Chapter 40

615 59 39
                                    


Nakaupo si Shiloh sa pinakaitaas na baitang ng front steps sa kaniyang porch. Halos hindi na siya nakatulog kagabi nang dahil sa kaniyang panaginip noong kahapon. Before, she was able to live without fear and live with memories of persons that she doesn't know. Naging normal nang parte ng kaniyang buhay ang mga imahe at boses na kaniyang naririnig at nakikita. Oo, natatakot siya ng kaunti ngunit hindi sa ganung pagkakataon na katulad kagabi na hindi siya makatulog.

Unlike any of the images she had seen. Yesterday was so vivid and it was so real like she was there standing beside Oslo and watching what she thought was an execution. The execution of Oslo's wife and mother of Heaven.

Pero bakit? Bakit kailangan na i-execute ang ina ni Heaven? Dahil ba sa minahal nito si Oslo? At si Heaven ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan? Kaya ba napaka-hesitant ni Oslo na magbukas ng saloobin nito sa kaniya dahil sa malagim na sinapit ng asawa nito? ang mga katanungan sa kaniyang isipan.

She was scared yesterday and until last night and up to that moment. She got that eerie feeling once she stepped inside the house because she's not sure that it really happened. Or maybe she was just denying herself the truth, that someone died just outside her house.

At kung dati ay mabilis lamang na nawawala at tila dumaraan lamang ang mga imahe ng mga taong namatay o memorya ng mga ito, sa pagkakataon na iyun, ang kaniyang nakita sa panaginip ay nanahan sa kaniyang isipan. Marahil sa kadahilanan na malapit siya sa taong nakita niya sa kaniyang panaginip.

Lumingon siya sa direksiyon ng lawa at sa kaniyang panaginip ay nakita niya kung paanong nagliwanag ang paligid nito kagabi ng mga sulo na hawak ng mga taong hindi na rin niya namukhaan dahil sa malabo ang imahe ng mga ito. The vivid ones were only the images of Oslo and Heaven's mother.

Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo at nakita niyang it was already past ten. At dapat sa ganun na oras ay nasa kaniyang bahay na sina Oslo at Heaven. Bakit hindi sila dumating? Ang tanong ng kaniyang isipan.

She decided to stay where she was seated for another hour. Ayaw na rin naman niya munang pumasok sa loob ng bahay. Pero sa kabila ng kaniyang paghihintay ng mahabang oras ay walang Oslo at Heaven na nagpakita sa kaniya.

What happened to them? Hindi pangkaraniwan na nahuhuli ang dalawa ng dating, ang sabi niya sa kaniyang sarili na may pagtataka. Tumayo na siya mula sa kaniyang kinauupuan. She decided to go out and to drive at bisitahin na sina Oslo at Heaven para malaman niya ang kalagayan ng mga ito.

Tumayo na siya at pumihit ang kaniyang katawan para sana pumasok muli sa loob ng bahay at kunin ang kaniyang bag nang may tumawag ng kaniyang pansin sa dirt road. Her heart started to beat fast nang may mamataan siyang papasok na sasakyan and she was hoping that it was Oslo's pick-up truck. Isang malapad na ngiti ang agad na kumurba sa kaniyang mga labi as she stood at the top of the steps and she waited for the vehicle. Pero nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya ang mamahaling sports car ni Samuel.

Nilinaw niya ang kaniyang lalamunan at isang pilit na ngiti ang kaniyang inilagay sa kaniyang pisngi saka siya bumaba ng hagdan para salubungin ito. Hindi man si Samuel ang inaasahan niyang makita sa umagang iyun ay hindi naman niya maaaring hindi ito harapin. He was good and generous to her and to her school at ganun na rin sa mga bata sa Cross Pines.

Bumaba na ito sa sasakyan at saka ito naglakad palapit para salubungin siya and he put his left hand on her back as he quickly gave her a peck on her right cheek.

"Good morning!" ang tanging sambit niya.

"It is now at nakita na kita," ang sagot nito sa kaniya.

"Hmmm, hindi ko akalain na ang future mayor ng Villareal ay bolero," ang kaniyang sagot.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon