Chapter 26

3.1K 124 32
                                    

Zephyr

"Hello Bitches!"

Lahat kami ay napatingin sa nagsalita.

Si Rainey at Blaire.

Magkahawak pa ang kamay ng mga ito habang nakatayo malapit sa amin.

Hindi namin sila napansin na pumasok sa living room dahil masyado kaming tutok sa ginagawa namin.

"Anong meron? Bakit ang dami mong tauhan sa labas? May birthday ba ang isa sa kanila? Weird ng theme. Lahat sila naka itim." Sabi pa nito at naglakad na papalapit sa amin.

Kami naman ni Serenity ay hindi pa din makapag salita. Gulat pa din na nandito ang dalawang ito. Si Leo naman ay malakas na tumawa.

"Hoy! Anong nangyari sa inyo?" Yugyog pa nito sakin nung makalapit ito sa pwesto ko. Mabilis kong tinanggal ang mga kamay nya.

"Ma'am. Aalis na kami. Mukhang okay naman na." Natatawang sabi ni Leo at iniwan na kaming apat dito.

"Anong meron, Zep? Bakit ang dami mong tao sa labas." Tanong pa ni Rainey at umupo na sila ni Blaire sa harap namin.

"Wala. Wag mo na intindihin." Sabi ko dahil kapag nalaman ng isang ito kung bakit ay mang aasar na naman ito na aabutin ng ilang buwan bago maka move on. Masyadong alaskador si Rainey na minsan masarap talagang bigwasan. Lalaki din masyado ang ulo nito pag nagkataon.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko na lang. Sumandal ako sa balikat ni Serenity at pumikit. Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa buhok ko.

Feeling ko ay napagod ang utak ko ng walang katuturan. Maghapon akong nag iisip kung anong nangyari sa mga ito at masyado akong nag alala sa kanila. Tapos ito? Magugulat na lang ako na susulpot na lang sila bigla sa harapan ko.

WatdaEf!

Pero ayos na din yun dahil makakahinga na ako ng maluwag. Alam kong walang nangyari sa kanilang masama.

Lalo na kay Rainey dahil nga buntis ito. Hindi sya pwedeng ma-stress.

"Galing kaming Batangas sa niregalo sakin ni Dad na Rest house. Pauwi na kami ng Manila nung maisipan kong dumaan dito. Buti nandito kayo."

Napabuntong hininga na lang ako. Tama din yung sinabi ng tauhan ni Leo na na-track sila sa batangas.

"By the way.."

Napatingin ako kay Rainey ng binitin pa ang sasabihin nya.

"Okay na kami kay Daddy." Masayang anunsyo nito.

"Alam na ni Tito Raul? About sa inyo? Pano?" Tanong ni Serenity. Kahit sya ay nagtataka na okay kagad sa tatay ni Rainey. Knowing Tito Raul.

"Oo. Nakakagulat na alam ni Dad about samin ni Blaire."

"Pano yung naging kasunduan nyo sa pamilya nila Mau?" This time ay ako naman ang nagtanong.

"Nung gabing may Family Dinner kami ay nagulat ako ng ipasundo ni Dad ito."

"Anong pinasundo? Sapilitan pa kamo." Natatawang sabi ni Blaire. "Nagulat akong madaming lalaki na sumulpot bigla sa Condo ko. Akala ko kung anong gagawin kaya lumaban pa ko. May di sinasadyang nasasaksak ako na isang tauhan nila dahil nga pinipilit nila akong kunin. Kung hindi pa nagpaliwang yung isa sa tauhan nila na pinapatawag ako ng Dad ni Rainey ay baka nakapatay pa ko."

Kaya pala gulo gulo ang Condo nito at may bahid pa ng dugo.

"Maayos naman tinanggap ng parents ni Mau. Siguro nakausap na sila ni Daddy kaya nagkaroon kami ng Family Dinner para ipaalam samin."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon