Chapter 22

3.7K 53 0
                                    

Two Weeks Later.

Back to reality. Every moment with Aldrin is happiness. Namiss ko sya bigla. Sa two weeks na nakasama ko sya, naging magkaibigan talaga kami. Ang sarap nyang kakwentuhan. Pero alam ko one of these days makikita ko ulit si Jupiter. 

I know him. Lalo na nung binuksan ko yung phone ko pagkahatid saken ni Aldrin dito sa bahay kagabi. Puputok yung inbox ko sa mga messages nya. Isama pa ang miss calls nya. Hay. 

I went to the kitchen para sana magtimpla ng kape, pero bigla akong nahilo. Kagabi pa masama ang pakiramdam ko. Naisipan ko na lang matulog ulit. Isang tulog lang siguro to. 

4:00 pm.

Mumukat mukat na napamulat bigla ang mata ko. Yung buwaya sa tyan ko ang nagpagising saken. 

Grabe Venus, hapon ka na nagising! Yung buwaya mo sa tyan, nagwawala na. 

Patayo na sana ako pero mabubuway na naman ako. Napahawak ako sa ulo ko.

Gravity ngayon lang nangyare ito saken. Anong nangyayare sayo Venus!

Maya maya pa'y napatakbo na lang ako sa kitchen sink, nagduduwal ako pero wala naman akong maisuka. Naghilamos ako, nanghihinang napaupo na lang ako sa upuan. Pano ako makakahanap ng trabaho kung ganito ang pakiramdam ko?

Bwisit!

Naulit na naman ang pagduduwal ko.

Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doctor. Baka kung ano na ito.

Napipilitan man, nagbihis na ako para magpacheck up.

Sana naman God, wala lang ito. Sana ordinaryong sama lang ng pakiramdam. Kelangan ko pang magtrabaho para mabuhay ako sa araw araw. Wala naman kasi ako akong aasahan kung di sarili ko lang din.

Ni lock ko na ang pinto bago ako nagsign of a cross.


Dra. Espina.

"Ayon sa results mo Ms. Venus Acosta, Congratulations your three weeks and six days pregnant. Magiging mother ka na soon." Dra. Espina said habang nakatingin sa mga papel nyang hawak.

Totoo ba yung narinig ko o nahahallucinate lang ako? Ako? Buntis? Ano daw? 

"Baka naman ho nagkakamali lang kayo Doc?." Wala sa sariling sabi ko habang malakas yung tibok ng puso ko. 

"That's impossible Ms. Acosta. I've been a Doctor for some years at wala pa naman akong pasyente na bumalik kasi mali yung findings ko. If you want, you can have a second opinion sa iba. If you'll excuse me, meron pa akong next patient. Have a good day Ms. Acosta." Paalam nya.

Naiwan akong nakatulala habang nakatitig sa kawalan. 

I'm Pregnant. I'm Pregnant. I'm Pregnant? Hindi ko maisip na buntis ako. Shunga ka ba ha Venus? Kung hindi mo naaalala, let me remind you na ang dami dami dami nyong churbahan moments ni Jupiter noh! Bat nagtataka ka pa? Palagay mo wala kang mattress? Tapos wala pa kayong condom pag nagaanes kayo. And sobra kayong inlove diba? You love him that much kaya okay lang sayo. Tapos ngayon magugulat kang buntis ka? Pano na ngayon? Sasabihin ko ba sa kanya o hindi na lang? Tsaka hiwalay na kami diba? May affair na sila ng Shaney na yun.

Wala sa sariling naglakad na ako palabas ng clinic. Ang dami dami kong naiisip, ang dami dami kong inaalala, ang dami daming gumugulo sa isipan ko. Dinala ako ng paa ko sa tapat ng bar kung saan ako nagtrabaho noon.

Bakit ba ako pumunta dito? Magiinom ako? Baka makasama sa baby. Hay! Gulong gulo na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong dapat isipin ko. 

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon