Chapter 21

3.4K 124 21
                                    


Zephyr

"Mom!" Masayang salubong sakin ni Zari na nagpakarga pa sakin pagkapasok ko pa lang ng pinto. Pinugpog ko ito ng halik sa pisngi at leeg na ikinatawa nya.

"Mom, stop. It's tickles." Tinigil ko naman dahil namumula na ito kakatawa.

"What is my princess doing?"

"Playing." Hinalikan nya ako sa labi bago bumaba sa sakin dahil naglalaro nga ito dito sa living room.

"Hi, Baby." Bati sakin ni Serenity ng makalapit. Agad akong hinalikan nito sa labi.

"Nakainom ka?" Tanong nya. Naamoy at nalasahan nya siguro yung alak sa akin pagkahalik nya.

"Konti lang, Baby. Naaya kasi akong uminom saglit ng kaybigan ko after the meeting."

"Okay. Bihis ka na para makakaen na tayo ng dinner." Sabi nya at hinalikan ulit ako sa labi na ikinangiti ko. Hinapit ko pa ito sa bewang nya.

"Sarap. Isa pa, Baby." Agad naman akong pinagbigyan ni Serenity at hinawakan pa ang dalawang pisngi ko.

Damn! Ang sarap.

"Zep. May bata." pigil nya ng hihirit pa ako ng isa pa.

"Okay. Last na." Sabi ko at pinagbigayan ako. Kunwari pa. Namiss din naman nya ako.

Umakyat din ako agad sa kwarto namin para makapag bihis at makaligo saglit. Para matanggal ang amoy ng alak sa akin. Nandito kami ngayon sa bahay ni Serenity, nag t-training na kasi sila kaya dito muna kami para malapit lang sa kanya.

Pagkababa ko galing kwarto ay nakaupo na si Zari at Serenity sa lamesa habang masayang nag k-kwento si Zari ng napanood nyang Cartoons kay Serenity.

"Zep, kanina pa tumutunog cellphone mo. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba dahil baka business matter." Sabi ni Serenity pagkaupo ko.

"It's okay, Baby. Kung hindi mo masagot mag d-direct na yan kanila Gabby."

"Hindi mo ba muna ic-check kung sino? Baka importante?"

"Later na lang. Kaen muna tayo. Nagutom ako lalo sa amoy ng luto mo." Sabi ko dahil puro paborito ko pa niluto nya kaya madami na naman akong makakaen nito.

"Baby?" Bulong sakin ni Serenity. Nakahiga na kami ngayon sa kwarto. Hindi namin kasama si Zari dahil big girl na daw sya kaya sa kwarto na nya sya natulog.

"Po?" Sagot ko ng nilingon ko ito. Nag c-cellphone kasi ako at kausap ko sila Gabby.

"I love you." Sabi nya na ikinangiti ko. Hinalikan ko sya at umibabaw sa kanya.

"I love you too." Sagot ko sa kanya. "Napagod ka kay Zari?" Nasa kulit stage na kasi si Zari kaya baka nahirapan mag alaga si Serenity sa kanya. Umalis kasi ako kanina dahil may kaylangan akong ma meet na kaybigan na kakauwi lang galing abroad. May malaking mall silang itatayo at isa ako sa magiging investor.

"No, Baby. Behave lang naman maghapon si Zari. Naglaro lang kami sa doll house nya tapos nag bake kami para ibigay sa mga tao mo na nandito. Tuwang tuwa si Zari dahil sya ang naglagay ng design sa mga cup cakes."

Napangiti ako dahil hindi na mapaglayo ang dalawa.

"How about you, Baby? Hmmm.." singhap nya ng sinisimulan ko ng halikan ang leeg nya. Wala silang training bukas kaya pwede ko syang pagurin ngayon. Ilang gabi din kaya akong nag tiis.

"Namiss ko kayo maghapon. Kung hindi ko lang kaybigan ang ka meeting ko, kanina pa ko nandito."

Umakyat ang mga halik ko patungo sa panga nya paakyat sa labi nya at mapusok ko itong hinalikan. Naglilikot na din ang mga kamay ko. Ipapasok ko na sana ito sa loob ng nighties nya ng pinigilan nya ako.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon