Zephyr
Isang malakas na palo ang binigay sa amin ni Number 7. Mabuti na lang ay nakuha ni Pat pero dahil sa lakas ay napunta ito sa ibang direksyon. Pilit hinabol nila Shan ang bola kaya naging dahilan para maging free ball ito sa kabila.
Tinapik kaagad ni Jackie pabalik samin ang bola dahil alam nyang wala pa sa pwesto ang iba. Nabasa naman kaagad ni Amee ang gagawin ni Jacky kaya mabilis itong tumakbo palapit sa Net.
Amee successfully dived the ball at saktong napunta sakin kaya nakakuha ako ng tyempo para mai-set ng maganda ang bola.
Erin stood in her position to get ready for my set. Mabilis akong tumingin sa kabila at kita kong pumwesto na sila para i-block si Erin dahil ang porma ng katawan ko ay pa set papunta sa kanya. Sya lang din kasi ang tanging naka pwesto ng maayos ngayon.
Tatalon na sana si Erin pero lumaktaw na lang ang bola patungong kabila para sa drop ball na ginawa ko na hindi inaasahan ng lahat.
"Fuck!" Sigaw ni number 7.
Hindi nya kasi na save ang bola sa mabilis na drop ball na ginawa ko. Saktong nakadapa ito sa harapan ko kaya isang ngisi ang ginawa ko sa kanya nung tumingin ito sa akin.
Kita ko ang pagyukom ng dalawang kamao nito.
"Good Job, Guys!" Papuri ko sa kanila dahil sa ginawa nilang effort para mahabol at mareceived ang mga bolang pinapalo nila papunta sa amin.
Napatingin ako sa score board. 23 - 16. Lamang kami.
Hindi man sila kasing lakas pumalo katulad nila Mau, Blaire at Serenity ay nagagawa pa din nilang maka score. Hindi din sila kasing husay mag block katulad nila Alexis at Jez pero binabawi lahat nila sa received. Kaya malaking bagay ang nagagawa nila kaya lamang kami ngayon kahit na dati naming mga senior ang kalaban nila.
Ilang taon pang pagpa-practice at experience. Paniguradong mahihigitan pa nila kami. Malaki ang tiwala ko sa kanila.
"Okay. Dalawa na lang. Let's end this set." Sabi ko sa kanila na sinang ayunan ng lahat.
--
"Let's go." Aya ko kay Serenity ng makatapos kaming maligo. Binitbit ko na ang mga gamit namin para makalabas na ng locker room. Mag a-alas syete na din kasi ng gabi.
Nagawa naming maipanalo ang laro laban sa Harpies. Bumalik sila Serenity nung 5th Set na at ako pa din ang naging Setter nila. Naging maayos naman na ang laro nila. Hindi gaya nung 1st at 2nd Set na masyado silang gigil at nawawala sa focus.
Hindi ko alam kung affected pa ba sila kanila Jacky kaya hindi ganun kaganda ang simula nila.
Sa naging laro namin nung 3rd Set ay bumawi yung number 7 pagdating ng 4th Set. Malalakas na palo na ang binibitawan nya. Nagagawa nya ding mag stare down sa amin kapag nakakapuntos ito pero natatahimik kapag kami naman ang bumabawi sa kanya. Hindi ko din kasi hinahayaang lumamang sila sa amin at mabuti na lang talaga ay magaganda ang received nila ng bola kaya na i-seset ko ng maayos sa kanila.
Inulan kami ng yellow card nung 4th set dahil kanya kanyang asaran ang nangyari kapag nakakapuntos ang bawat isa. Nauna kasing mang asar yung kabila na ginantihan lang nila Erin. Naupo na kasi sila Ate Jem at yung mga nasa bench nila ang pinalaro para makapag pahinga sila. Tanging si Number 7 lang ang naiwan dahil gustong bumawi nga sa amin.
Hindi naman ako nakikisali sa kanila. Isang beses lang ako nag stare down at hanggang dun na lang yun. Kahit na niyayabangan ako ni number 7 kapag nagkakaharap kami sa net. Sila Pat at Erin ang gumaganti para sakin dahil naririnig nila kung ano sinasabi sa akin ng kabila. Idagdag pa si Shan na masyadong alaskador kaya natatawa na lang kami kapag nakikita naming apektado sila.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --