Chapter 18

550 60 35
                                    

Kunot ang noo ni Shiloh na binasa ang nakatatak na pangalan sa unahang pahina ng libro na kaniyang natuklasan. Hindi niya alam kung gaano na katagal na nakabaon ang metal chest sa ilalim ng lupa, pero mukhang hindi naapektuhan ang papel ng libro dahil sa buo pa naman ang pahina. Natural naman na nangyayari sa mga papel na mangitim ang kulay. Mukhang naprotektahan naman ng chest ang libro sa loob nito.

"Estelle Cross," ang malakas na pagbigkas niya ng pangalan na nakatatak sa unang pahina. Kumunot ang kaniyang noo habang naniningkit ang kaniyang mga mata at tinitigan niya ang pangalan. She was trying get something habang tintingnan niya ang pangalan. Estelle Cross, Estelle Cross, ang paulit-ulit na sabi ng kaniyang isipan at hindi siya maaaring magkamali na ang Estelle Cross na iyun ay ang unang tumira sa bahay na kaniya nang bagong tirahan.

A gust of excitement filled her heart, knowing that the book that she just discovered belongs to the late occupants of the Lake House. Mabilis niyang tinuyo ang kaniyang kamay dahil iniiwasan niyang madumihan ang tila isang kayamanan na kaniyang natuklasan. At saka niya binuklat na muli ang unang pahina at tumambad sa kaniya ang ikalawang pahina ng libro at doon niya napagtanto na isa iyung diary.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at naghugis O ang kaniyang mga labi dahil sa labis na gulat at pananabik na namayani sa kaniya sa sandaling iyun. It was already exciting to know that the owner of the book was a Cross, but everything became more interesting when she found out that the book was really a diary.

"Oh my god!" ang excited niyang sabi. Wala nang mas kapanapanabik pa kaysa sa, sa isang diary na puwedeng mong malaman ang nangyayari noon, she didn't even have to concentrate para malaman kung ano ang koneksiyon ng libro sa may-ari nito dahil sa naghuhumiyaw na ang impormasyon sa libro at ang kailangan na lamang niya na gawin ay ang basahin ito. Lalo pa at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa niyang basahin ang memoryang naiwan sa isang gamit, una lamang niya iyung nagawa sa kaso ni Samara.

Muli niyang binuklat ang sunod na pahina at doon na unang tumambad sa kaniya ang unang tala sa talaarawan ni Estelle Cross. Yumuko ang kaniyang ulo habang nakakunot ang kaniyang noo at tinitignan niyang maigi ang sulat kamay na kahit medyo malabo ay nababasa pa rin. At doon niya napagtanto na ang nagsulat na si Estelle Cross ay anim na taong gulang pa lamang.


I am so excited for my new book. My papa gave it to me when he travelled down the city of Manila. It was his gift for me and for the first time, I was able to write everything that is happening about my life. And because this is my first entry on my first diary, I would like to introduce myself to you. I am Estelle Marie Cross, the only daughter of Carlito Cross and Emerald Cross, the owner of Lake House here in Cross Pines. I am delighted to be of your acquaintance and I am looking forward into talking to you about myself and my thoughts. Goodnight for now!

Estelle Cross


Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi nang matapos niyang basahin ang unang isinulat nang batang si Estelle Cross. Mas mukhang kapana-panabik yata ang basahin ang isang tala ng isang bata lalo pa at mag-uumpisa siya na maging isang guro ng mga bata sa Cross Pines.

"It's nice to know you Estelle," ang sambit niya at muli ay umalingawngaw ang halakhak ng batang babae sa loob ng bahay. Mabilis na umangat ang kaniyang mukha mula sa kaniyang pagkakayuko sa diary na nakalatag sa ibabaw ng kitchen counter at hinanap niya ang pinagmumulan ang tawa ng munting bata na kaniya ring narinig kagabi.

"Estelle?" ang kaniyang patanong na pagbanggit sa pangalan nito. At nagsimula siyang maglakad palabas ng kusina para sundan muli ang pinanggagalingan ng mga halakak. Nasa entrada na siya ng kusina. Ngunit sa halip na ang halkhak ng munting batang babae ang kaniyang narinig ay ang tunog ng makina ng sasakyan ang nasagap ng kaniyang pandinig. Kaya naman natuon ang kaniyang mukha sa direksiyon ng main door ng bahay at mula sa labas ay narinig niya ang boses ni Heaven na excited na tinatanong nito ang amang si Oslo.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon