Chapter 18

3.2K 131 19
                                    


Zephyr



Nagising akong mabigat ang buong katawan ko. Madilim ang paligid at tanging maliit na ilaw lang ang nakabukas sa loob ng kwarto. Nasa bandang lamesa ito kaya hindi ako nasilaw pag gising ko.

Nasan ako?

Anong nangyari?

Nasa hospital na naman ba ako?

Nakakaramdam din ako ng uhaw pero dahil nanghihina ako ay hindi ko muna pinilit ibangon ang katawan ko.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may marinig akong isang impit na hikbi kaya mabilis kong hinanap kung san ang pinanggagalingan nito.

Dahil sa dilim sa pwesto ko ay hindi ko maanigan kung sino ito. Nakayuko kasi ito habang hawak hawak ang kamay ko. Bahagya kong ginalaw ang kamay kong hawak nya kaya napaayos ito ng upo.

"Zep? Baby?"

Nanlalaki ang mata ko nung makilala ang boses nito.

"Serenity?"

"Baby. Oh my god." Tumayo ito at dinamba ako ng yakap. "You're awake now." Naramdaman kong nababasa na ang leeg ko dahil sa iyak nito.

"Shhh. Don't cry na." Hinimas ko ang likod nito. "Baby.. I'm safe.."

"I'm so worried.."

"I'm sorry. Wag ka ng umiyak. Okay na ako, Baby.."

Inayos nito ang pagkakaupo sa tabi ko. Pilit kong inaabot ang mukha nito para punasan ang mga luha nya. Masyado ko talaga syang pinag-alala. Kinuha nya ang dalawang kamay ko at hinalikan ito parehas.

"Baby. Water." Sabi ko dahil tuyot na tuyot ang lalamunan ko. Madali naman syang tumayo para kumuha ng tubig. Nilagyan nya din ito ng straw para hindi ako mahirapan uminom. Tinulungan din nya ako makaupo ng maayos bago ibigay sakin ang tubig.

"Buksan ko ba ilaw?"

Umiling ako. Mas gusto ko yung medyo dim lang ang ilaw. Tumingin din ako sa orasan at mag a-alas dyies na ng gabi.

"Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog."

"What happened? Nasan ako?" Tanong ko at hinawakan ang dibdib ko. Nakakaramdam kasi ako ng kirot dito ngayon. Nakapa ko din na may benda ang bandang dibdib ko.

"Nasa manila na tayo." Sagot nito. Kinuha ko ang bewang nya para mapaupo sya sa kandungan ko. Gusto kong kausap syang nakadikit sakin.

"Baby. Baka hindi mo pa kaya bigat ko?"

"Kaya kita, Baby. Dito ka sakin." Walang nagawang sumunod ito sa akin. Niyakap ko naman ito agad nung nasa kandungan ko na sya. Feeling ko ang tagal ko na syang hindi nakita kaya miss na miss ko sya.

"What happened Baby after i pass out? Pano ako napunta dito?" Hinalikan muna ako nito sa labi ng madiin bago sumubsob sa leeg ko.

"I'm really scared that time, Baby." Panimula nito. "I thought i lost you. You're almost dead. Nangingitim ka na at lahat natataranta. Naturukan ka ng Cyanide, Baby."

So, it's cyanide ha? I know that kind of poison. I just read some books about cyanide.

"Papatayin ng lason na yun ang body cells mo using oxygen. Masyadong mataas din ang dosage na dinirekta pa talaga sa puso mo. Ikamamatay mo daw yun kapag di ka naagapan kaagad dahil mawawalan ka ng hangin sa katawan."

"Cyanide is more harmful into the heart and brain." Pagpapatuloy ko sa sasabihin nya. Tumango naman ito sa akin.

"Buti marunong si Gabby at Stace mag first aide at tinusok nila agad ang dibdib mo para matanggal kahit papano ang lason. May dalang chopper din ang mga tauhan mo kaya madali kang naitakbo dito sa Manila para maagapan ka kaagad."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon