Life is not always a bed of roses!
I was busy making coffee for my Jupiter when someone's bragging at my back, automatically lumingon ako. I didn't know her at all pero may resemblance sya kay Jupiter.
"So, you must be my son's cheap secretary. But I must say a gold digger instead." Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.
"Hi-Hindi ko po kayo maintindihan Ma'am baka ho nag---."
"As I expected! Hindi mo talaga ako maiintindihan kasi mang-mang ka! Your just a cheap club girl, a slut, a whore sa isang pipitshuging bar!." His mom shouted dahilan para magtinginan ang mga katrabaho ko sa opisina. S
ya pala ang ina ng lalaking mahal ko. Paanong..Paanong nalaman nya ang..ang panget kong nakaraan? Nakakahiya.
Bigla ay parang naestatwa ako sa harapan ng matapang na ginang. Nawalan ng force ang kamay ko kaya nabitawan ko ang tasang may lamang kape. Dun lang ako natauhan kaya nagmamadaling kinuha ko isa isa ang piraso ng basag na baso, para lang masugatan ako.
Ang sakit! Pati puso ko ang sakit din.
Nanginginig na tinitigan ko na lang nagdurugo kong kamay.
"I hired a private investigator para malaman kung sino ka ba talaga! Kung sinong babae ang pinagaaksayahan ng oras at pera ng anak ko! Isa ka lang hamak na prostitute at hinding hindi ka nababagay sa anak ko!." She said na halos duruin ako sa mukha. Bigla namang dumating si Jupiter. Nagmamadaling dinaluhan nya ko sa sahig.
"Venus! What happened? Dumudugo ang kamay mo." Worried na worried na sabi ni Jupiter habang inaalalayan akong makatayo.
"Son! Mas uunahin mo pa ang babaeng yan kesa saken? Kadadating ko lang from Singapore! Is this how you treat your mother?."
"Mom, can you please stop! She's my girlfriend. And for God's sake, she's bleeding. Let's just talk later."Jupiter said to her mom.
I could hear some gasped and murmuring. Sasabog na ako sa kahihiyan. Maya maya pa'y dinala na ako ni Jupiter sa loob ng office nya. Wala kaming imikan habang ginagamot nya ang sugat ko.
Nakatungo ako bago nagsalita. "B-Bakit mo sinabi yun?."
"Ang alin?."
"Sa harap ng..ng Mommy mo at mga katrabaho ko ang tungkol saten diba nga se---." Naputol ang sasabihin ko kasi nagsalita ulit sya, this time sa seryosong boses at mukha.
"Why not Venus? Girlfriend naman talaga kita diba?."
"Pi-Pinaimbestigahan ako ng mommy mo. Alam na nya kung ano ang..ang nakaraan ko. At ayaw nya saken." Naiiyak kong sabi.
Akala ko, ayos na lahat. Pero tama sila, hindi palaging masaya ang buhay. May times na susubukin ka ng pagkakataon.
"Mahal kita Venus! Kaya kitang ipaglaban kay Mommy. I know her for the longest time, isa lang to sa mga tactics ni Mommy para ipilit na naman ang gusto nya. She wants me to marry Shaney Veloso. At hinding hindi ko gagawin yun Venus. Ikaw ang gusto kong pakasalan." He said seriously as he wipe my tears on my cheeks.
Napayakap na lang ako sa kanya. Kinakabahan man ako sa maaaring mangyare pero hindi ako susuko. Ayaw ko ng iwanan si Jupiter.
Sya lang ang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko. Sa narinig ko galing sa kanya, mas tumibay ang loob ko. He's willing to fight for me, and I'll do the same thing.
Day off Galore.
Mula sa banig, naging kama na ang higaan ko ngayon. Mas maayos ayos na ang kwarto ko.
Mas tamang sabihing kwarto na nga ito unlike before.
Day off ko kaya nagpapakasarap pa ko sa paghiga. Pagkatapos nung nakakastress na pagkikita namin nung Mommy ni Jupiter mas kinakabahan ako sa pwede pang mangyare. Sa totoo lang ayoko na syang makita pa.
The thought of it makes me breath harder. Marahas na bumangon na ako sa kama, bigla akong binanas. Lumakad na ako sa banyo, napapangiti na din ako ng very very light kasi hindi na sya mukhang ulbuan ng baboy! Banyo na talaga sya.
Ang doorknob maayos ng nakakabit, may toilet bowl na bagong bago na din! De flush pa! Tapos hindi na naninilaw ang tagiliran! Hindi na sya nakakadiring liguan. Pwede pa ngang tambayan. Nagmamadaling binuksan ko ang shower.
Level up na! May shower na din! Kita mo nga naman? Sosyal na ang banyo ko!
Parang batang nilalaro ko ang tubig. Pakanta kanta pa ako. Magkikita kasi kami ni Jupiter mamaya. Kagaya ng nakasanayan, pampering day namin pag day off ko. Lahat ng trip, ginagawa namin.
Isinet aside ko na lang ang engkwentro namin nung Mommy nya. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako magpapaepekto. Okay then, I'm done! Ano kayang magandang maisuot this time? Naghalungkat pa ko ng magagandang damit, until I saw a simple dress.
Isang tshirt na violet, v-cut type tapos isang fitted na black pants. Tinernuhan ko na lang ng medyo astigin na black vans na shoes. Hindi ko alam kung anong ispiritu ang sumapi saken at naging ganito ang pormahan ko today.
Bahala na nga si Cyclopes.
I curled my brown long hair, nag makeup ng onti at nagpabango.
Humbeym! Tapos na ang seremonyas ko sa katawan.
Nahagilap ng mata ko ang cellphone ko.
Yes! Marunong na akong magcellphone.
Isang buwan na ang nakalipas since nabili ko 'to! Si Jupiter kasi pinilit akong matuto para daw may communication kami pag hindi kami magkasama. And I must admit, helpful naman talaga.
Aba eh, ako lang siguro ang kauna unahang taong walang cellphone sa panahon ngayon! Year 2015 na for Wolverine's sake!
Dinayal ko ang numero ni Jupiter pero ring lang ng ring. Ngayon lang nangyareng hindi nya sinagot ang tawag ko.
Nakalimutan nya kayang pampering day namin ngayon?
Maya maya pa'y biglang kumabog ng onti ang dibdib ko. Parang may kakaiba akong nararamdaman. Nagmamadaling kinuha ko na ang bag ko, nilock ko muna ang pinto ng bahay namin. Naisipan kong puntahan na lang sya sa condo nya. Nasa akin naman yung duplicate key nya kung sakali.
Nasa tapat na ko mismo ng pintuan ng condo nya. Hindi pa din nawawala ang pagkabog ng puso ko.
Bakit ba ko kinakabahan? Hindi naman ako adik sa kape at lalong wala akong sakit sa puso.
Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumasagot. Kumatok pa ko ng isang beses pero wala pa din. Patalikod na sana ko nung magbukas yung pinto.
"Jupi---." Makalaglag panga at makatigil mundo ang nakikita ng mata ko. She's just wearing a lousy tshirt.
Sino ang pesteng malanding to sa condo ni Jupiter ko!
"Hi. Shaney nga pala! Nasa banyo pa kasi si Jupiter. Sino ka nga pala?." Nakangiting pagpapakilala pa ng malanding babae sa harap ko.
Shaney. Shaney. Shaney. Aha! Yung babaeng tumawag kay Jupiter nung nasa beach kami! Paanong..Paanong napunta sya dito? Akala ko ba ayaw sa kanya ni Jupiter? Hindi pwede! Hindi pwede! Ba-Bakit?
