Chapter 24

526 58 37
                                    

Noong una ay tila ba nagdadalawang-isip ang mag-asawang Capistrano na sabihin sa kaniya kung saan ang bahay nina Oslo. Pero nang sabihin niyang mayron siyang kailangan na ipaayos kay Oslo sa bahay at patungkol sa tumatagas na tubig ay itinuro naman nito sa kaniya ang direksiyon kung nasaan ang bahay nina Oslo at Heaven.

Pero bago umalis ay bumili pa siya ng isang cake. Ayaw niyang magtungo sa bahay nina Oslo na wala siyang pasalubong kay Heaven lalo pa at hindi nakapunta ang mga ito sa pagtitipon ng Cross Pines. Nakaramdam siya ng pag-aalala dahil sa baka kung ano nang nangyari sa mag-ama at lalo na kay Heaven.

Kumunot ang kaniyang noo habang hinahanap niya ang sinasabing puno ng Pino na may ekis na nakalagay sa katawan nito. Mula raw doon ay mayroong dirt road sa kanan at doon siya liliko at ang kaniyang babagtasin iyun at sa dulo nito ay makikita niya ang bahay nina Oslo.

"Ekis? Ekis, nasaan ka pine tree na may ekis?" ang pagkausap niya sa kaniyang sarili. Halos maningkit na ang kaniyang mga mata para makita niya ang pine tree na may ekis. Bakit naman ekis? Ang tanong ng kaniyang isipan. Para ipinahihiwatig nito ay hindi dapat puntahan ang lugar na iyun. ano bang meron sa mag-ama na tila ba inihihiwalay ang mga ito sa mga residente ng Cross Pines?

Pinabagal niya ang takbo ng kaniyang sasakyan hanggang sa makita na niya ang pine tree na sinabi sa kaniya kanina. At nang makalapit na siya sa puno ay tumambad na sa kaniya ang dirt road na sinasabi nito. It was really a dirt road at na isang sasakyan lang ang puwedeng magkasya na dumaan. Mukhang ang pick-up lang ni Oslo ang natatanging gumagamit ng daan na iyun. At may kumurot sa kaniyang puso nang sumagi iyun sa kaniyang isipan.

She took the trail at pinagmasdan niya ang mga nagtataasan na mga puno papasok sa gilid ng daan. Sadyang naaayon ang pangalan ng lugar sa kapaligiran nito. But why Cross? Ang tanong niya.

It was a long trail of dirt road at hindi naman nagtagal ay natanaw na niya ang isa bahay na gawa sa kalahating bato at kalahating pinagtagpi-tagping mga kahoy. Nanlumo siya sa kaniyang nakitang pamumuhay nina Oslo. Naalala niyang wala ring kuryente ang bahay at walang linya ng tubig katulad ng ikinuwento sa kaniya ni Heaven. Tila ba pinagdamutan nang husto sina Oslo at Heaven sa Cross Pines. Pero bakit? Bakit tila may scarlet letter na nakasulat sa noo ng mag-amang David? Ang mga tanong ng kaniyang isipan.

Inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa harapan ng bahay. May kadiliman na sa loob ng bahay marahil dahil na rin sa hapon na at napapalibutan ang maliit na bahay ng nagtataasan na mga puno. Bumaba siya ng kaniyang sasakyan bitbit ang box ng cake. Nagpalinga-linga siya sa paligid at napagtanto niya na maganda pa rin naman ang kapaligiran at hindi naman malaking isyu ang bahay na tinutuluyan nina Oslo at Heaven kahit maliit ito. They were good people at daig pa nito ang mga mansion sa Maynila na napakasama naman ng pag-uugali ng nakatira sa mga ito.

She could live here, ang sabi ng kaniyang isipan kasabay ng pag-ikot ng kaniyang katawan para pasadahan ng tingin ng kapaligiran. Bago siya huminto at tiningnan ang silya na nasa tabi ng nakapinid na pintuan ng bahay. Tahimik siyang humakbang palapit at tumayo siya sa harapan nito at isang marahan na pagkatok ang kaniyang ginawa. Naghintay siya na siya ay pagbuksan, pero may ilang seegundo na siyang nakatayo sa harapan ng pintuan ay walang Oslo o Heaven na nagbukas sa kaniya ng pinto.

Muli niyang marahan na kinatok ang pinto, "Oslo? Heaven?" ang pagtawag niya sa pangalan ng mag-ama. Pero wala pa ring nagbukas sa kaniya ng pintuan.

Baka naman umalis ang mga ito? ang kaniyang tanong. Pero nilingon niya ang pick-up truck ni Oslo na nakaparada sa harapan ng bahay.

Nahihiya naman niyang lakasan pa ang kaniyang boses at naisip niyang baka natutulog ang mga ito? Humakbang siya palapit sa bintana na nakabukas at saka siya sumilip at nakita niya ang loob ng bahay.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon