Zephyr
Napatingin ako sa likuran ko ng may dalawang masuyong braso ang yumakap sa akin. Napangiti ako at hinawakan ang mga kamay nyang nakapulupot sa bewang ko. Pinatong pa nya ang chin nya sa kanang balikat ko. Kasalukuyan ko kasing kausap si Coach Sena sa phone dahil pinapapunta nya kaming lahat mamaya sa Camp.
"Yes, Coach. Mag re-ready na din po kami." Sabi ko bago ibaba ang tawag sakin.
Meron kaming training mamayang hapon dahil sa susunod na araw ay may laro na kami laban sa Cerberus. Ang laging number 2 sa League. Kaya mabigat ang makakalaban namin sa Semis. Kung s-swertihin kami at kung sino sa Poseidon or Minotaur ang mananalo ay yun ang team na makakalaban namin para sa Finals.
Pero sa lakas ng Poseidon ang team nila Melanie ay baka sila ang manalo. Kaya kailangan namin mapaghandaan ang mga susunod naming mga laban. Gusto ko bago mag quit si Serenity sa Volleyball ay makalaro sya sa Finals at makuha namin ang championship.
"Anong sabi ni Mommy?" Tanong nito habang yakap pa rin ako mula sa likuran kaya humarap na ko sa kanya para makausap ito ng maayos.
"May training tayo mamaya. Pinapapunta tayo sa Camp." Sabi ko at iginaya sya sa may sofa para makaupo kami. Umalis na din sila Stace at El nung pagkatapos naming kumaen. Naikwento na rin namin kay El yung nangyari kagabi sa kanila kaya galit na galit ito at nagmamadaling umuwi.
Yung sa kanila ni Stace? Hahayaan ko na lang dahil naging tahimik si Stace at hindi sumasabat samin kanina. Mukhang malalim ang iniisip ng taong yun.
"Sa Camp? Hindi dito sa Manila?" Tanong pa nito. Meron kasi kaming ginagamit na closed court na pagmamay ari din nila Serenity dito sa Manila. Kapag may laban kami ay dun kami nag t-training pero sa Camp kami pinapapunta ngayon.
"Dun daw tayo pumunta mamaya. Kaya mo na bang mag training?" Tanong ko dito. Mukhang okay naman na sya pero fresh pa kasi ang lahat ng nangyari at medyo may epekto pa sa kanya ang drugs na pinainom sa kanya.
"Kaya ko na. Baka mas makatulong yung training natin at para pagpawisan na din ako."
"Okay. Let's prepare na din dahil ba-byahe pa tayo."
"Okay. Bakit sayo tumawag hindi sakin? Ay shit! oo nga pala. Wala sakin ang phone ko." Biglang namroblema ang magandang mukha nito ng maalala na hindi nya hawak ang phone nya. "Naiwan ko sa Bar." Sabi pa nya at hinilamos ang dalawang kamay sa mukha nya.
"Nasa akin." Sabi ko at nanlalaki ang mga matang tumingin sakin.
"R-really??"
"Yes. Nakuha ko sa table nyo yung bag mo." Sabi ko kaya napahinga ito ng malalim at sumandal sa balikat ko. Hinalikan ko naman ang ulunan nito at nilagay sa bewang nya ang isa kong kamay.
"Oh gosh. Thank you, Baby. Nandun lahat ng picture natin together hindi pwedeng mawala ang phone ko." Sabi nito nung kumalma na. Mahilig kasing kumuha ng picture naming dalawa si Serenity at kasama na din dun si Zari.
"Alam na ba nila Mommy?" Tanong nito. Ang tinutukoy nya ay yung nangyari sa kanya kagabi.
"Hindi pa. But i want them to know everything. For sure magtatanong sila satin mamaya dahil makikita nila ang sugat at pasa sa gilid ng labi mo."
"P-pwede bang wag muna ngayon?"
"Okay. Let's tell them everything when you're ready. Your parents need to know what happened to you. Ako na lang muna bahala kumausap sa kanila kung hindi ka pa komportable." Tumango na lang ito sa akin habang pinaglalaruan nya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Malamang natatakot sya sa magiging reaksyon ng parents nya lalo na si Tita Nathalie.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --