Chapter 11

5K 163 40
                                    


Zephyr


"Zep! Ayos ka lang?" Salubong sakin ni Rainey pagkaakyat ko. Tango lang ang sinagot ko dahil mainit pa din ang ulo ko.

Nagsalin ako ng alak sa baso ko at  diretsong ininom ito. Ramdam na ramdam ko ang init na gumuhit sa lalamunan ko. Magsasalin pa sana ako ng pigilan ako ni Rainey. Tinignan ko sya ng nagtatanong.

"Z-zep.. may dugo kamay mo." Sabi nito kaya napatingin ako sa kamay ko. May bahid pa nga ng dugo.

Kinuha nya ang dalawa kong kamay at nilinis gamit ang tissue. Binuhusan din nya ng alcohol na halos maubos na nya ito sa kamay ko. Ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin.

"Okay na."

Tumango ako sa kanya at nagsalin pa ng alak. Iinumin ko na sana ito ng napa aray na lang ako dahil sa pagpingot ni Rainey sa akin.

"Rainey!" Reklamo ko at hinawakan ang tenga ko. Kainis.

"Ikaw babae ka! Ano naisip mo kung bakit mo pa tinutukan ng basag na baso yung lalaki? Tapos nagbanta ka pang gigilitan!"

"Sabog na sa droga yung mga lalaking yun, Rainey. You see? He tried to punch me. Hindi pa ba ako gaganti?" Sagot ko sa kanya na may kasama pang irap.

"Pero kahit na, delikado Zep yung ginawa mo. Pano kung nakapatay ka?!" Sermon nya pa sa akin.

"Self defense, Rainey." Sinamaan nya ako ng tingin.

"Pano mo pala nalaman na may halong drugs yung iinumin sana namin?" Tanong ni Lesley na biglang nawala ang pagka lasing dahil sa nangyari.

Talamak talaga sa kahit saang bar ang ganitong modus. Kakaibiganin ka muna at kapag nakuha na loob mo. Bibigyan ka ng inumin na may droga o pampatulog. Saka ka nila pagsasamantalahan.

"You notice it agad if hindi ka pa lasing kapag inalog mo yung baso. There's a white particles na hindi natutunaw. The other factor is the extreme odor of the drugs they used. That's why a group or a drunk lady is their prospect. Dahil hindi mo na mapapansin yun. Maybe they eyeing us kanina pa at napapansin na nakakarami na tayo ng inom. Kaya tayo naging prospect and luckily i'm not yet drunk." Sagot ko.

"Muntikan na tayo dun.. Naku... Thank you Ate Zep!" sabi ni Erin na niyakap ang sarili.

"Next time, be careful, Guys. Don't take any drinks lalo na kung hindi nyo kakilala. Don't trust them and it's better na tanggihan nyo na lang, make an excuse. Example na yung mga lalaki kanina they rape their victim for fun."

"Bigla akong natakot" sabi ni Wynn na niyakap din ang sarili nya.

"Nakakatakot naman kasi talaga, sa daming magaganda dito tayo talaga mga nilapitan nila." sabi ni Jez

"Kaya nga, ang dami daming babae tayo pa talaga yung tinarget."

"You look all refreshing kasi in their eyes. I mean, they can take all the girls that they want na hindi na nila dina-drugs. Those guy have the looks and charm din naman kasi. You look all innocent na ma cha-challenge sila na maisasama nila. Kasi most of the girl in this Bar are liberated kaya kayo ang naging prospect nila." Sabi ko.

Sana matuto sila sa nangyare ngayon.

Hindi na sila nagtanong sa akin at naging usapan na lang ang nangyare kanina.

"Takot ka sa dugo, Zep. Pano mo na handle yun?" Bulong sakin ni Rainey.

"Not anymore." Sagot ko at ininom ang huling alak na sinalinan ko. May gusto pa sanang sabihin si Rainey pero tinikom na lang nya ang bibig nya.

Napatingin ako kay Serenity na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin. Alam kong nag aalala ito sa akin ngayon. Kaya tipid na ngiti ang binigay ko bago alisin ang paningin sa kanya.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon