Chapter 6

6.4K 175 35
                                    


Zephyr

Sinalubong ko si Serenity pagkalabas nya ng CR. Hinapit ko agad sya sa bewang nya para mapadikit sa akin. Hindi ko kasi nagugustuhan ang tingin ng mga lalaking nandito sa coffee shop kay Serenity. Sarap pagtutusukin ng mga mata.

Tapos na din naman kami mag mirienda. Ayoko sanang mag stay dito sa coffee shop kung hindi ko lang nakita sa camera ko ang ginagawang kababalaghan ng dalawa sa sasakyan ko. Kaya wala akong choice kundi ayain muna si Serenity. Sana naman walang bakas ang iniwan ng dalawang yun sa Kotse ko. Kundi ay sisipain ko sila palabas.

Nakakainis. Nauna pa sakin ang dalawang yun binayagan ang sasakyan ko.

"Hey. Hindi naman ako mawawala." Natatawang sabi ng dyosa sa harap ko.

"I don't like the way they look at you." Bulong ko sa kanya at umupo ulit sa pwesto namin. "Mas okay ng alam nilang may kasama ka."

"Hanggang tingin lang naman sila sa akin. Mas malala pa nga ang lantarang panlalandi sayo ng babaeng waitress at yung babaeng nasa counter na hanggang ngayon naka tingin sayo." Irap nito sa akin.

"Babaeng nasa counter?" Akmang titignan ko na sana ito ng hawakan nya ang pisngi ko para pigilan sa gagawin ko.

"Don't. You. Dare." Pagbabanta nya at sinamaan ako ng tingin.

Damn! Ang hot nyang tignan ngayon. Napabasa na lang ako ng labi ko at naiyukom ko ng mahigpit ang mga kamao ko. Wala pa itong ginagawa but damn! Nararamdaman kong unti unti ng nabubuhay ang alaga ko sa ganitong simpleng gesture nya.

Napansin nya yatang tila na f-frustrate ako kaya yung galit nyang tingin ay napalitan ng pag alala.

"You okay?"

Tumango ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Let's go?" Paos kong boses.

"Wait are you sure, you okay?" Hinaplos nya ang pisngi ko at sa hindi sinasadya ay nasagi ng isang kamay nya ang gitna ko.

Oh no! Wrong move, Baby!

Titingin na sana sya sa gitna ko ng sumandal ako sa balikat nya.

"Zephyr.."

"I'm okay. Just.. Just having a hard time now."

"W-what?" She's about to touch my face ng makita nyang nag iinit ang mata ko at feeling ko namumula na ang pisngi at tenga ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam at nakakahiyang malaman ni Serenity.

"Let's go." Sabi nito na tumayo agad at nagmamadaling hinatak ako patungong sasakyan namin.

"Blaire. Ako na ang mag da-drive." Sabi nito ng makarating kami sa parking. "Rainey sa likod ka."

Lumipat yung dalawa sa likod ng walang imik. Lihim kong sinipat ang sasakyan at nagpapasalamat akong walang bakas na naiwan yung dalawa.

Masyadong mabilis magmaneho si Serenity at hindi na ito ang daan papunta kay Luna. Tatawagan ko na lang sya na nagkaroon ako ng emergency kaya hindi ko sya mapupuntahan.

"San kayo bababa?" Tanong ni Serenity sa dalawa.

"Sa Plaza Mendez condominium lang ako." Sabi ni Blaire. "Kami ni Rainey." Tumango si Serenity at mas lalong binilisan ang pagmamaneho.

Nagmamadali lang?

Tumingin ako sa dalawang nasa likod na tahimik lang pero magkahawak ang kamay. Mukhang nabitin at itutuloy na lang sa kwarto. Kung ako lang, mas gusto ko si Blaire kaysa kay Mau.

Pagkababa ng dalawa ay niliko ni Serenity sa ibang daan. Magkalapit lang kasi ang bahay namin sa kanila at hindi ito ang daan papunta sa amin. Kaya nagtataka ko syang tinignan. Seryoso lang syang nagmamaneho kaya hindi na ko umimik.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon