Prologue

11.9K 198 36
                                    

Simula ng naging si Serenity at Melanie ng dahil sa deal nila ay dumidistansya na ako kay Serenity. Araw araw akong palihim na umiiyak dahil akala ko matatanggap ko na ang tungkol sa kanila, pero hindi pala. Sobrang sakit na makita mo ang mahal mo na hawak ng iba. Hindi mo malapitan, hindi mo mahawakan at kahit makausap man lang. Pinagbabawalan kasi si Serenity na makalapit sakin. Kaya sobra sobra ang pagtitiis ko.

Sa tuwing nasa paligid naman nila ako ay parang sinasadya pa ni Melanie na pagselosin ako. Kaya ako na lang ang lumalayo sa kanila kaysa masaktan pa ako lalo.

Ngayon ay nandito kami sa Palawan, sa Isla nila Coach Sena ang Mommy ni Serenity. Buong team kasama ang iba pang malalapit na Team sa amin. Mga kaybigan kasi ni Coach Sena ang mga naging Coach din ng ibang team kaya kasama sila dito. Parang naging reunion nila ito dahil minsan lang magkasama sama silang lahat.

Kasama ko din dito ang Mama Zoila ko dahil matalik na kaybigan ni Mama ang parents ni Serenity at isa din sa magaling na manlalaro noong panahon nila.

Dito namin sasalubungin ang bagong taon ngayon. Ayoko sanang sumama kaso hindi pumayag si Mama Zoila na hayaan akong mag isa sa bahay namin. Kasama din kasi ang kapatid nya at mga pinsan ko na nandito kaya wala na kong nagawa.

Busy ang mga tao ngayon para sa paghahanda mamaya sa bagong taon. May salo salo kasi mamaya dahil minsan lang ang ganitong pangyayare na nagkakasama sama ang mga Team.

Pero ako? Nandito ako sa dalampasigan, mag isang naka-upo, malayo sa kanila, madilim at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid. May ilang nagpapaputok na ng fireworks kaya na-eenjoy ko din kahit papano ang mag isa.

Pinili ko talaga muna lumayo sa mga kasama ko dahil may ibang bagay na gumugulo sa isipan ko.

"Found you"

Nagulat ako ng may nag salita sa likuran ko. Boses pa lang ay kilalang kilala ko na ito base na din sa kabog ng dibdib ko. Hindi ako lumingon, hinihintay ko na lang kung ano ang susunod na gagawin nya.

Napahinga ako ng malalim ng umupo sya sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Mas lalong nagwawala ang puso ko ng ngumiti ito sa akin.

"Serenity.." Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong nya. Binalik ko ang tingin sa dagat dahil hindi ko kayang titigan sya ng matagal ngayon. Wala sana akong balak sagutin sya pero hindi ko matiis.

"Nagpapalamig lang. Ikaw? Ano ginagawa mo dito baka hanapin ka ng Girlfriend mo." May pait na tonong tanong ko sa kanya. Totoo namang laging naka dikit si Melanie sa kanya. Kahit san magpunta si Serenity laging nakasunod ito. Kaya nakakapagtakang hindi nya kasama ito ngayon.

"Don't mind her." Tanging sagot nya. Hindi na ko nagtanong pa kaya tahimik na pinagmamasdan na lang namin ang buwan. Hindi naman awkward ang pakiramdam ko kahit na tahimik lang kaming dalawa dahil masaya na ko kahit ganito lang kami ngayon.

Napaalis ang tingin ko sa buwan ng tumutunog ang cellphone ko na hudyat na may tumatawag. Tinignan ko ang caller at si Jenna ang tumatawag. Kaya dali daling sinagot ko ito.

"Jenna?" Naramdaman kong napatingin ulit sa akin ang katabi ko.

"Where are you? Nakapag ayos na ako ng gamit."

"Agad? Dapat hinintay mo ko para natulungan kita. Saka nagpahangin lang ako saglit. Pabalik na din ako dyan."

"Okay no worries kaya ko naman. Just take your time and be careful dahil madilim na."

"Yeah. I know, don't worry."

"And Zep."

"Hmm?"

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon