Chapter 8

11.2K 127 9
                                    

Sticky Note.

"Hi Venus,

I didn't bother to wake you up kasi mantika ka matulog. Tsaka nakuntento na lang akong titigan ka! Anyway I'm in a hurry kasi. May meeting ako today. Iniwan ko sa cabinet yung damit na isusuot mo mamaya sa dinner date naten. See you later! 8:00pm sharp.

PS:
Nagpaorder na ko ng breakfast mo! I'm sure magugustuhan mo yun. Ikaw pa! Bye!

Jupiter. :)

"Aaaaaahhhhhhhh!." Napatili na lang akong parang timang. Buti na lang soundproof itong kwarto. Baka mabato ako ng ibang guests kung sakaling hindi.

Ay! Grabe ka talaga sa kaOAyan mo Venus! Para sticky note lang para kang tanga dyan! Yung totoo ngayon ka lang ba nakakita ng sticky note sa tanang buhay mo? Haynaku! Kinikilig ako to the highest level. Never ko pang naranasan ito! Ang sarap palang kiligin! Tss! Umayos ka nga Venus, landi mo talaga!

Nagsasayaw na naman ako habang yakap yakap ang dress at note na bigay ni Jupiter. Hindi pa ko nakuntento, umikot pa ko na parang sira ulo hanggang sa mabunggo ako sa cabinet.

Ayan! Buti nga sayo maharot ka kasi! Istupida ka pa! May paikot ikot pang nalalaman sa buhay!

Pabagsak na napaupo na lang ako sa kama. Kinikilig pa din ako ng bongga.

Siguro pati yang peanut mo kinikilig na din noh? Maharot ka talaga!

Nakuntento na lang daw syang titigan ako? Gosh! Jusko naman, nahuhulog na talaga sya sa alindog ko! Langya, dinner date daw! Date! Ibig sabihin magdedate na kami?

Paulit ulit Venus? Unli ka? Unli ka? Eh wala ka namang cellphone! Ilusyunada!

Grabe talagang manlait ang kabilang kukote ko! Oo na, ako na nga ang ilusyunada.

Oy Venus na malandi! Ilang beses na kayong nagchurvahan noh, kung makaemote ka dyan akala mo virgin ka pa! Ewan ko sayo! Kausapin mo yang kama baka sakaling sagutin ka nyan!

Lumapit ako sa table tsaka nagkalkal ng pagkain. Napakasweet naman nya, halos lahat ito hindi ko pa natitikman. Ang hirap sabihin ng mga pangalan.

Ay! Ewan ko sa mga pangalan na yan basta ang mahalaga mabusog nyo kong lahat! Happy Fiesta! 

Nagsimula ko ng lantakan ang mga pagkain sa harap ko! Pero with poise this time. Isiniksik ko sa baliw kong utak ang mga itinuro nung hinire nyang tao about sa way's on how etiquette kemerut.

Kailangan daw kasi yun para maging prim and proper ako kapag may kabusiness deal sya. Diba nga lucky charm kuno nya ko.

Sine mo'to ba ito sa It's Showtime at kung makaacting ako wagas? Chikang kadate ko na ngayon si Jupiter at pakyemeng nasubo ng ham sa bibig ko.

Napapraning ka na talaga Venus! Kumain ka na nga lang dyan, mamyang 8:00pm kana umarte!

Nung matapos akong lumafang, naisipan kong tumambay muna sa terrace! Maniningin ng ibon sa langit.

Juskoday Venus! Keaga aga ibon? Agad agad? Manyak ka talaga!

That malicious thought makes me laughed.

Tumatawa ka naman ngayong magisa? Magpamental na kaya ako? Geez! Ano ba yan, kinakausap ko na pati maliliit na boses sa utak ko?

Malayang pinagmamasdan ko ang asul na langit. Breath in, breath out sabay higop sa medyo malamig kong kape. Bigla ko tuloy naalala ang pamilya ko. Buhat nung magtrabaho ako kay Jupiter hindi na ko nakauwi sa bahay. 

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon