Chapter 28

3.8K 50 0
                                    

Most Awaited Day.

Parang kailan lang nung nagpropose saken si Jupiter, mashado pa akong windang at overwhelmed. And now, I'm going to marry him later. Eto na yun, magiging Mrs. Venus Pelaez na ako. Para akong nasa heaven, nakalutang sa cloud nine sa sobrang saya. Nakalimutan ko tuloy na mine makeupan ako.

"Ma'am, close your eyes po. Lalagyan ko na kayo ng eye shadow. Finishing touch na lang po." Sabi nung make up artist saken.

"Sorry, medyo naooverwhelmed lang kasi talaga ako."

"Kahit naman ako Ma'am, kung ganun kagwapo ang mapapangasawa ko maooverwhelmed talaga ako."

"Married ka na ba?." I asked her habang namamawis ang kamay.

"Naku, hindi pa Ma'am. Hindi ko pa mahanap hanap ang poreber ko."

"Wag kang mag alala, dadating din ang lalaking nababagay sayo. Kami nga ni Jupiter, ang dami naming pinagdaanan bago kami nakarating dito sa kasalan namin."

"Sana nga po Ma'am. Nakakainggit tuloy kayo."

"Nainggit agad. Basta be patient, ibibigay ni God yung para sayo."

"Ayan Ma'am, tapos na. Ang ganda ganda nyo na po. Ready na po ba kayo?."

"Salamat. Medyo kinakabahan pero I'm so ready to marry him."

"Sige Ma'am, mauna na ako. Salamat po sa kwentuhan. Best wishes po. Goodluck sa marriage life."

"Salamat din. Sige, ingat ka."

Inayos muna nya ang gown at belo ko sa ulo bago sya umalis. Pinagmamasdan ko pa rin ang kabuuan ko sa harap ng salamin habang hawak hawak ang tyan kong maumbok na. Nagulat ako nung sumungaw si Tita Rebbecca sa pinto.

"You look gorgeous Hija. Hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng anak ko." She said habang inaayos ang gown ko sa likod.

"Ganun po ba yun? Dahil lang maganda ako kaya nya ako nagustuhan?."

Natawa sya bigla. "I mean, beautiful inside and out Anak. Matatampuhin nga pala ang mga buntis."

"Hindi ko nga po mapigilan minsang hindi ako maging moody." Natatawa na ding sabi ko.

"It's part of pregnancy Venus, I do understand you."

"Buti naman ho at nakadating kayo."

"Oo naman ano, hindi pwedeng wala ako sa kasal nyo ng unico hijo ko."

She hug me sabay beso na din. "I'm so glad he found you. Alagaan mo ang anak ko ha Venus? Sya na lang ang natitira kong kayamanan sa buhay."

I hug her back with matching teary eyes. "Salamat ho sa pagtanggap sakin, hindi nyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon. Hinding hindi ko po papabayaan si Jupiter. Makakaasa po kayo saken Tita."

"Oh nangingilid na yang luha mo, sayang ang make up ano ka ba. Kailangang magandang maganda ka sa kasal mo." She said sabay kuha ng tissue sa bag nya.

"Tears of joy lang ho Tita. Hindi ko ho mapigilan eh."

"Oh sya, tama ng drama Anak. Hala sige na, tara na at baka akala ni Jupiter hindi ka na sisipot sa kasal nyo."

Nagmamadaling lumakad na kami papalabas sa condo ni Jupiter. Diba nga sabi sa kasabihan, bawal makita ni groom si bride sa araw ng kasal kaya for the meantime, pinaghiwalay muna kami ng bahay. Namiss ko sya ng isang gabi, hindi na kasi ako sanay ng hindi sya kayakap sa gabi.

Arte mo Venus Pelaez! Naks. Pinapraktis na talaga eh.

Sumakay na kami sa bridal car, syempre pa kasama ang mother in law ko. Since iniwan na ako ng pamilya ko kaya si Tita Rebbecca na lang ang maghahatid saken sa altar.

SeductivityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon