I'm a prostitute. I'm a slut. I'm a club girl. I'm a pick up girl. I'm a girl with no rest. Lahat na ng pwedeng itawag saken. Actually hindi ko choice maging ganito.
Choice ito ng magaling kong Nanay, paano kasi sa ganito kong trabaho sila nasusustentuhan.
Buti na lang pala at binigyan ako ng Diyos ng mahubog at magandang katawan kasi kung hindi, di bagsak ang kabuhayan namin. Nagsimula akong maging ganito nung 18 pa lang ako.
Kawawang matress ko gasgas na agad kebata bata ko pa. Buti na lang pala at nauso ang mga condoms pag nagkataon baka marami na akong bastardo at bastardang anak ngayon.
Magiging kawawa lang sila, may dapat pa pala akong ipagpasalamat sa lagay na ito ng buhay ko. Kung tungkol naman sa buhay pagibig ko eh walang wala.
Sus! Tanga na lang na lalaki ang papatol sa kagaya ko.
Kahit pa sabihin na maganda ako at sexy eh ano bang mapapala nila saken? Wala diba? Masasatisfied lang sila pag nasa kama na kami. Yun lang. Nga pala gumagabi na.
Ito na naman ang oras ng trabaho kong nakakadiri. Kailangan ko na namang magkolorete at magsuot ng seksing damit.
Sana bwenasin ako ngayong gabi.
Kailangan ko ng maperang lalaki.
Kasi kung hindi wala na naman kaming isasaing na bigas bukas. Pag minamalas baka buhangin ang kainin ng mahal kong pamilya.
"Oy Venus, bakit ba kebagal bagal mo? Gabi na bat hindi kapa naiingli dyan?." Si Nanay habang hawak hawak ang baraha at nagtotong its.
Kita mo nga naman oh. Wala na nga kaming pera nakakapagsugal pa. Walanjo namang buhay to oh. Imbyerna!
"Wag kang excited, Nay. Nag-aayos pa ko para makarami. Kala ko ba wala kayong pera, eh bat nagsusugal pa kayo? Sana ipinambili nyo na lang ng bigas."
"Eh bakit ba nangingialam ka pa? Hoy Venus, hindi porke ikaw ang nagpapalamon samin eh ganyan ka ng umasta. Baka nakakalimutan mo anak lang kita. Kaya hindi ako nananalo dito eh." Sigaw ni Nanay mula sa labas ng bahay.
As usual isang ordinaryong eksena na naman. Lagi naman eh. Sanay na ko. Peste. Makapagsapatos na nga lang magaling pa. Bungangerang nanay plus hamak na hanapbuhay? Bigte na lang siguro.
I'm on my way para pumunta na sa club na pinapasukan ko. Syempre pa hindi makukumpleto ang gabi kung walang mga lalaking tambay ang sisipol pag dadaan ako sa eskinita. Sanay na ko.
Yung mga kapit bahay naman bulong bulungan pa. As if naman tatablan pa ko nun?
Manhid na ko mga inday.
Alas diyes ng gabi ako nakarating sa club. Ilaw na ibat iba.
Daring na music at puro mga lalaking nasa 30's at 40's ang nagkalat sa counter. Tama. Nasa club na nga ako. Sana naman hindi matanda ang magtake home saken.
Nakakadiri na nga ang trabaho ko tapos nakakadiri pa ang makakasama ko. Tinawag ako ni Bossing. Ang may-ari ng club na ito.
"Venus. Maghanda ka na ngayong gabe. May bagong customer ka. Galingan mong kumembot para malaki ang tip mo. Tsaka para mabawasan ang utang mo saken." Sabi ni boss sabay tapik sa hita ko.
"Sino naman ho bossing? Baguhan? Naku naman baka kuripot yun? Teka nasan ho ba sya boss?"
"Andun sa bar counter. Kanina ka pa iniintay. Bilisan mo na Venus." Naglakad na ko papunta sa counter. Umupo ako sa isang bakanteng upuan dun and then suddenly nagsalita si guy na nakaside view na may hawak na kopita ng alak.