Playful Bedtime.
I was about to sleep, kapapalit ko lang ng damit pantulog. Inaayos ko na ang unan namin at comforter pero itong si Jupiter kiniliti ako sa bewang. Kaya ayan, malakas na tumatawa ako sabay dapa sa kama.
"Ju-Jupiter tama na. Naiiyak na ko kakatawa. Tama na pleaseeee." Suddenly, tumigil sya sa pagkikiliti saken. Nahagip ko ang unan sabay hampas sa pwet nya.
"Ahh, gusto mo yan ah. Sige ito oh." He said sabay hampas din saken ng unan sa bewang ko.
Hampas dito. Hampas dyan. Hampas doon. Hampas dine. Hanggang sa sumabog ang laman ng unan. Feathers and cottons all over our bed. Pati sa mga buhok namin may feathers na din.
Napatigil lang ako sa pagtawa nung naging slow motion ang paligid. Mabagal na bumabagsak ang mga feathers sa paligid. Pati ang paggalaw ni Jupiter bumagal din. Maya maya pa'y biglang lumalapit na ang mukha nya sa mukha ko.
I close my eyes as I feel his hot lips on mine. He's kissing me passionately. As if this is the first time na naghalikan kami. Ihihiga na sana nya ko pero biglang naging makulit ang utak ko. I sneak out of the bed at nagmamadaling tumakbo.
"Nandyan na ko Venus!." Pahabol na sabi ni Jupiter. I run towards the cabinet pero muntik na kong matapilok, buti na lang nasalo nya ko.
Naks! Tumeteleserye ang peg ah!
I held his hand tapos sabay kaming sumampa sa kama. Nagtatalon kaming parang mga bata! Nung mapagod, sabay na bumagsak kami sa kama.
"Alam mo Venus, when I'm with you feeling ko bumabata ako." He smile na lalong nagpalabas ng malalalim nyang dimples sa magkabilang pisngi.
Kuh! Nakakagigil na kagwapuhan!
"Sus! Bata ka pa naman ah! Echuserong palaka ka naman dyan. Some kind of a courting lines ba yan?." I furrowed my brows sabay kurot sa magkabilang pisngi nya.
"What's Echuserong palaka means?." Sabi nya sa nangungunot na noo.
Juicekolord kahit gusot ang noo, gwapo pa din ang loko!
"Ah wala! Salitang bakla lang yun. Tara na matulog! Antok na ko." Sabay hikab ko.
"Wala ba kong goodnight kiss dyan?." Nagpapacute na sabi nya.
I clenched him and started to kiss his sexy lips.
Ang sarap nya talagang halikan! God! Maharot ka na naman Venus!
"Goodnight Jupiter! Sweet dreams."
"Goodnight Sweety! Surely, I will dream of you tonight. I love you."
We're hugging each other habang magkaharap ang mga mukha. Naaamoy ko pa ang mouthwash na ginamit nya kanina! For the last time we kiss bago kami tuluyang natulog.
Day 5.
Speed boat escapades.
Excited na sumakay ako sa speed boat. Jupiter started to engine the boat. Umaadrenaline rush ang peg ko kaya naman habang umaandar nakataas ang dalawang kamay ko habang sumisigaw sa saya!
"I love you Venus Acostaaaaaa!." Jupiter shouted na parang timang.
Syempre pa kinikilig na naman ako! Pero medyo naguilty ako kasi sa lahat ng I love you nya saken, wala akong sagot. I love him pero gusto ko kasi kapag nagiloveyoutoo ako yung tanggap ko na ng buong buo ang sarili ko.
Hay! Ang drama mo teh!
Nakailang ikot kami sa dagat. Nung mapagod, umupo na lang muna kami sa kabilang side ng speedboat. Good thing naisipan kong magdala ng fishing rad. Feel naming mamingwit. Nagkacrave kasi ako sa inihaw na sariwang isda.
