Chapter 53

789 82 68
                                    


"Miss Shiloh Madrigal?"! ang malakas na tanong sa kanila ng isang pulis na nasa kanilang daraanan. Habang nakataas ang kaniyang mga kamay.

"Opo! Ako nga! Si Shiloh Madrigal!" ang kaniyang sagot.

"Ikaw sino ka?"! ang tanong nito na nakatuon ang katanungan kay Oslo.

"Kilala ko siya, they rescued me," ang kaniyang sagot sa pulis.

"Come forward! Keep your hands up!" ang utos nito sa kanila at ganun naman ang kanilang ginawa ni Oslo. Sabay silang naglakad papalapit sa mga ito habang nanatiling nakataas ang kanilang mga kamay. Habang sila ay naglalakad pasulong paatras naman ang hakbang ng mga pulis habang may baril na nakatutok sa kanila hanggang sa maabot na nila ang labas ng entrada ng lagusan at doon na nila nakita ni Oslo na binalot na ng dilim ang paligid. At ang mga liwanag ay nanggagaling sa mga ilaw na mula sa mga pulis. At namataan din nila si Mrs. Martha at ang iba pang nakilala ni Shiloh na miyembro ng Konseho. Ang pari, ang doctor, ang pinuno ng pulis ng Cross Pines, school principle, at ama ni Dorothy. At ang pinaka-lider ay naiwan sa loob kasama ni Samuel.

"Miss Shiloh?" ang tanong ng pinaka-lider ng pulis na nagtungo sa Cross Pines.

"Ako nga po," ang kaniyang sagot.

"Kami po ang SWAT Team ng Montreal Police Department mula sa kapitolyo ng Montreal, I am officer Soledad, nakatanggap po kami ng tawag mula kay Detective Carberry from Manila na nagrequest ng back-up and rescue dahil sa distressed call from your parents na nanganganib ang buhay mo," ang sagot nito sa kaniya.

"Uhm opo, I was taken hostage," ang sagot niya, "paano niyo po nalaman ang kinaroroonan ko?" ang tanong niya sa pulis.

"May tumulong sa amin, ang pamilya Capistrano, ang batang si Celeste," ang sagot nito at doon niya napansin na nasa bandang likuran sa tabi ng mga puno ng pino ang pamilya ni Celeste. At hindi na niya naiwasan ang bumuhos ang kaniyang luha. 

Sa wakas! Nakuha na nilang kumawala marahil ay nakakita na sila ng pag-asa, ang naluluhang sabi ng isipan ni Shiloh.

Salamat, ang bulong niya sa mga ito habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. At tumango ang ulo ni Celeste at ginawaran siya nito ng malungkot na ngiti.

"Dahil din sa kanila ay...nahuli na ang ibang sangkot sa," napabuntong-hininga ito, "magiging isang malaking imbestigasyon ito," ang tanging nasabi nito. At kung iisipin iyun ni Shiloh ay nakaramdam na siya agad ng panlulumo.

"Nasaan ang nang-hostage sa inyo?" nag tanong nito sa kaniya at binawi niya ang kaniyang mga mata kay Celeste para sagutin ang tanong nito.

"Nasa loob pa, may...kasama pa siya sa loob si Atty. Samuel Pontecera, kasama siya sa nag-rescue sa akin please, pakitulungan din siya," ang kaniyang pakiusap.

"Opo may mga papasok pa sa loob na team,"-

"Sir, sir, puwede na po bang umalis? Kasi yung anak ko naiwan ko sa bahay, sa malaking bahay, siya lang po mag-isa roon kailangan ko na po siyang balikan," ang narinig niyang sabat ni Oslo at doon niya napagtanto na wala nga pala si Heaven.

"Kailangan po namin kayo for questioning,"-

"Handa po kami, puntahan niyo na lang po kami sa Lake House, doon po kami maghihintay, kailangan po kami ng anak namin," ang kaniyang pakiusap.

"Sige po, uhm mukhang kailangan mo ng medics papatawag po ba ako,"-

"Hindi na," ang mabilis niyang pagtanggi na may kasamang pag-iling, "sa bahay na lang ako magpapahina, mga...bugbog lang ito dahil sa panununtok niya sa akin," ang kaniyang sagot.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon