Chapter 33

483 62 17
                                    


Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at hindi na niya iyun napigilan habang nanlalaki ang pagkakadilat ng mga ito at diretso niyang tiningnan si Celeste. Ang batang labindalawang taong gulang na si Celeste ay minolestiya ng isang lalaking hindi niya nakita ang mukha sa kaniyang isipan. Maybe Celeste closed her eyes when he was doing his evil deeds on her.

"You were raped," ang mas malakas niyang banggit at doon ay nakita niyang kumawala na ang mga luhang pinipigilan ni Celeste kasabay ng pagyugyog ng kaniyang mga balikat.

"Miss Shiloh, umalis na kayo pakiusap," ang mariin na sambit ng ama ni Celeste na nasa kaniyang likuran at naramdaman niyang hinawakan nito ang kaniyang mga braso ngunit pumiglas siya at inilapit niya ang kaniyang katawan kay Celeste at lumuhod siya sa harapan nito habang ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa magkabila nitong balikat.

"Sabihin mo kung sinong gumawa nito sa iyo Celeste, please! Hindi ako papayag na hindi mapapanagot ang gumawa nito sa iyo!" ang pagmamakaawa niya. ngunit nanatili lang na nakayuko si Celeste at nanatiling tikom ang mga labi nito habang lumuluha.

"Miss Shiloh, pakiusap umalis ka na!" ang galit nang sambit ng tatay ni Celeste habang ang ina nito ay lumuluha na lamang.

"She was raped!" ang sigaw niya sa ama ni Celeste na natigilan sa kaniyang pagbulyaw dito nang mabilis na pumihit ang kaniyang katawan para harapin ang mga magulang nito.

Dali-dali siyang tumayo at hinarap niya ang mga magulang ni Celeste, ang ama nito ay tikom ang mga labi habang ang ina ni Celeste ay impit na lumuluha. Tila ba pinipigilan nito ang sarili na lumuha ng husto at sa hitsura ng mga magulang ni Celeste ay alam niya na alam ng mga ito ang nangyari sa anak at kung sino ang gumawa nito kay Celeste.

"She was raped at wala kayong ginagawa? Ikinulong niyo lang siya rito?"! ang galit niyang sigaw.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Miss Shiloh, umalis ka na, nakikiusap kami sa iyo," ang pakiusap ng ama ni Celeste sa kaniya at napansin niya ang pagmamatigas sa mga mata nito.

Tumango siya, "aalis ako, pero hindi ko masasabi na hindi ako babalik," ang kaniyang banta sa mga magulang ni Celeste saka niya hinarap si Celeste at saka siya yumukod.

"Celeste, tutulungan kita pangako, hintayin mo ako," ang kaniyang mariin na pangako kay Celeste.

"Umalis ka na Miss Shiloh! Huwag mo na kaming guluhin!" ang galit na sabi ng ama ni Celeste sa kaniya at sa pagkakataon na iyun ay hinila na nito ang kaniyang braso at sapilitan na siya nitong hinila palabas ng silid ni Celeste na agad namang isinara ng ina nito.

"Bitiwan mo na ako!" ang galit niyang sambit at pilit niyang iwinasiwas ang kaniyang braso mula sa pagkakahawak ng ama ni Celeste. Pero mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nito and she could feel his fingers biting into her skin and her arm muscle.

"Umalis ka na at huwag ka ng babalik!" ang galit na sigaw nito sa kaniya sabay wasiwas nito sa kaniya palabas ng pintuan ngunit mabilis niyang itinulak ang pinto para hindi iyun agad maisara ng ama ni Celeste.

"Mr. Capistrano, pakiusap!" ang kaniyang sambit at idinikit niya ang kaniyang katawan sa harapn ng pinto at pilit niyang sinilip ang mukha nito sa natitirang siwang mula sa bahagya nang nakasarang pintuan.

"Pakiusap hayaan mo akong tulungan si Celeste, gagawin ko ang lahat, kailangan niya ng therapy ako ang makapagbibigay niyun sa kaniya Mr. Capistrano please anak niyo siya!" ang lumuluha niyang pakiusap sa ama ni Celeste ngunit sa mga binging tenga bumagsak ang kaniyang mga pakiusap dahil sa malakas na itinulak ng ama ni Celeste ang pinto at napaatras ang kaniyang mga paa na nagpawala sa kaniyang balanse at hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na mapaupo sa sementadong harapan sa labas ng pintuan ng bahay.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon