Chapter 4

4.4K 152 47
                                    


Rainey's POV


"Zep!" Tawag ko kay Zep nung pagkaayos namin ng gamit palabas ng Court. Nakapag bihis na din sya ng damit. Mukhang hindi galing sa laro dahil napaka fresh nyang tignan.

Agad din naman syang umakbay sakin pagkalapit nya sakin at nginitian ako.

"Why?" tanong nya sakin at sabay na kaming naglakad.

"Namiss kita, porket tumangkad ka lang sakin akbay akbay ka na lang ah? Kaya mo na ding akbayan si Serenity dahil mas matangkad ka na sa kanya." Natatawang sabi ko. Hindi naman sumagot sakin si Zep. "Tara kaen na tayo, namimiss ka na nila nanay sa Cafeteria" tukoy ko sa taga luto namin dito sa Camp.

"Okay, i missed them too." sagot nya

Habang naglalakad kami ni Zep ay nakasabay namin si Serenity. Nasa Kanan ko si Zep at nasa Kaliwa ko si Serenity. Lumipat ng pwesto si Zep para makatabi si Serenity. Tipid na ngiti ang binigay ni Zep sa kanya at hinawakan ang kamay nya habang nakaakbay pa din sakin.

Suot suot ni Serenity ang t-shirt ni Zep. Pano ko nalaman? Naka print sa likod ang surname ni Zep. Hindi naman naglaro si Serenity pero nag iba ng damit.

Aba.. Something's fishy.

Tapos nakailang tawag ako sa banyo nung unang pasok ko pero walang sumagot. Alam kong dun lang pumunta si Zep dahil mag bibihis lang sya. Da pangalawang balik ko ay nandun sila at umiiyak si Serenity.

Something is so so fishy pa din. Hmmm. Malalaman ko din ito sa takdang panahon.

Hindi muna ako mang aasar sa kanilang dalawa dahil alam kong parehas pa silang nasasaktan ngayon. Mabuti na lang ay kahit papano nakapag usap sila kanina pero hindi pa sapat yun.

"Kamusta ka Zep sa America? May Girlfriend ka ba ngayon?" Tanong ko kay Zep dahil ang tahimik nila at para lang may mapag usapan. Pero ang bwisit na si Zep ay ang tagal sumagot. "Zep!" Tawag ko ulit dito dahil naiinip ako sa kanya.

"Madami." sabi nya na humikab pa.

Hinampas ko nga sya.

"Umayos ka nga!"

"Ouch! Rainey! I'm just answering your qustion. Why do you have to do that?" Reklamo nya. Hindi naman masakit yung hampas ko. Maarte lang talaga sya ngayon.

"Hindi mo kasi sineseryoso" sabi ko na may bahid ng inis.

"I'm serious. I have a lots of Girl Friend. With space sa gitna!" Sabi nya sabay irap sakin.

"Ahhh. Linawin mo kasi. Saka hindi yun yung tanong ko. Kung may jowa ka ba ngayon."

"Tsk. It's not my fault if you don't understand my answer!" Sabi nya na napaka arte at humikab ulit. "And, you will not get an answer from me." Nginisihan nya ko. Inirapan ko na lang sya

"Wag mo nga ko ini-english! Saka bakit ba antok na antok ka?" Tanong ko na lang.

Hindi nya ko nasagot dahil may tumawag sa kanya. Mabilis din nyang binaba yung tawag.

"Kamusta si Jenna?" Iniba ko na yung tanong ko.

"Hmmm?" Walang kagana gana nyang sagot at humikab ulit.

"Ano Zep? Naiwan na dila mo sa America? Hindi ka na marunong magtagalog?" naiinis na sabi ko.

"Don't ask me muna Rainey. I'm almost 36 hours awake, my mind can't take any question for now. Some other time na lang.." may pagka conyo na sabi ni Zep.

Hala ito. Ang arte arte na ng babaeng ito. Ma no-nosebleed na yata ako sa kanya. Tsk

"Okay. Ma co-corner din naman kita. Saka pwede ba magtagalog ka na nga. Nakaka nose bleed Zep" sabi ko. Natawa lang sya sakin. Tinignan ko si Serenity na seryoso lang na naglalakad pero mahigpit ang kapit sa kamay ni Zep.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon