Zephyr
Pagkarating na pagkarating ko lang dito sa Manila ay agad akong nagtungo sa Penthouse ko para maligo at magpalit ng damit. Aalis din ako kaagad para puntahan ang mahal ko.
Ilang araw ko na kasi syang hindi nakikita at miss na miss ko na si Serenity kahit na lagi naman kaming magkatawagan sa gabi.
Nagkaron kasi ako ng 4 days conference sa Cebu. Last day na sana ngayon pero hindi na ko umattend. Gabby is with me naman kaya sya na ang bahala.
May 1 week break din sa League kaya mahaba haba ang preparation para paghandaan ang mga natitirang team.
Puspusan na din ang training ng team ngayon dahil hindi na biro ang makakalaban namin sa susunod na laro. Lalo na't ang makakaharap namin sa semis ay ang Cerberus na pumapangalawa sa Poseidon.
Naka white crop top ako na tees, pinatungan ko lang ng Black Leather Jacket, Black Short Shorts at White Rubber Shoes.
Halos wala kasi akong tulog dahil nagkaron pa kami ng night party after ng seminar kahapon kaya kahit may hangover pa ako ay umalis na ko kaagad para makabalik na ng Manila.
Sumilip pa ko ng isang beses sa harap ng salamin para i check ang sarili ko.
"Ang ganda mo talaga." sabi ko sa harap ng salamin at natawa.
Nakapa ko ang bulsa ko ng mag vibrate ang cellphone ko.
Si Shane.
Naging kaibigan ko ito nung nasa America pa ako. Nakatabi ko sya sa isang business conference sa New York. At that time we are both newbies in the field of business industry and we were not used to socializing with others pa kaya kaming dalawa lang ang halos magkausap nun hanggang sa naging magkaibigan kami kahit na parehas kaming cold. Ewan. Baka dun kami nag click.
"Hoy! Bwisit ka, Romano! Bakit di mo sinabing uuwi ka na ngayon para nakasabay ako!"
Natawa ako dahil pabulong lang ang pagkakasabi nyang iyon. Naririnig ko pa sa background na halatang nasa gitna pa ito ng conference.
"Hindi ko din alam na uuwi ako ngayon." Pagrarason ko na totoo naman. Bigla ko lang kasi naisip na umuwi na pagkagising ko kanina kaya hindi ko na naisip si Shane.
"Sana man lang tinawagan mo kong hayop ka."
"Hindi na kita naisip eh." Sabi ko kaya nakatanggap na naman ako ng mura mula sa kanya. Pasmado ng bibig. Amputs "Kaya mo na yan, Corteza! Magkita na lang tayo pag balik mo dito sa Manila. May kailangan ako sayo."
Binaba ko na kagad ang tawag dahil nagmamadali na din ako at wala na din syang magandang sasabihin. Kakauwi land din nya dito sa Pilipinas at alam kong dito na din sya mamamalagi kaya maraming oras pa kami pwedeng magkita.
Pagkatapos kong mag ayos ay agad din akong umalis. Tumingin ako sa orasan ko, malapit ng mag lunch kaya aayain ko na si Serenity kumain sa labas. Nagugutom na din kasi ako.
Hindi pa ko nakapag breakfast dahil umalis ako kaagad sa tinutuluyan kong hotel sa cebu pagkagising ko.
Pasipol sipol ako habang nag mamaneho, na e-excite kasi akong makita si Serenity. Namimiss ko na talaga sya at ilang araw ko na din kasi syang hindi nakakasama, nakakayakap at nahahalikan.
Na kay Mama si Zari at alam kong nasa bahay ngayon nila Tita Nath si Serenity. Dun sya umuuwi after ng practice nila.
Susurpresahin ko sya ngayon sa pag uwi ko. Bukas pa kasi ng umaga ang alam nyang uwi ko at tamang tama na wala silang practice ngayon.
Malapit na ko sa Mansyon nila nung makita kong lumabas si Serenity ng gate nila at sumakay sa pulang kotse. Nagtataka naman ako dahil wala naman syang binabanggit na lakad ngayon. Kinuha ko ang Cellphone ko para tignan kung may text ba sya sakin. Kaso goodmorning pa lang ang na received kong message mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --