Zephyr
"Baby?" Napatingin ako kay Serenity na nasa tabi ko na pala. Kakababa ko lang ng tawag galing kay Leo.
"Are you okay?" Hawak nya sa pisngi ko ng hindi ako kaagad nakasagot sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya bago tumango. Ayoko muna sabihin sa kanya dahil paniguradong makakaapekto ito sa laro ng buong team kapag nalaman nila.
"Yes po. I'm okay, Baby. Go na. Galingan mo ha?" Hinalikan ko ito sa noo. Isa isa na kasing tatawagin ang first six. Nauna na yung kabilang team.
"Are you sure?" Di kumbinsidong tanong nya. Kilalang kilala kasi ako ni Serenity. Alam nya kung kaylan hindi ako okay, kung may problema ako o di kaya ay may bumabagabag sa akin.
"Yes, Baby." Hinalikan ko na ito sa labi na ikinasigaw ng mga manonood. "Talunin mo sila ha? And be careful." Paalala ko. Dahil mahirap ng magkaron ng injury isa man sa amin lalo na't paunti ng paunti ang players namin.
Naupo ako sa bench nung nasa loob na ng court sila Serenity at nag uumpisa na ang laro.
Masyadong occupied ang isip ko at hindi ako makapag focus sa nangyayaring game ngayon. Nag aalala ako para kay Blaire at Rainey.
Pinakalat ko na lahat ng tauhan ko para hanapin si Blaire. Dahil bakit ko ba nakalimutang masyadong walang puso ang tatay ni Rainey.
Gahaman sa kapangyarihan ang taong yun. Hindi nya hahayaang basta bastang mapunta na lang kung kanino si Rainey na wala syang mapapala.
Kaya nga pinagkasundo sya kay Mau. Dahil bukod sa magkakaibigan ang pamilya nila ay may katungkulan sa gobyerno ang magulang ni Mau.
Puro pangalan lang ang iniingatan at inaalagan.
Hindi ang pamilya nila!
Alam kong tumakbo bilang Governor tatay ni Rainey last year pero natalo ito ng mga Lazaro. Masyadong maganda ang reputasyon ng mga Lazaro kaya imposibleng may makakatalo sa kanila.
Kakampi ni Melanie ang isang anak ng mga Lazaro na si Red. Alam ko magaling din maglaro ang taong yun kaya isa sya sa pinaghahandaan ko.
Ito namang si Mau. Bakit wala din ngayon? Isa din sya sa pinapahanap ko ngayon dahil wala din ito ngayon at sa Condo nya sabi ng mga tauhan ko. Tanging kay Blaire lang ang may bakas na mga dugo. Ayoko mang isipin pero wag sana nilang pahirapan si Blaire.
Hinihintay ko na lang ulit ang tawag ni Leo.
Sana hindi kami mahuli ng dating para iligtas sila Blaire.
--
"Nice game, Baby." Salubong ko kay Serenity after ng laro nila. Nagawa nilang manalo kahit na wala sa amin si Mau at Blaire.
Kayang kaya din naman nila kaya tatlong set lang ang naging laro. Mabuti na lang at hindi pa Harpies ang kalaban namin ngayon. Baka pumasok ako ng wala sa oras dahil kaylangan naming makapasok sa Semis.
Inabutan ko si Serenity ng tubig at pinaupo sa Bench. Lumuhod ako para tanggalin ang sapatos nya at palitan ng slides.
Maganda ang naging laro ni Serenity ngayon. Kaya sya ang naging player of the game. Hindi na din masyadong malapit sa net ang landing nya kapag pumapalo ng bola. Kaya nakakahinga ako ng maluwag. Hindi tulad nung kalaban nila ang Thailand. Masyadong alanganin ang landing nya.
"Baby, ako na." Pigil nya sa gagawin ko at balak pang ilayo sa akin.
"No. Ako na." Sabi ko at kinuha ang paa nya kaya wala syang nagawa.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --