Chapter 19

4.8K 64 10
                                    

Shattered Moment.

Naguunahang pumatak ang mga luha ko sa mata. Yung pakiramdam na hindi ka makahinga ng ayos dahil ang sakit ng puso mo. 

How could he do this to me? Bakit Jupiter? Bakit? 

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nanginginig na pinunasan ko ang luhang nagpapalabo sa paningin ko. Nagmamadaling lumakad na ako kasama ang sama ng loob sa dibdib ko.

It's over Venus! Tapos na ang magandang panaginip mo. Gumising ka na sa katotohanan! 

Para tuloy akong lumalakad sa buwan. Napatigil lang ako nung marinig ko ang pagtawag ni Jupiter saken.

"Venus! Venus! Wait." Jupiter yelled habang humahangos na tumatakbo palapit saken. Pero mas minabuti ko na lang na tumakbo palayo sa kanya.

"Venus! Sandali lang! Let me explain. Please." He said sa humihingal na boses.

He reached my arm dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo. And for a while pareho kaming humihingal. Pareho kaming tahimik. Pero ako na ang bumasag ng kahimikan.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. One powerful slap is not enough para sa puso kong nalaspag kani-kanina lang.

"Paano mo nagawa saken yun Jupiter? I thought.. I thought mahal mo ako? Bakit?." I said at muli, dumaloy na naman ang luha ko sa magkabilang pisngi.

"Venus, mali ang iniisip mo! Mahal kita! Ano ka ba? Kulang pa ba ang lahat ng ginawa ko para saten para pagisipan mo ko ng ganyan?." Jupiter said habang nakatitig sa mga mata ko.

"Kung mali ang iniisip ko, bakit kasama mo ang babaeng yun sa condo mo? And for Pete's sake! Suot nya pa ang T-shirt na ineregalo ko sayo! How can you explain that Jupiter? Sige nga! Bigyan mo ko ng magandang dahilan para paniwalaan kita!."

"Early this morning, pumunta sya dito ng lasing na lasing. Akala ko si mommy ang kumakatok pero si Shaney pala. She enter the house tapos basta na lang pumasok sa kwarto ko! I'm taking a bath then kasi nga may lakad tayo. Our pampering day together diba? Kaya ganito ang ayos ko. Paglabas ko, nagpalit na sya ng damit ko. Hindi kita kayang ipagpalit sa kanya Venus! Ikaw ang mahal ko! Please maniwala ka naman saken!." He said and started to hug me.

Hey Venus! So ganun na lang yun? Konting paliwanag at yakap maniniwala ka na agad? Bati na agad kayo? Ganun?

For a while ninamnam ko muna ang yakap nya bago ako kumalas sa kanya. This time, hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko. Naguguluhan ako.

Naguunahan na namang pumatak ang luha ko sa mata. Sumasakit na naman ang puso ko. Lalo na nung nakita kong palapit si Shaney, suot suot yung T-shirt na regalo ko kay Jupiter.

"Babe, let's go na. Iwanan mo na ang babaeng yan. Yang cheap na babaeng yan." Shaney said sabay lingkis sa braso ni Jupiter.

"Pwede ba Shaney, wag mo kaming guluhin. Get your own life. Wag mong pakialaman ang buhay ko. And don't you dare call her cheap. Kung may cheap man, ikaw yun! Back off bago pa may masama akong gawin sayo." 

"Pero Jupi.." Shaney said habang akmang lalapit ulit kay Jupiter.

Bago pa ko tuluyang masiraan ng ulo, I walked away with a broken heart. Sumasakit, kumikirot, nababasag ang puso ko. Hindi ko na pinansin pa ang muling pagtawag ni Jupiter saken. Hilam sa luhang sumakay na ko sa taxi. 

Hindi ko na alam kung ano ba ang totoo. Ang gusto ko na lang gawen, sumigaw ng sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa dibdib ko. Hindi ko na pinansin pa ang driver na nakatingin saken.

Umiyak ako ng umiyak ng umiyak. I felt lost for the moment. Hinayaan ko na lang kung saan ako dalhin ng driver. Keber ko kahit na gahasain nya ko, tutal naman wasak na wasak ako. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pagiyak. I fell asleep with a broken heart.

6 hours later.

Naalimpungatan ako. Nasisilaw ako sa liwanag na mula sa labas. Napabalikwas ako ng bangon. I saw a guy na nakasandal sa labas ng kotseng sinasakyan ko. Lumabas ako.

"Ahh. Manong, sorry po ah. Nakatulog ako. Magkano po ba ang pamasahe ko?." I said habang nakayuko para hagilapin ang bag ko.

"Finally, nagising ka din. Akala ko wala ka ng balak lumabas sa kotse ko. And please don't call me manong kasi sa pagkakaalam ko, 27 pa lang ako. Hindi pa ko matanda. So far, hindi pa naman ako nakakalbo."

For a moment, napatigil ako sa paghahalikwat ng bag ko. Tumingin ako sa manong na tinatawag ko, a while ago.

Ang gwapo nyang manong! Nananaginip ba ko? Kamuka sya ni Alden Richards ng Aldub? OMG!

Bigla ko tuloy nalimutan na broken hearted ako kagabe.

Watdapak Venus! Ang landi mo. Umayos ka nga!

"Sorry. Ahm. Ano kasi, may.. May problema lang ako kagabe. Hi-Hindi ko namalayan kung san ako sasakay. I was..I was crying kaya siguro.." Napapahiyang nagdadahilan ako pero bigla nyang inilagay ang palad nya sa bibig ko.

"You were crying that time, I know. I saw it. Kaya nga hindi na ko umangal nung nakita kitang biglang sumakay sa kotse ko. Sa lahat ng ayaw ko, yung makakita ng babaeng umiiyak. So, kahit hindi kita kilala, pinabayaan na lang kita." Mahabang sabi nya habang nakalagay pa din ang palad nya sa bibig ko. He smiled na nagpalabas ng dalawang dimples nya sa magkabilang pisngi.

"Bajdjs bzjsjd nxnxkahz jdjxkznz hsjshhmmm mmmmm." I said sabay turo sa palad nyang nasa labi ko pa din.

He laughed hard. As in hard.

Ambabaw naman ng kaligayahan nya. Tawa agad agad?

"Oh, I'm sorry Miss. Miss?." He said sabay tanggal ng palad nya sa bibig ko.

"Venus. Venus Acosta. I-Ikaw?." I said habang medyo nangingiti na din. Nakakadala kasi ang tawa nya.

"I'm Aldrin. Aldrin Richardson. And para clear, hindi ako taxi driver ha?." He said sa medyo nangingiti na namang mukha.

"Sorry ha Mr. Richardson? Napagkamalan pa kitang taxi driver."

"Sus! Napakaformal mo naman Venus. Wala tayo sa opisina. At lalong hindi tayo magkatrabaho noh. First name basis na lang."

"Si-Sige, so salamat ha? Una na ko Aldrin. Pasensya na talaga sa abala ha?." I was about to walk pero nagsalita ulit sya.

"Alam mo bang nandito ka sa bahay bakasyunan namin? Sorry ha? Hindi ko kasi alam kung taga san ka, so sinama na lang kita dito."

"Ha? Naku, paano ba yan? Malayo ba to? May ano.. May masasakyan ba? May pasok pa ko bukas." Napapakagat sa labing sabi ko.

He just stared at me. Ibinulsa ang kamay sa loob ng strips na jacket nya.

Hay! Ano ba yan. I..I find him cute. Kuu. Kalandian! Tantanan mo nga ako. Naku naku ha. Baka nakakalimutan mong broken hearted ka. Sige na! Umalis ka na.

"Sad to say Venus, secluded kasi itong rest house namin. Kahit pa mag-abang ka, wala kang masasakyan paalis dito. I'm sorry but you had no choice. Stay with me, 2 weeks akong nakaleave sa trabaho."

"Haaaaa? Ba..Bakit? Naku naman. Ano kasi. Ahh. May trabaho a--." Napatigil ako sa pagsasalita nung maalala kong kay Jupiter nga pala ako nagtatrabaho.

Sa tingin mo ba papasok ka pa dun? Tanga ka? Ewan ko sayo Venus.

"Hmmm. You should take some rest Vee. You look haggard. Tsaka mo na problemahin yun. Okay? I'm kinda tired too." He left me with a question mark on my face.

Aba! Ni hindi man lang nya tinuro kung saan ang direksyon papunta sa kwartong pwede kong tuluyan?


Author's Note:

Guys. I'm so sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate. Medyo madami lang akong pinagdadaanan sa buhay. Anyways, sana magustuhan nyo to. Salamat. Happy 53k. :)

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon