Serenity"Baby? Nasaan na tayo?" Tanong ko dahil nakapiring ang mga mata ko ngayon. Buhat buhat nya ko ng pa bridal style.
Gustong gusto talaga nitong binubuhat ako.
"Almost there.."
Madilim na nung umalis kami sa Villa namin ni Zep. Pagkalabas pa lang namin ng pinto ay piniringan na nya ako.
"Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa naglalakad.."
Parang ang layo layo na kasi ng nalalakad ni Zep. Ayaw nya akong palakarin. Baka daw kasi matapilok ako o masugatan ang paa ko. Kapag hinayaan nya akong maglakad kahit nakaalalay sya. May part daw kasi sa lalakaran naming medyo mabato.
"Nope. You're so light. Don't worry."
"You sure?"
"Yes po" naramdaman kong hinalikan ako nito sa labi kaya napangiti ako.
Hindi na ko nagsalita at sumandal na lang sa kanya. Inamoy amoy ko na lang ang leeg nito dahil ang bango bango.
Her expensive strawberry scent.
Natatawa ito sa ginagawa ko dahil nakikilito daw sya.
"We're here.." sabi nito at binaba ako.
Ramdam ko ang lamig ng pang gabing hangin dahil naka manipis na white dress ako pero dahil nakadikit lang ako kay Zep ay napapalitan ito ng kakaibang init.
Hinarap nya ako sa kanya at tinanggal ang piring sa mga mata ko.
"You're so beautiful, Baby. I could look at you forever." She dreamingly said to me. Kumikislap ang mga mata ni Zep habang nakatingin sa akin.
Hinalikan nya muna ako sa noo bago ako hinarap sa surpresa nya sa akin.
Napakagat ako ng labi dahil sa ganda ng pagkakaayos nito.
Punong puno kasi ng lantern na nagsisilbing liwanag sa paligid. May malaking tent na may malaking kama sa loob at may nakaayos na lamesa na pangdalawahan malapit sa bonfire. Punong puno din ng mga rose petals ang paligid.
Talagang pinaghandaan nya ito.
"Wow." Namamanghang sabi ko.
"You like it?" Tanong nya at niyakap ako mula sa likuran.
"I love it, Zep. Thank you."
"Anything for you.."
Nag uumapaw ang puso ko sa galak ngayon kaya palihim kong pinunasan ang nagbabadyang luha ko at humarap sa kanya para yakapin ng mahigpit.
"I love you.." bulong nito sakin at niyakap din ako pabalik.
"I love you too, Zep. Thank you for this.."
"Come.." hinawakan nya ang kamay ko at lumapit sa lamesa. Pinaghila nya ako ng upuan at binigay ang isang tungkos na bulaklak. Nilagay din nya sa balikat ko ang coat nya.
"Thank you" masayang sabi ko at inamoy ang bulaklak.
Tinaas nya ang kamay nya at may mga lumapit sa aming mga tao na may kanya kanyang dalang plato.
Naglalaway na kagad ako ng maamoy ko ang mga ito. Lalo na't mga paborito ko ang isa isang binababa sa harapan ko.
Beef tenderloin, Creamy tuscan chicken, pasta and mushroom soup. Meron din isang bowl na strawberry. Hindi yata mabubuhay ito ng isang araw kapag hindi nakakakaen ng strawberry.
Pinagsalin din kami ni Zep ng wine. Inalog ko muna ito at inamoy bago inumin.
Tinignan ko si Zep na naubos na ang kanya.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --