Zephyr
"Sigurado ka bang dito sa club na ito pumunta Girlfriend mo?" Kunot noong tanong ni Stace habang seryosong nakatingin sa labas ng sasakyan. Sya na din ang nag drive para sakin dahil hindi ako familiar sa lugar. Gusto din naman nyang sumama sakin dahil balak nyang mag club ngayon. Iwan na lang daw namin sya at sya na lang mag isang uuwi.
This is exactly what Stace does. Hindi ito nagdadala ng sasakyan kapag may plano syang uminom o di kaya mag girl hunting. Sigurado namang sa hotel ang bagsak nila ng prosepect nyang babae. Nagpapasundo na lang si Stace sa driver nya kapag nakuha na nya ang gusto nya.
She rarely brings women to her condo. Masakit daw kasi sa ulo kapag nalaman ng mga babae nya kung san sya nakatira.
"Yes. Why?" Sagot ko kay Stace sa tanong nya kanina. I even showed Serenity's message to me earlier.
Kinumpirma din ng mga tauhan ko na nagbabantay kay Serenity na dito nga sila nagpunta ni Hera. Tinawagan din nila ako na hindi sila pinapasok sa loob kaya naghihintay na lang sila dito sa labas. Kita ko din sila na naka alerto sa mga taong lumalabas mula sa gusali.
I assigned my people to watch over Serenity while I was in Cebu so that I could rest assured that she would be safe while I was away.
Susunduin ko na sana sya ngayon para sabay na kaming makauwi sa bahay namin. Tinawagan ko na din naman si Tita Nathalie na nandito na ko sa Manila at ako ng bahala kay Serenity para hindi na ito mag alala pa. Medyo nag aalala na kasi si Tita Nath dahil gabi na at hindi sumasagot si Serenity sa mga tawag nya. Sinusubukan ko din tawagan ito pero hindi nga sumasagot hanggang sa hindi ko na ito makontak.
"Hindi mo ba alam ang club na ito?"
"Hindi. Ngayon pa lang ako nakapunta dito."
"Seryoso ka?"
"Oo nga. Kakauwi ko lang ng pilipinas, remember?"
"Gago ka! Bakit mo pinayagan si Serenity pumunta dito?!" Napahilamos ito sa mukha nya.
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Bakit? Anong meron dito?"
"This Club is a drug party!"
"What?!"
"Talamak ang club na ito sa sexual and drugs activity, Zep! Ecstasy, Marijuana, Poppers, Special K, Liquid X, Soap, XTC. Name all the drugs you know. Kaya nagtataka ako kung bakit mo hinayaang pumunta dito Girlfriend mo!" Nanlalaki ang mata ko sa narinig. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at nagmamadaling makarating sa entrance ng Club. Hindi ko na hinintay pa si Stace dahil alam na alam ko ang kalakaran sa ganitong lugar.
Hindi ko akalain na may active club din pala dito sa Pilipinas. Talamak ang ganito sa America but i never went to that kind of place. I know what people can do to you once your in a spirit of drugs and my Girlfriend is a head turner. Hindi malabo na may mga magbibigay o mag-aalok dito ng inumin na may halo.
Hindi ko sya naturuan tungkol sa ganitong bagay dahil lagi kaming magkasama kapag napupunta kami sa Bar at alam kong mapo-protektahan ko sya. Pero hindi ko alam na kayang dalhin ni Hera si Serenity sa ganitong klaseng lugar.
Napayukom ang mga kamay ko habang nananalangin na sana walang masamang nangyari kay Serenity at tanggihan nya lahat ng may balak mag alok dito.
Because, I swear! I'll kill Hera for bringing Serenity to this kind of place!
Hinarangan ako ng dalawang nagbabantay nung nagtangka akong pumasok.
"Card Ma'am."
"What card?" Nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --