Serenity
"Ang tagal nila ah?" Sabi ni Rainey sa gilid ko.
"Mukhang pinahirapan talaga ni Tita Nath si Zep." Natatawang sabi ni Lei ang Captain namin.
"Magdadalawang oras na silang hindi bumabalik.." Sabi naman ni Blaire.
Kasalukuyan kaming nasa court habang nagpapahinga. Kakatapos lang namin mag drills at sobrang nakakapagod ang mga ginawa namin.
Pero si Mommy Nath ay hindi pa pala tapos. Tinawag nya si Zep dahil may ipapagawa pa daw ito sa kanya. Sumunod naman yung isa at nagulat ako ng binuhat nya si Mommy sa likod nya.
Pinapatakbo ni Mommy si Zep habang nasa likod sya nito. Aalma sana ako dahil maghapon na kaming nag d-drill at alam kong pagod na din si Zep pero pinigilan ako ni Mommy Sena. Sinabi nyang hayaan nya muna sila kaya walang nagawang tumingin na lang ako sa kanila habang palabas sila ng court.
Ngayon ay magdadalawang oras na silang wala.
Last week pa kami nag umpisang mag training. Masasabi kong sobrang pahirap ang pinagawa samin. Dahil nakisali nga sa amin si Mommy Nath na talagang nag pahirap sa training namin.
Pinatakbo nya kami sa buhangin ng ilang metro tapos pinainom ng baso ng tubig pero hindi namin ito dapat inumin. Nasa bibig lang namin ito habang tumatakbo. Pagkabalik namin kaylangan hindi bababa sa may marka na baso namin ang tubig na ibabalik.
Kapag hindi namin nagawa ito ay papainumin kami ng isang basong vegetable shake.
Lahat kami ay hindi nagawa yun dahil napaka imposible talaga. Malayo ang tatakbuhin namin tapos sa buhangin pa at tirik ang araw. Kaya yung iba hindi napipigilan inumin ang tubig na nasa bibig nila. Kahit si Zep ay napainom ng vegetable shake.
Akala namin simpleng vegetable shake lang nung time na iinumin namin pero mapapamura ka na lang ng wala sa loob mo dahil lahat ng mapapait na gulay ang nandun sa shake kaya halos masuka suka kaming lahat habang iniinom iyon.
Sabi ni Mommy Sena. Ganyan daw talaga mag train si Mommy. Mild pa nga daw yan dahil nung panahon nila talagang isusumpa mo si Mommy Nath. Laging inaaway ni Mommy Sena si Mommy Nath dahil sobrang pahirap daw talaga. Pero makakatulong naman daw iyon sa stamina at sa liksi ng katawan namin.
Napatingin kaming lahat sa pinto ng may marinig kaming dalawang nagtatawanan.
Si Zephyr at si Mommy. Masaya silang nag uusap habang may hawak hawak na ice cream sa kamay nila. Nakaalalay din si Zep kay Mommy dahil hirap nga si Mommy maglakad kapag wala yung baston nya.
"San kayo nakarating na dalawa?" Tanong ni Mommy Sena at tinulungan si Zep na alalayan si Mommy Nath.
"Inikot buong resort ni Zep." Sabi ni Mommy ng makaupo na ito.
"Hi, Baby." Bati sakin ni Zep nung makaupo ito sa tabi ko. Hinalikan nya ako sa labi ng ikinapula ng pisngi ko. Lahat kasi ay nakita ang ginawa ni Zep kaya tinukso kami ng lahat.
Kinuha ko ang hindi ko pa nagagamit na towel at pinunasan ang mukha at likod ni Zep. Pawis na pawis kasi ito.
"Palit ka na t-shirt." Sabi ko dahil baka matuyuan ito ng pawis. Basang basa din kasi ito. Pero kahit pawisan si Zep. Ang bango bango pa din.
"Bihisan mo ko." Bulong nito sa akin. Napailing na lang ako at tumayo. Ubos na din naman yung kinakaen nyang ice cream.
"Tara" hila ko sa kanya patayo. Dahil halata na talaga sa kanya ang pagod.
"Mag shower na din tayo." Naglalakad na kaming lahat papuntang shower room. Si Zep lang talaga ang hinihintay naming lahat para makapag ayos na. Malapit na din kasing dumilim.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --