Chapter 15

574 56 24
                                    

She took a sharp breath at hindi niya naiwasan na mapaatras ang isa niyang paa sa kaniyang nakita. Her lips were shaking and her eyes were wide while she stared at Heaven na nakatingin lang sa kaniya.

Hinila ni Oslo ang kamay ng anak mula sa kaniyang pagkakahawak at narinig niya ang pag-aalalang tanong sa boses nito.

"Miss Shiloh? Ayos lamang po ba kayo? May naramdaman po ba kayo na hindi maganda? Pasensiya na po kayo,"-

Kumurap-kurap ang talukap ng kanyang mga mata and she focused her eyes on Oslo's worried face. At saka bumaba ang kaniyang tingin kay Heaven na nakatingin lamang sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo at nagkunwari siyang natawa sa kaniyang sarili.

"Uh, no-no, hindi, okey lang ako, uhm nahilo lang ng kaunti kasi...hindi pa ako nakapagkape, halika'yo sa loob magkape na muna tayo." Ang kaniyang pagsisinungaling.

"Sigurado po ba kayo?" ang muling tanong ni Oslo sa kanya at mababakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito.

Tumango siya at mas lumapad pa ang kaniyang ngiti, "oo, don't worry I'm so silly, nagwalis na kasi ako agad na hindi pa naiinitan ang tiyan ko, halika na...doon tayo sa kusina magkape na muna tayo." Ang kaniyang pagyakag sa mga ito. She tried to control her emotions at kahit pa noon ay nakakakita na siya ng mga memories ng tao ay hindi pa rin siya nasanay. At hindi pa rin siya masasanay, napakahirap para sa kaniya ang makakita ng mga imahe lalo na ng mga taong naghirap at namatay.

Ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili habang naglalakad sila paakyat sa front porch ng bahay. She turned the doorknob with her still shaking hand at saka niya itinulak ang pinto. Pumasok sila sa loob, pero sa halip na mauna siya ay sinabayan niya si Heaven na maglakad patungo sa kusina ng bahay.

"Naku wala pala akong gatas, para kay Heaven," ang kaniyang sabi habang nakaharap siya sa kitchen counter at naglalagay siya ng freshly ground coffee beans sa kaniyang coffee maker.

"Naku, huwag po kayong mag-alala Miss Shiloh, nakainom na po siya ng gatas kanina," ang sagot ni Oslo.

"Opo Miss Shiloh masarap po ang gatas matagal na po akong hindi nakakainom ng gatas," ang sabat ni Heaven at bahagya siyang lumingon dito habang nakatayo ito sa tabi ni Oslo malapit sa entrada ng kusina.

Muling nakaramdam ng kirot ang kaniyang puso, at ang kaniyang puso sa sandaling iyun ay umaabot sa batang babaeng anak ni Oslo.

"Uh-hmmm, mabuti ka pa, kasi ako noong maliit ako? Ayoko ng gatas, mas gusto ko na ang kape," ang kaniyang pagsisinungaling dito para naman hindi masyadong mapahiya ang ama ni Heaven na si Oslo, na hindi nito kayang ibigay ang mga pangangailangan ng anak.

"Talaga po?" ang interisdo na tanong ni Heaven sa kaniya. Pumihit ang kaniyang katawan para humarap sa dalawa at napansin niya sa mga kilos ng mag-ama na may pag-aalangan ang mga ito na pumasok nang husto sa loob ng kusina.

Kumunot ang kaniyang noo sa pagtataka pero agad niyang pinaliwanag ang kaniyang mukha para sagutin ang tanong ni Heaven sa kaniya.

"Oo," ang mahina at nakangiti niyang sagot kay Heaven na gumanti ng malapad na ngiti sa kaniya.

"Ako rin po gusto ko rin ng kape kaya lang," huminto ito at pumihit ang mukha nito para lingunin ang ama na nakatayo sa likuran nito at saka ito muling humarap sa kaniya at saka ito bumulong.

"Ayaw ni tatay," ang mahinang sagot nito sa kaniya at namimilog pa ang magaganda nitong mga mata na hindi man katulad ng kulay ng mga mata ni Oslo ay mapupungay pa rin ang mga ito.

Hindi niya naiwasan ang tunay na ngumiti, sino ba ang hindi matutuwa sa cuteness ni Heaven kaya naman nabawasan ang nadarama niyang bumabagabag sa kaniyang kalooban kanina lang. Nakakahawa kasi ang inosenteng kasiyahan ni Heaven.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon