Chapter 5

4.9K 173 109
                                    


Rainey's POV



"Zep kaninong sasakyan 'to?" Tanong ko.

"Mine"

"Regalo sayo ni Tita Zoila?"

"Nope. I buy this car."

"Nanalo ka ba sa lotto?"

"Huh?" nakakunot ang noo na tumingin sya sakin sa rear mirror.

"Zep alam na alam ko ang Net Worth mo. Ako ang dati mong Auditor and Chief at Treasurer mo pa"

"Parang tanga talaga." Bulong ni Blaire na narinig ko naman kaya hinampas ko sya sa braso nya.

"Narinig kita ha?!" Angil ko.

"Napaka epal mo talaga." Inirapan nya lang ako. Kanina pa 'tong babae na 'to. Nakakaasar.

Napailing at nangingiti na lang si Zep sa amin.

"I have a job Rainey. Kaya i can buy my own car na"

"Wow talaga? Sa America?"

"Ahh. Yap?" Sagot na hindi sure kaya napakamot ako ulo ko.

"Anong klaseng trabaho naman yan? Modeling? Ganda kasi ng figure mo ngayon Zep, pang modelo"

"No, Rainey. I don't see myself in Modeling. Hmmm. How can i explain it ba. Basta i have a job na."

"Pano pala trabaho mo kung maglalaro ka ulit dito sa pilipinas?"

"I can work through my laptop. Saka i have loyal people to work for me."

Napatango tango ako sa kanya. May itatanong pa sana ako ng tumunog ang cellphone ni Zep. Tinignan nya muna ang caller bago sinagot. Ni loudspeaker din nya na naka connect pala sa Bluetooth ng sasakyan nya kaya rinig na rinig namin."

"Hello Ma.."

"Hello Anak. How's your flight? What time ka nakarating?"

"It's good Ma and around 5 am po. How's you're vacation with Tita Mira?"

"We've enjoy it. Super. Thanks for the gift anak. Hayaan mo bibigyan ka na namin ng kapatid"

Natawa ako sa sinabi ni Tita Zoila.

"Wow Ma. Can you please do it now? I'm so excited to have my own sibling na eh"

"Sira. Parang sya walang Baby. By the way how are you there? Hindi ka ba naninibago?"

Natigilan si Zep. Teka? Anong Baby? Nagkatinginan kami ni Serenity.

"Not so, Ma. But when i saw Rainey's face. Gosh! nanibago ako bigla. Parang i wanna go back there na lang ulit.."

Nahampas ko nga sya. Parang hindi ako namiss kung makayakap nga sakin kanina.

"Ang kapal mo Zephyr ha?! Hi Tita Zoila. I miss you na po lalo na luto mo. Na diet na po ko ng apat na taon. Hinahanap hanap ng mga alaga sa tyan ko yung luto mo po."

Natawa naman sakin si Tita sa kabilang linya. Masarap naman kasi talaga mag luto si Tita. Halos sa kanila na nga ako tumira. Wala kasi lagi parents ko na puro negosyo namin ang inaatupag.

"Hello Rainey. Ikaw talaga. How are you?"

"Heto Tita magpapaalam sana sa iyo kung pwede ko bang saktan itong anak nyo." sagot ko.

Natawa na naman si Tita Zoila.

"Hayaan mo na, na miss ka nyang anak ko. Isa ka sa bukang bibig nyan nung pauwi na yan dyan.."

"Ma, No. Lalaki ulo ni Rainey baka magka hydrocephalus pa 'to." Natawa ng malakas si Blaire sa sinabi ni Zep. Hinampas ko silang dalawa.

"Tita itong anak nyo talaga namumuro na sakin eh"

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon