Serenity
"Kanina ka pa?" Napatingin ako kay Aeriel ng magsalita ito sa tabi ko. Agad akong nakipag beso dito bago umupo sa bakanteng upuan.
"Medyo. Ikaw lang?"
"Yes. Bakit dito? Pwede naman tayo sa condo ko. Ang ingay at ang baho dito. Amoy usok na ko." Pagrereklamo nito at inamoy pa ang sarili. Hindi kasi sya sanay sa ganitong klaseng lugar. Mas trip kong uminom sa Bar kaya ngayon kaya no choice itong pumunta dito. Hindi naman nya ako matitiis eh.
"Baka lasing ka na?" Umiling ako sa kanya.
"Nakakailang shot pa lang ako."
"Okay." Sabi nito at umorder ng orange juice. Matagal na kaming magkaibigan ni Aeriel pero ni minsan hindi ko talaga nakitang uminom ng alak ito. Kahit yung ibang mga kaibigan namin ay hindi ito mapilit. Nagagalit din kasi si Red kapag may namimilit sa kanya.
Napatingin ako sa paligid dahil lahat ng tao ay nakatingin na sa gawi namin. Masyadong eye catcher si Aeriel kahit na hindi naman revealing ang damit nito. Simpleng white dress nga lang suot nya at wala man lang make up sa mukha. Lip gloss nga lang gamit nya dahil natural na mapula ang labi nya.
Crush ko kaya ito. Masyado kasing maganda, tinalo pa ako. Kwento ni Red samin, laging panlaban sa beauty contest si Ae sa former school nila at talagang hakot award daw ito.
"Himala, hindi mo kasama si Red." Natawa sya sa sinabi ko. Lagi kasing nakabuntot si Red sa kanya kahit san sya magpunta. Kahit nga magbabanyo lang si Ae kaylangan nandun din si Red.
"Nadaan naman sa magandang usapan. Saka kasama nya mga bestfriend nya ngayon kaya wala syang magagawa kundi hayaan ako."
"Bago yun ah? Ikaw lagi priority ni Red." Napailing sya sa sinabi ko. "Kayo na ba?"
"Hmmm? Hindi."
"Hanggang ngayon? Hindi mo pa din sinasagot?"
"Hindi ko naman sya pinayagan manligaw sakin."
"Ohh. Bakit naman?"
Ngumiti lang sya sakin. Bagay na bagay kaya sila ni Red. Over protective din ang isang yon sa kanya. Dahil takaw atensyon nga si Ae.
Naging kaybigan ko si Ae dahil si Red ay member ng Poseidon. Lagi syang kasama ni Red sa tuwing may lakad ang team nila. Dahil girlfriend ako noon ni Melanie kaya napapasama na din ako sa kanila. Sumasama lang din ako sa mga lakad nila kapag alam kong kasama si Ae.
Si Ae lang ang tanging nakasundo ko sa lahat. Iba kasi ang vibes nya kaysa sa ibang girlfriend ng mga ka team nila Melanie. Napaka pure, hindi pakitang tao. Maganda na nga. Ang bait bait pa. Nag click agad kami nito nung unang pagkikita pa lang namin.
Isa syang architect. Sa kanya ko din pina design ang bahay ko kaya sobrang na satisfied talaga ako dahil ang ganda ng pagkaka design nya sa bahay ko.
24 pa lang ito pero gumawa na ng pangalan dahil isa sya sa nag design ng isang hotel sa Manila na talagang pinuri ng marami.
"Alam mong mahal ka ni Red?"
Tumango ito habang sinisimsim ang juice nya. Hindi na ko magtatanong dahil parang ang complicated din ng sitwasyon nila.
"One more shot of tequila." Sabi ko sa bartender. Binigyan naman nya ako agad.
"Wag ka masyadong magpakalasing. Hindi kita kayang buhatin." Inirapan ko lang ito na ikinatawa nya.
"Ren.." tumingin ako sa kanya ng nagtatanong.
"Aalis ako."
"Huh? San ka naman pupunta?"
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --