Chapter 37

1.3K 86 10
                                    

Serenity

Shock and disbelief coursed through my veins as i stood frozen in my tracks. My mind raced, trying to process what i was seeing. My emotions ranged from hurt to anger, and a lump formed in my throat. I felt a mix of betrayal and sadness, unable to tear my gaze away from the heart-wrenching scene.

If this is just a dream I want to wake up from this nightmare. I can't stand what I see now. Zep has her back to me so she won't notice me from where I'm standing but just based on what I see now? I know what they are doing.

Tears welled up in my eyes, struggling to hold back my emotions. I didn't want to make a scene in public, so i planned to walk away quietly, my heart heavy with the weight of the painful revelation. The image of Zep kissing the other girl?

I can't.

It breaks my heart.

I was about to walk away when I bumped into someone. My vision is getting blurry so I can't recognize who it is.

"S-sorry." I said to the person in front of me

"W-what happened?" There is a concern in her voice. I know who it is just based on her voice. She quickly touched my cheek to make me look at her.

"Melanie.." tanging nasabi ko na lang dahil humihikbi na ako. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko na malayang nagbabagsakan na.

"Anong nangyari? Oh Fuck!" She angrily said at marahan akong pinatabi. Mukhang nakita na nito kung bakit ako nagkakaganito. Lalapit sana ito sa pwesto nila Zep ng mabilis ko itong hinawakan at pigilan sa gagawin. "Serenity!" Inis na sabi nito ng pigilan ko sya.

"Don't.."

"Pero, Serenity!"

"Please.." napabuntong hininga na lang ito at hinatak ako palayo. Nagpatangay na lang ako kay Melanie kung san nya ko dadalhin. Hindi naman ako pwedeng bumalik sa court na ganito ang itsura ko dahil paniguradong magtataka ang mga kakampi ko. Nanlalabo pa din ang paningin ko dahil sa luha kong malaya pa ring nagbabagsakan. Tanging yabag na lang ng mga paa namin ang maririnig sa hallway. Mabuti na lang at wala kaming nakakasalubong dahil malaking issue ito kung may makakakita samin ni Melanie. Inaalalayan din nya ako sa paglalakad dahil nanghihina ang mga tuhod ko.

Pagkapasok namin sa isang pinto ay pinaupo agad ako ni Melanie. Lumuhod ito sa harapan ko at masuyong pinunasan ang mga luha ko.

"Water?" Tanong nito pero hindi ako sumagot at tinakpan na lang ang mukha ko gamit ang mga kamay. Nahihiya akong makita nya na ganito ang kalagayan ko. Hindi nya dapat ako makitang ganito. Naramdaman kong tumayo ito at may kinuha sa di kalayuan.

"Ren, inom ka muna para kumalma ka." Sabi nito at umupo sa tabi ko.

"T-thank you." Bulong ko pero sapat na para marinig nya ito.

Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo. Walang balak magsalita. Ramdam kong gusto nyang magtanong pero hinayaan nya lang akong kumalma. Kahit papaano ay nakatulong sakin ang tubig para lunukin ang bara sa lalamunan ko.

Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon. Kilala ko si Zep, hinding hindi nya kayang gawin ang bagay na yun na walang dahilan. We always get an assurance from each other that other women will not be an issue in our relationship. Malaki ang tiwala namin sa isa't isa pero hindi ko maiwasang masaktan sa nasaksihan ko kanina.

Is she cheating on me now?

We've shared countless memories and had plans for the future. Tapos sa isang iglap lang mawawala na lang ba ang lahat?

Lately, napapansin kong laging may kausap si Zep sa phone. Lumalayo pa sya sakin minsan na hindi naman nya ginagawa noon. Tinatanong ko naman sya pero ang laging sagot nya sakin ay business related kaya hindi na ko nag iisip ng iba pa.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon