Chapter 14

4.5K 141 14
                                    


Serenity

Nakayakap sakin si Zep mula sa likuran ko hanggang sa matapos ang Fireworks. Nasa kalahating oras din yata ang tinagal nito bago matapos.

Para pa din akong nasa cloud nine ngayon. Hindi ko ine-expect na mag po-propose sakin si Zep. Akala ko lang talaga simpleng dinner date tapos pag uusapan na namin ang tungkol samin.

Inaya nya ako maupo ulit. Nasa kandungan na naman nya ako. Itinaas nya ng bahagya ang dress ko para hindi ako mahirapan maupo paharap sa kanya.

Niyakap naman nya ako ng mahigpit ng makaupo na ko ng maayos sa kanya.

"I'll tell your parents right away when they come here." Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Napatawa ako dahil talagang wala sa plano ang pag propose nya sakin. Hindi pa pala sya nakakapag paalam kanila Mommy.

"Lagot ka. Lalo na kay Mommy Nathalie. Kinuha mo na pala ang kamay ng unica iha nila na hindi pa nagpapaalam sa kanila."

"I know. It wasn't really planned pero nung tinignan kita habang sinasayaw kita? Damn! I told to myself. Hinding hindi na kita pakakawalan pa."

"Pero bakit ka may singsing?" I arched my brow. Natawa sya sakin.

"Dala dala ko palagi yan, Baby. Sabi ko kasi sa sarili ko na kapag nagkaron ako ng chance na makuha kita mula kay Melanie. Papakasalan na kagad kita."

Napangiti ako sa kilig.

"Pero alam kong hindi kita pwedeng pakasalan kaagad dahil dadaan muna ako sa kamay ni Tita Nath."

"For sure papahirapan ka nya sa training natin ngayon." Alam ko kasing sasama si Mommy Nathalie sa mag t-train samin ngayon. Nakakatuwa ngang bumabalik na yung sigla nya kapag usapang Volleyball. Dahil simula ng ma injured sya at hindi na makapaglaro ay ayaw na nyang humawak pa ng bola.

"I'm ready, Baby. Saka ang lakas lakas ko kaya kay Tita Nath." Hinalikan naman nya ko sa labi.

"Favorite ka nun eh" sabi ko dahil sa lahat ng napapadikit sakin. Kay Zep lang sya napapanatag. Sobrang laki kasi ng tiwala ni Mommy sa kanya.

"I have something to tell you pala." She looked serious this time."

"Ano yun?" Takang tanong ko.

"Kagabi, planado yung pagbibigay ng drugs sa table natin. Ang target talaga nila ay ikaw."

"What?! How'd you know?" Nagugulat na sabi ko. Oh my god.

"Nandun pa si Mau. She heard everything kaya hindi sya kagad nakaalis sa Bar. Nasa isang lamesa lang sya malapit sa mga lalaki at nagmamasid. Nung nagkaron sya ng pagkakataon nilagyan nya din ng drugs ang iinumin ng mga lalaki. Kaya nung umakyat na sila sa pwesto natin hindi na nila makilala kung sino ba yung bibigyan nila ng alak na may drugs."

"Oh gosh.."

"I have people there. Sinundan nila yung mga lalaki at pinaamin. Nalaman nilang si Melanie ang nag utos."

Napapikit ako sa galit.

"Nalaman na kasi ng pamilya ni Melanie ang nangyari sa pag merge ng company nyo at ng sakin. Kaya yung nagiging pang blackmail nila sayo ay mawawalan ng saysay dahil hindi na nakadepende ang company nyo sa kanila. I really thought na sa Volleyball talaga ang deal nyo kaya nung pinaliwanag sakin lahat ni Tita Nath kagabi nung papauwi na tayo ay malakas na ang loob kong kunin sa kanya. Malakas din ang kutob ko kaya ka pinipilit isama ni Melanie sa kanya ay may plano na syang iba sayo. Sabihin mo nga sakin, Serenity. Lagi ka ba nyang sinasaktan?"

Umiling ako sa kanya. Never akong sinaktan ni Melanie physically. Kagabi lang. Kahit sapilitan lang ang lahat ay naramdaman kong sincere naman sya sa ginagawa nya para sa akin. Napaka effort nga nya eh. Kung ibang babae lang ako baka na fall na kay Melanie. Kaso ang puso ko na kay Zephyr lang talaga. Malakas din ang appeal nya at maganda din sya kaya nga madami din syang fans bukod sa laging nag c-champion ang team nya.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon