Pag mahal mo, babalikan mo.
Naks, umoon the wings of love ang peg.
Two weeks na since nakalabas si Jupiter sa ospital, maybe this is the perfect time para sabihin ko na sa kanyang buntis ako. Excited na akong makita kung ano ang magiging reaksyon nya. Pero nagdadalawang isip ako.
Ano ba yan Venus, sasabihin mo lang. Mahirap ba yun? Smooth sailing na ulit yung relationship nyo diba? Everything's back to normal, so bakit naghehesitate ka pang magsabi. Malandi ka din talaga eh!
"Honey, andito ka lang pala sa veranda. Kanina pa kita hinihintay sa room. What's bothering you? May problema ka ba? Tayo? Tell me." Jupiter said as he wrap his arms around my waist.
Sabihin mo na Venus. Eto na yung moment mo! Dali. Gora na! Now na!
"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo sa hospital?." Panimula ko.
"Yeah. Di ba nga pinipilit kita pero ayaw mo namang sabihin, so tell me ano ba yun Venus?."
"Ahhmm. Ano kasi.. kasi I'm.. I'm five weeks and tree days pregnant Jupiter." I said habang kumakabog ng malakas na malakas ang dibdib ko.
Dead air. Ni hindi pa nagsasalita man lang si Jupiter. Pero nagulat na lang ako nung naghihiyaw siya. Yung tipong parang tumama sya sa lotto with matching talon pa.
"Yahoooooooo. Magiging daddy na akooooooooo. Finalllyyyyyy. We did it. Magiging daddy na akoooooo!."
"Jupiter oo na magiging daddy ka na nga, ano ka ba. Wag ka ng sumigaw dyan. Ikaw talaga. Nagugulat ako sayo."
"Masayang masaya lang ako Venus, you didn't know how happy you made me. Ganito pala ang pakiramdam ng magiging daddy soon. Thank you Honey. Thank you!." He said as he pulled me closer and hug me tighter.
Nakakateary eyed naman yung reaksyon nya. Hay.
"Thank you, Jupiter. Lahat ng pinagdaanan naten is all worth it, here we are magkayakap at magkasama pa din. I'm so blessed to have you. I love you so badly."
"It's all worth it Venus. I love you too so much and to our future baby. Excited na akong makita sya."
Food trip 101.
Dahil nagkecrave ako sa kung ano anong pagkain, punong abala si Jupiter sa mga gusto kong kainin. Namili sya ng mga fishball, kikiam, squid ball at fresh eggs para gawing kwek kwek.
Sabi nya kasi, hindi daw healthy yung mga street foods sa bayan, so mas prefer daw nya na sya na lang ang magluluto for me.
Hay, ang sweet naman talaga ng lalaksot na to. Ginagawa na naman nya akong prinsesa, at ako naman itong pabebe din.
Ang cute nyang tignan habang nakamaster chef kuno syang uniform with matching hat pa.
Kung ano ano talagang pakulo nito sa katawan. To think na magpiprito lang naman sya?
"Honey, stay foot ka lang dyan ha? Mabilis lang to, promise. Anong sawsawan ba gusto mo?."He said habang hawak hawak ang syanse.
Kakatawa yung itshura nya, takot na takot mapilantikan ng mantika.
"Anything na mahanghang at matamis." I replied habang nagbabasa ng magazine tungkol sa pregnancy.
Since that day na nalaman nyang buntis ako, almost everyday na syang may dalang babasahin tungkol sa pagbubuntis. And since then, lumipat na ako sa bahay niya. Live in kung tawagin ng iba, pero wala na akong pakialam sa sasabihin nila.
I wanted to be with him kahit na hindi pa kami kasal. Hinahanap hanap kasi nung ilong ko yung amoy nya. Medyo strange pero siguro, part ng pregnancy ko yun.