Hashtag AlVee.
"Ganda ng sunset noh? Isa yan sa mga binabalikan ko dito." Aldrin said habang nakatitig sa papalubog na araw.
"Naaappreciate mo din pala ang sunset?." Gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Palagay mo saken alien? Ikaw talaga. Alam mo bago pa lang tayong magkakilala pero naaamazed ako sayo. Parang iba ka." He smiled again.
Yown. Iba ka daw Venus! Baka ikaw ang alien.
"Sus! Bakit naman ako naging iba? Mukha ba akong alien?." Patay malisyang sabi ko na lang.
"Nevermind it. Basta." Aldrin said na ikinakunot ko ng noo.
"Hay. Ewan ko sayo ang gulo mo kaus--." Naputol yung sasabihin ko nung hinawakan ulit ni Aldrin yung bibig ko.
Kuu. Mabaho siguro hininga mo kaya ang hilig nyang takluban yang bibig mo. Behlat.
Pero kahit nakatakip yung kamay nya, nagsasalita pa din ako kaya ang ending, ito. "Jajdjdkdnek. Jsjdkskavd. Shdkdkfjfkkkkfnfk."
"What?." Nakakunot noo na sabi nya.
Parang sira tong si Aldrin. What daw eh tinatakpan naman tong bibig ko. Akala ko ako laang ang baliw at one forth, ito rin palang si Aldrin.
Tinanggal ko yung kamay nya sa bibig ko. "Bat ba kasi ang hi--."
"Let's just be like this, okay?."
"O-Okay."
Maya maya pa'y pareho na kaming tahimik habang nakamasid lang sa napakagandang sunset. Sumingit na naman sa ala-ala ko si Jupiter. Yung part na nagpunta kami sa Beach resort nila. That wonderful sunset day. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mahinang yugyog sa braso ko ang nagpabalik saken sa katinuan.
"Vee? Bakit? What's wrong? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?." Aldrin asked in a worried voice.
"Ha? Sinong umiiyak? Hindi ah. Ikaw, oa ka mashado dyan." Wala sa sariling sabi ko.
"Anong hindi, bakit basang basa yang mukha mo? Ano bang ginawa sayo nung lalaking yun?." He asked.
Napipi ako for a while bago ako sumagot. "Nahuli ko syang may kasamang babae sa condo nya. Sabagay, hindi ko naman sya masisisi kung maghanap sya ng malinis na babae." Pag-amin ko sabay pahid sa mga luha ko. The pain strikes again. Ang sakit, sakit, sakit.
"What? What do you mean by that?." Nakakunot noong tanong nya.
"I'm an ex club girl, pick up girl, slut, pok-pok, pagerper. Nagbago lang yun nung makilala ko si Jupiter. I fall for him. Sabi nya saken tanggap nya ko ng buong buo, for the past six months masaya naman kami until that day na mahuli ko sya." I said habang nakatingin sa kawalan.
Katahimikan ang namayani bago nagsalita si Aldrin. "It takes a real girl para umamin ka saken tungkol sa nakaraan mo, and thank you for sharing that to me Vee. Only goes to show na pinagkakatiwalaan mo ako." He started to wipe my tears. Sweet and sensual.
"Tahan ka na, hindi bagay sayong umiyak. He's not worth your tears. May mga bagay lang talagang hindi natin kayang intindihin agad agad. May mga rason ang lahat ng bagay Vee." Mahabang sabi ni Aldrin. Sa pangalawang pagkakataon, ngayon ko naramdaman yung pakiramdam na safe ako. Aldrin held my head and placed it to his shoulder. "You can lean on this for a while Vee. Hindi ako judgemental na tao kaya wag kang mag-alala ha? I can be a friend, okay?."
"Hindi ka nandiri saken?." I asked habang nakahilig ang ulo ko sa balikat nya.
"There's no reason para pandirihan kita."
"Bakit?."
"Basta. Bakit ba ang kulit mo?."
"Nagtataka lang ako. Patatlong araw mo pa naman akong kakilala diba?."
"So? Ano naman? Hindi sukatan ang araw para ijudge mo agad ang isang tao."
"Malay mo masama pala akong tao?."
"Mukhang hindi naman."
"Oh kita mo, pagjajudge na din yan diba?."
"Ewan ko sayo, bat ba ang dami mong tanong?."
"Bat ba andami mo ding sagot?."
"Tanong ka kasi ng tanong dyan."
"Sagot ka kasi ng sagot kaya tanong ako ng tanong." Nangingiti kong sabi.
"Ahh, ganun pala ha? Hetong sayo." Kiniliti ako ni Aldrin sa bewang dahilan para mapatakbo ako. Kaya lang hindi ko napansin ang swimming pool. Pagkaisang hakbang ko, plakta ako pabagsak sa tubig.
Ikaw na talaga ang clumsy sa lahat Venus. Laki laki ng swimming pool hindi mo napansin? Kainaman ka na! Kaya lang kasi hindi ako marunong lumangoy. OhmyGee! Nalulunod ako. Nalulunod ako!
Hanggang sa mawalan na ko ng hininga. Narinig ko pa ang pagtawag saken ni Aldrin. Hanggang sa dumilim na din ang paligid ko.
30 minutes later.
Namalayan ko na lang na papalapit na ang mukha ni Aldrin.
Hahalikan nya ko? OMG! OMG! OMG! Hinihingal na bumangon ako.
Ayan. Nauntog kami sa isa't isa.
Grabe ka Venus! Ang shunga shunga mo. Oh yan, instant bukol kayo!
"Naku. Naku. Sorry Aldrin. S-Sorry sorry talaga. Sabi sayo eh malas ako. Masakit ba?." Sabi ko sabay hawak sa mamula mula nyang noo. I blew his forehead na akala mo gagaling agad pag ginawa ko yun. Hanggang sa mapansin kong nakatitig na pala sya saken. "Hoy! Natulala ka na dyan?."
"May bukol ka. Ang laki." He said. Tapos biglang tumawa ng malakas.
"Akala mo naman ako lang? Ikaw din kaya!." I uttered sabay tawa ko din ng malakas.
The whole house filled with our laughter. Yung parang you and me against the world lang ang peg namin.
Hay. This feeling tho. Ang gaan.
"Alam mo Vee, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkabukol." He commented.
"Seryoso?." Namimilog ang matang tanong ko sa kanya.
"Seryoso. And thank you kasi ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito. Thank you for the new weird experience." Aldrin smiled.
"Sus! Kaartehan mo. Medyo nilalamig na ko. Promise." Patay malisya ko na lang.
Loyal ako kay Jupiter at sya lang ang mahal ko kahit na sinaktan nya ako.
"Ako din. Tara. Papahiramin kita ng damit ko."
He offered his hand para makatayo ako. Atubili man pero tinanggap ko na din ang kamay nya.
Sauce! Pakipot ka pa dyan Venus. Pektusan kita sa kidney.
Awkweird man pero magkasabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.
"Dyan ka lang ha? Kukuha ako ng tuwalya tsaka yung damit na pwede mong gamitin." Nakangiti nyang sabi.
"Sige. Salamat." Sabi ko.
"Don't mention it." Sabi nya.
"Salamat pa rin." Sabi ko ulit.
"Ang kulit mo." Sabi nya ulit.
"Sadya. Makulit talaga ako." Natatawang tinampal ko ang balikat nya sabay tulak para matapos na ang usapan namin.
He walked upstairs. Nakatingin lang ako sa kanya.
Kamusta na kaya si Jupiter? Hay. Namimiss ko na sya. Naaalala pa kaya nya ako? Magkasama kaya sila nung impaktang Shaney na yun? Kuu. Naiimbyerna na naman ako sa isipin na yun.
