Sena's POVPinagmamasdan ko ng maigi ngayon si Zep habang naka tingin ito sa mga kakampi nya na nagwa-warm up sa gitna ng court. Hindi sya sumasali sa kanila bagkos nakatayo lang sya sa isang gilid at pinapaikot nya sa isang kamay ang bola at palipat lipat ito sa mga daliri nya. Mukha syang tinatamad dahil nakuha pa nyang humikab.
Seryoso ba syang kaya nyang talunin ang mga seniors nya?
Napailing na lang ako. Titignan ko na lang kung ano ang kaya nyang ipakita ngayon sa laban na ito.
Masasabi kong malaki talaga ang pinagbago nya, mula sa katawan hanggang sa itsura. Ramdam ko din naman na malayong malayo na ang Zep noon sa ngayon. Pati ang aura nito, ibang iba na. Pero may isang bagay talaga ako na napansin sa kanya.
Ang mga mata nya.
Lifeless
Ngumingiti at tumatawa sya pero hindi umaabot sa mga mata nya.
Wala ng kislap.
Isa si Zep sa mga magagandang mata na nakita ko. She has an Amber Eyes na kumikislap kapag tinignan mo dahil likas sa kanya ang pagiging masayahin. Pero ngayon? Wala ng buhay. Hindi ko na makita sa mga mata nya ang masayahing Zep noon.
Lalo tuloy akong na cu-curious sa kanya. Apat na taon na namin syang hindi nakita, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya sa mga panahon na yan. Dahil wala talaga kaming naging balita sa kanya.
Pinili din ni Zep ang mga bago para makabuo ng team. Kakasimula pa lang ng mga ito mag training dito sa Camp at talagang hindi alam ni Zep ang mga kakayahan pa ng mga ito pero parang ang laki na ng tiwala nya sa mga ito.
O may gusto syang patunyan?
"Hindi na ba ako kamahal mahal? Kapalit palit na ba ako para kay Zep?" nagda-dramang sabi ni Rainey kaya napaalis ang tingin ko kay Zep. Binatukan naman sya ni Blaire pero hindi naman ganun kalakasan. Nagtawanan naman kami sa inasta ng dalawa.
"Ano na naman ba yang pinagsasabi mo!" Sabi ni Wynn.
"Eh pano gusto ko makakampi si Zep. Namimiss ko na ang tandem naming dalawa sa loob ng Court. Pero napapaisip ako kung bakit sila ang napili ni Zep. Hindi ko alam kung ano na ang position nya ngayon dahil sya ang setter natin noon. Paniguradong Middle Blocker na ang position nya dahil sa laki ng na gain nyang height."
Sa totoo lang napapaisip din ako kung bakit sila ang pinili ni Zep, dahil senior ang makakalaban nila. Iba ang ginaling ng senior ngayon pero kahit ganun hindi pa din kayang talunin ang tatlong nangungunang team ngayon. Pwedeng pwede nyang piliin si Blaire, Rainey at Lesley sa Open Hitter. Lalong lalo na si Serenity para sa Opposite Spiker. Alexis at Jez para sa middle at si Wynn para sa libero. Ano kaya ang plano ni Zep?
"May kakaiba din talaga kay Zep, kaso hindi ko mawari kung ano ba yun." sabi ni Wynn habang hindi pa rin naalis ang mga mata sa kaibigan.
"Iba na tindig ng katawan nya. Tignan nyo? may angas na.." sabi naman ni Lesley.
"Bukod dyan? Wala na ba kayong napansin pa kay Zep?" Tanong ko sa kanila na ikinatingin nilang lahat sa akin.
"Ano Coach? panong iba na?" Nagtatakang tanong ni Alexis.
"Makikita nyo na lang" nakangiting sabi ko sa kanila at binalik ang tingin ko sa loob ng court dahil kinakausap na ni Zep ang mga kakampi nya.
Sa kabila ng walang buhay ng mga mata ni Zep ay ang Aura nyang nakapag bigay kilabot sa akin nung tignan ko sya sa mga mata kanina.
"Her eyes says it all." Mahinang bulong ng anak ko sa tabi ko na ako lang ang nakarinig. Napansin din nya pala ang pagbabago ni Zep. Umakbay ako sa kanya kaya napatingin sya sakin.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --