. Wag ka ngang sumigaw dyan. Relax, okay! Hindi ako rapist noh." Si Aldrin na buhat pa din ako.

"So-Sorry. Ba-Bakit mo ba kasi ako binuhat? Ibaba mo na ako." Naaawkward na sabi ko. Baka kasi mabaho na yung hininga ko.

Gosh. Sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. Venus! Ano ka ba?

Dahan dahan nya kong binaba sa malambot na kama.

"Bakit ba kasi dun ka natulog sa sala?." He said in a worried voice.

Worried? Wag ka ngang ano dyan. Feelingera ka agad. Hello? Two days mo pa lang sya nakakasama noh!

"Eh. Ano kasi. Hindi ko naman alam kung saang kwarto ako pwedeng tumuloy. Ang laki nitong rest house nyo."

"I'm sorry about that Vee. Pagod kasi talaga ako eh. Oh sige na, you can sleep again. Kung magutom ka, punta ka lang sa baba ha?."

Sa tingin nya kaya makakatulog pa ako nito? Gravityyyy! Naku Venus ha? Umayos ka nga.

"Si-Sige salamat."

Aldrin smile with his perfect dimples. Bago tuluyan tumalikod at lumabas na sa kwarto.

Gosh. Weakness ko talaga ang biloy. Yung pamatay na biloy nya. Erase. Erase. Erase. Wag ka ngang ano dyan. Matulog ka na lang. Bruhilda ka. Parang wala kang pinagdadaanan ah?

And the thought about Jupiter and Shaney lingers again. Naalala ko na naman yung dahilan kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kung bakit nakilala ko si Aldrin. 

At ngayon kasama ko sya hanggang dalawang linggo.

Hay! Pano ko makakasurvive? Andami daming nangyayare sa buhay ko. 

Isang malalim na malalim na buntong hininga.

Bahala na nga si Cyclops. 

I lay down at the bed with a restless feeling. Humikab muna ako ng intense bago ako tuluyang nakatulog ulit.

2 hours later.

Nagising ako kasi kumukulog na yung tyan ko. Kagabi pa nga pala akong hindi kumakain. Dahan dahan akong bumangon. I walk downstairs, nasa pang anim na akong hagdan pero nagsala yung paa ko.

Handang handa na sana akong makatikim na halik ng sahig pero nagulat ako kasi malalaking braso ang nahahawakan ko. I could smell his manly scent na tumatagos sa ilong ko. Slowly, iminulat ko yung mata ko.

My Hero! Este si Aldrin pala. Kuuu. Naman. Ang clumsy mo talaga Venus Acosta! Ikaw na ikaw na talaga!

"Okay ka lang ba?." Aldrin said habang nakatitig saken.

Grabeee. Ang bango ng hininga nya. And that brownish eyes. Malulusaw ako!

"O-Oo okay lang ako. Naku. Ano. Ahmm. Pasensya ka na ha? Medyo clumsy talaga kasi ako. Oo yun, ganun nga. Sorry."

"I find it cute Venus. Anyways, paakyat na sana ako para gisingin ka. Gutom ka na noh?." And again those killer smile appeared.

Kuu naman. Why oh why? Pero Venus wag ka ng ano dyan! Pektusan kita sa gall bladder makita mo.

"Oo nga eh. Nagwawala na yung buwaya ko sa tyan." I said habang nagmamadaling tinanggal ko na ang kamay kong nakahawak pa din sa braso nya.

Hay naku. Para kang tangengot sa mga ganyan mo Venus. Ang kirengkeng mo din kasi eh noh!

"Tara na. I prepared something. Sizzling hot chicken ala Aldrin tsaka Ceasar Salad with my very own dressing. Gutom na din kasi ako."

Dumiretsho na kami sa dining table, ipinaghila nya pa ko ng silya. Naamoy ko na agad ang halimuyak ng manok na nakahayin.

Sorry Aldrin, talo talo muna tayo. Sabihan mo na kong patay gutom, okay lang. Aattack na ko kasi hindi na makapaghintay ang tyan kong may apat yatang buwaya sa loob.

Sumandok na ko ng paella rice sabay kuha na din ng chicken legs. Sunod sunod na ang ginawa kong pagsubo. Halos nakalimutan ko na ang pagiging prim and proper sa hapag.

Anu be yen Venus, wala ka ng etiquette at poise. Your so gross.

Napatingin ako sa gawi ni Aldrin na nakatingin pala saken. Naawkward ako ng very very hard.

Gosh! Punong puno yang bibig mo. Nakakahiya ka Venus!

Dahan dahan nyang pinunasan ang gilid ng labi ko. "Inom ka muna kaya ng tubig?." He smile a bit. Sabay abot saken ng tubig.

Ininom ko naman kagad kasi mukang kelangan ko nga. "Salamat." Nangingiwing sabi ko. "Pasensya ka na ha? Gutom na kasi talaga ako. Promise ang sarap nitong sizzling chicken mo. Penge pa ha?."

"It's okay. Matagal tagal na rin since the last time na nagluto ako para sa babae." Medyo sumeryosong sabi nya.

Nacurious tuloy ako. "Ganun? Bakit naman?." I asked.

"Well, Charmaine died, one month ago." Malungkot nyang tugon.

"Sino si Charmaine?." I asked.

"My girlfriend." He said na medyo may halong pait sa mukha nya.

For a while, natahimik ako bigla.

Eh mas kawawa pala sya kumpara sa pinagdadaanan ko.

Nalungkot ako bigla. At the same time, nawalan na din ng gana. Bigla kong naalala si Jupiter. Namimiss ko sya.

"I-I'm sorry ha? Madaldal kasi talaga ako minsan." Wala sa sariling sabi ko.

"No, it's okay. That's life. May mga bagay talagang dapat tanggapin, lalo na kung wala na."

Tahimik na kaming kumain. Paminsan minsan nagkakatinginan kami. Pero pagtingin ko sa kanya, may kanin sya sa may bandang baba.

Kuu. Sasabihin ko ba? O hahayaan ko na lang na makita nya?

"Ano. May.. may kanin ka sa baba mo." I said.

"Ha? Saan?." He said pero nandun pa din. "Ano? Meron pa ba?."

"Ako na nga. Ito oh." I said sabay tanggal ko sa baba nya. Pero naawkward ako ng konti kasi nagkahawak kami ng kamay.

"Thanks." Aldrin smiled. Pagkatapos ng ngiting yun, bumalik na ulit sa normal ang pagchichikahan namin. We laugh. We chitchat. We smile. We ate.

Pwede din palang maging masaya kahit walang sex.

Heller! Venus. Sex ka dyan! Hindi mo sya boypren noh. Bat mo iniisip yun? Pwede ba. Hay ewan ko sa fallopian tube mo Venus!

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon