Zephyr
"Baby? Hindi ka pa tapos?" Napatingin ako kay Serenity na kakapasok lang ng pintuan.
"Hi Baby. No pa po." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang reading glass ko.
Mwinestra ko ang dalawang kamay ko sa kanya para humingi ng yakap. Agad naman itong lumapit sa akin at hinawakan ang bewang nito para kumalong sa akin.
Mahigpit ko itong niyakap at sinubsob ang mukha ko sa leeg nito ng makaayos na sya ng upo sa akin. Naramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa buhok ko kaya napapikit ako.
Ilang oras ko pa lang syang hindi nakikita pero miss na miss ko na sya kaagad.
"What time na?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko na nakita ang oras.
"Almost 11pm, Baby."
Mag a-alas onse na pala ng gabi. Hindi ko na naman namalayan ang oras dahil ang dami kong tinatapos ngayon. Maghapon na kong nakatutok sa laptop at madami akong binabasang papeles.
Hinatidan lang ako ni Serenity kanina ng dinner dahil hindi ako makaalis sa upuan ko. Maya't maya kasing may tumatawag sa akin.
Halos hindi ko pa nga sana magagalaw ang pagkain ko ng sinubuan lang ako ni Serenity.
Nagagalit na nga sya sakin kanina dahil hindi ko nagalaw yung dinala nyang pagkaen. Hindi daw dapat ako nagpapalipas ng gutom kaya sinubuan nya na lang ako pagkatapos nyang initin ulit ang pagkaen ko.
Pinaayos ni Serenity ang isang vacant room dito sa bahay nya para maging opisina ko habang dito kami nag s-stay sa Manila. Hindi pa kasi gawa ang building ng company ko dito sa pilipinas.
I owned one of the biggest and number one hotels in America and some part of the Europe. Nagtatayo na din kami dito sa pilipinas na magiging kauna unahan sa Asia.
I also have a cargo and cruise ship na naka base naman sa italy at nagbabalak na din akong magtayo ng pier dito sa pilipinas para sa mga Cargo.
Kaya kapag natapos ang conference nagbabalak akong i treat ang buong team sa european tour gamit ang cruise ship.
"Tulog na si Zari?" Tanong ko sa kanya at bahagyang tumingala para makita ko ang magandang mukha nito.
Biglang akong narelax dahil sa presensya ni Serenity. Iba talaga ang nagagawa nya sakin.
"Yes, Baby. Sa kwarto natin sya natulog." Tumango ako sa kanya. "Madami ka pa bang ginagawa? You look tired na.." hinaplos nito ang pisngi ko.
"I'm tired but i need to finish everything. Madami pa ko kaylangang gawin. I think mga 1 pa ako makakatapos. Kung antok ka na Baby, una ka na mag sleep. Tatabi na lang ako sa inyo after ko. Alam kong pagod ka na din." Sabi ko dahil may training sila kanina. Paniguradong pinahirapan sila nila Coach. Sa susunod na araw ay may laro na naman sila.
"Hindi pa naman ako inaantok, Baby. Pwede ba kitang samahan dito?"
"Pwede naman. Kaso sure ka po? Masyado ng late at baka mainip ka, Baby?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Sanay akong mapuyat at kung minsan ay wala pang tulog.
"No. Ayos lang. Samahan na kita." Napangiti ako at hinalikan ulit sya sa labi.
"Okay. Pero kapag inaantok ka na. Sleep ka na ha? Hindi ka sanay mapuyat, Baby."
"Anong hindi sanay. Minsan nga hindi mo ko pinapatulog." Nakairap na sabi nito sa akin na ikinatawa ko.
Syempre iba naman yun. Yun yung pinaka masarap na puyat na matitikman mo. Hehe
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceZephyr Romano X Serenity Wilson WARNING!!⚠️ Rated SPG🔞 Bawal sa Bata!! This story has contain sexual scenes and violence! Kung hindi kayo komportable. Please. Leave! Thank you --