Chapter 2

10.7K 128 2
                                    

That Kiss Tho.

Nagising ako. 10am ng umaga. Kinusot kusot ko ang mata ko. Hindi pala talaga ako nananaginip. Pagtingin ko sa kabilang side si Mr. Ewan na nakayakap sa bewang ko. 

Napatingin ako sa ilalim ng kumot kasi nakadamit pa din.. ako? Ibig sabihin walang nangyare samin? Nakakapagtaka naman. Pero a part of me natutuwa kasi hindi sya kagaya ng ibang guy na nagtake home saken. 

He's different. Napadako ako sa mukha ni Mr. Ewan. Actually ang gwapo pala nya. Hinawakan ko ang kilay nya na medyo makapal. Nilaro laro ko lang naman. 

Tapos yung mata naman nya binubuksan ko. Lamutakin daw ba ang mukha nya. And then sa ilong naman nyang matangos. Pinisil pisil ko. Aba't hindi pa din sya nagigising. Tindi din ah. 

Sige magpatuloy tayo sa lips. Binuklat ko ang labi nyang mamula mula na. Infairness ang puti ng ngipin nya tapos pantay pantay pa. Siguro madalas sya sa clinic. 

At ang huli, ang pisngi nyang mamula mula din. Kinurot kurot ko lang naman ng very very light. Nagulat ako nung bigla syang magsalita.

"Tapos ka na bang lamutakin ang mukha ko?." He muttered with his half eye open.

"Ay, kabayo." 

"Kabayo ka dyan. Gwapo gwapo ko para magmukhang kabayo noh." He grinned.

"Sorry naman. Nanggugulat ka kasi ih." Nakanguso kong sabi.

"Hey, anong nangyare sa buhok mo? Diba maikli lang yan kagabi?." Nakakunot noong sabi nya.

"Wig lang yun. Hindi ko nga alam na natanggal pala." Sabi ko sabay tanggal sa pagkakapuyod. Unti unting inilugay ko ang hanggang balikat kong buhok.

"Much better. Mas maganda ka kapag mahaba ang buhok mo."

"Naks. Nambola pa. Nga pala magdamag na tayong magkasama ni hindi ko alam ang pangalan mo."

"I'm Jupiter. 29 na ko and I'm the CEO of my own company. Happy now?." He smirked. 

"Mayaman ka naman pala. Eh bakit nagcacasino ka pa? Buti kapa nga mayaman, lahat ng gusto mo nabibili mo, nakakain mo samantalang ako kung hindi ko pa ibebenta ang sarili ko hindi ako magkakapera." Madrama kong pahayag.

"Dramahan pa ko? Bakit kaya hindi mo ipadala kay Mam Charo ang kwento ng buhay mo?." He chuckled.

"Ito naman para nagoopen-up lang eh. Naisip ko na yan nung epilogue nitong story kaya lang bibili pa ko ng ballpen at papel di gagastos pa ko? Pambili nga ng bigas araw araw hirap na hirap na ko eh."

"Are you hungry? Let's eat. Anong gusto mong kainin?." He said lazily.

"K-Kahit ano basta nakakain." I said while stammering. 

Hanubayan? What wrong with me? Venus is stammering? Dahil lang may lalaking nakaboxer shorts sa harap ko? Susme. Ilang beses na kong nakakita ng hubad na lalake diba? Kung makaarte naman ako akala mo kung sino akong malinis na virgin na babae. Hay, Venus. Ewan ko sa gasgas mong matress.

"Earth to Venus? Are you with me? Sabi ko tara na let's eat diba?." He said habang nakatitig saken.

"Sige. Maghihilamos lang ako at magsesepilyo at wiwiwi. Alam mo na yung ginagawa pag umaga." I stiff pero nagmadali na ding pumasok sa bathroom. 

I was amazed about the room. Susmiyo mas malaki pa ito kesa sa bahay namin ah. Grabe naman talaga. Ang swerte swerte ko. Ang laki laki pa ng salamin. Tapos may bath tub pang kasama. 

Maligo na din kaya ako? Teka mamaya na lang siguro medyo nagwawala na ang mga buwaya ko sa tyan. Nagmadali na kong maghilamos at magsepilyo at magwiwi.

"Kumain ka na." Alok nya. Ipinaghila pa ko ng upuan. 

Aba naman, gentleman sya oh. Sige ikaw na, Jupiter. 

Grabe! Para akong kakatayin sa dami ng pagkaing nakahayin sa lamesa. 

Last supper na ba ito? Wagas naman kasi kung makapagpadeliver ang lalaking ito. 

Palibhasa kasi mayaman.

"Uy Jupiter. Bakit hindi ka na naman kumakain? Masarap ba talaga kong titigan? Pasensya ka na ha kung bargas akong kumain. Ang sarap sarap kasi nilang lahat. Ngayon lang ako nakatikim ng mga ganyan." I said while consciously wiping my face.

"It's okay. Well. I find it cute. Watching a greedy lady is suddenly became a good scenery to watch. Parang pakiramdam ko busog na din ako. Go on just eat." He said while grinning with matching his perfect set of teeth na makalaglag panty.

"Bakit may pakiramdam akong hindi maganda yung sinabe mo sakin? Grabe nilalait mo ko dun sa paenglish english mo ah." Nakasimangot kong sabi.

"Your funny. Basta kumain ka na lang. I need to go Venus may meeting ako today. Basta be ready for tonight ha?." He winks at me na nakapagpastiff sakin.

"Ha? Aalis ka na? Ano namang gagawin ko dito mag-isa?." Bigla ay para akong nawalan ng gana.

"Yes. I'll give you my credit cards. Magshopping ka. Mamasyal. Do whatever you want to do. Okay. I really need to go. See you tonight Venus." He said and gave me a quick kiss on my lips. 

Nagulat ako dun. Napahawak ako sa labi ko. This is not the first time and he's not even my first kiss pero kung magulat ako wagas? I felt butterflies on my stomach. 

Ay me ganurn? Paru-paro? Saan nanggaling yun? Gosh

Napatuon ang pansin ko sa malaking king size bed. Nagtatalon ako na parang bata. Gusto kong aliwin ang sarili ko lalo na sa mga bagay na ngayon ko lang naranasan.

Masaya pala talagang maging mayaman. Nung magsawa ako sa lambot ng kama, naisipan ko namang maligo sa bath tub. 

Never pa kong nakaligo sa ganito. Samantalang sa totoong buhay ko tabo at timba lang ayos na makaligo lang. 

Buhay prinsesa ako dito. Gosh, ang saya!

Pinuno ko ang bath tub tapos nilagyan ko ng rose petals na nakita kong nakapatong doon. And then nilagyan ko ng pampabula. 

Naghubad ako ng walang kyeme. Ako lang namang mag-isa eh. Lumusong ako sa bath tub tsaka humiga. I indulge myself kasi once in a lifetime lang ito. 

Mga 2 to 3 hours siguro akong magbababad. Minsan lang nga diba, e di sagadin na. Baka hindi na maulit. Parang batang naglandi ako ng bubbles sa paligid ko.


SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon