Zephyr
"Baby.." i called Serenity to come near me before she enter the court to warming up. They already know that I can't play now but I didn't tell them what happened to me earlier. It is not good for them to show their anger to some players of the other team instead of focusing on the game. It will only ruin their game if they let their emotions.
"Yes?"
"Let me do something before you start." I said and grabbed the tape on my bag. I made her sit on the bench and took off her shoes including her socks. "This tape will protect you from any potential injuries." I carefully placed the tape on her feet and made sure they were properly placed.
"Thanks, Baby." She said after I put the tape on her foot and gave me a peck on my lips. Inikot ikot nya muna ang mga paa nya para maging komportable ito sa nilagay ko.
"Go na. Warm up ka na." She nodded at me with a smile and ran inside the court. I sat next to Rainey and she was eating something again.
"Hindi ka ba nabubusog? Kanina ka pa kaen ng kaen." Sabi ko dito at dumukot sa kinakaen nya. "Junk food is bad for a pregnant woman."
"Ngayon lang naman ako hinayaang kumaen ni Blaire ng ganito dahil nakalimutan namin dalhin yung mga bread sticks ko. Kinakabahan kasi ako sa magiging laban nila at kailangan kong may makaen para ma divert ang isip ko sa laban nila ngayon."
"I have cookies in my bag. That's better than that."
"Oh. akin na yung cookies." Binigay nya sakin ang junk food na kinakaen nito at inabot sa kanya ang cookies na nasa bag ko. Nakikinig naman kasi si Rainey sa ganitong bagay. Alagang alaga nya ang Baby nila ni Blaire. Di ko akalain na mag ma-matured ito simula ng mag buntis. Inabutan ko din ito ng tubig dahil sunod sunod ang subo nito sa binigay ko sa kanya.
"Dahan dahan naman. Walang mang aagaw ng kinakaen mo." Sabi ko ng nabilaukan na ito. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito kalakas kumaen ito ngayon dahil sa paglilihi nya. Medyo naglakalaman na nga ang katawan nito at halata na ang umbok ng tyan nya. Kaya hinahayaan ko syang kumaen ng gusto nya. Hindi kasi madali ang magbuntis.
Malapit na din silang ikasal ni Blaire. Tatapusin lang itong league at paghahandaan na din nila ang kasal nila. Simple lang muna ang plano nilang pagpapakasal para hindi gano ma stress si Rainey sa paghahanda dahil buntis nga ito.
"San mo nabili ito? Ang sarap."
"Gawa lang yan ni Serenity kahapon." Sabi ko at tumingin na sa Court habang nag wa-warm up sila Serenity.
"Wow, meron pa nito? Masarap hindi din ganun katamis."
"Yan na lang yung natira. Kapag may time magpapagawa ako ulit kay Serenity para sayo."
"Yes. Thank you." Sabi nito habang pumapalakpak pa. Napailing na lang ako dito.
"Ay oo nga pala.." napatingin ulit ako sa kanya dahil binitin pa nito ang sasabihin nya.
"Ano yun?"
"May sasabihin ako sayo.."
"Tungkol naman saan?"
"Ngayon ko lang kasi napansin.."
"Ang alin ba?" Tanong ko ulit dito na nawawalan na ng pasensya.
"Dahil ngayon ko lang nakita.."
"Rainey. Kapag binitin mo pa yang sasabihin mo babawiin ko yang cookies na kinakaen mo."
Natawa naman ito sa akin at sumubo ulit ng cookies.
"Thungkol shsya nhakita kho.."
"Lunukin mo nga muna yang kinakaen mo bago ka magsalita." Inis na sabi ko dito dahil hindi ko maintindihan sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --