Chapter 27

517 55 29
                                    


"I'm fine mommy," ang sabi ni Shiloh habang kausap niya ang kaniyang mommy sa kabilang linya. Nakaupo siya sa loob ng isang coffee shop para sandaling magkape bago niya gugugulin ang dalawang oras na pagdi-drive pabalik ng cross Pines mula Villareal. Katatapos lamang niya na mamili ng sofa set at isa pang kama at cabinet para sa isa sa mga kuwarto sa itaas. At naisipan na rin nga niyang tawagan ang kaniyang mga magulang na alam niya na kahit na twenty-six years old na siya ay hindi pa rin maaalis sa mga ito ang pag-aalala.

"Eh bakit hindi mo pa naisipan na imbitahan kami ng daddy mo sa bago mong bahay? Saka saang lupalop ka na ba ng Pilipinas? Ni hindi namin alam kung nasa Luzon, Visayas o Mindanao ka na," ang sabi ng kaniyang mommy sa kaniya.

"Nandito pa ako sa Luzon sa bandang hmm, mountain ranges ng Sierra Madre," ang sagot niya at hindi niya pa sinabi ang exact na lokasyon niya dahil alam niyang pupuntahan siya ng mga ito kahit pa pangalan lang ng lugar ang malaman ng mga ito. Travelers ang kaniyang mga magulang at halos saang sulok ng Pilipinas ay halos napuntahan na ng mga ito at bitbit siya ng mga ito sa kahit saan na galaan.

"Eh kailan mo nga kami padadalawin diyan sa bahay mo?" ang tanong ng mommy niya sa kaniya.

"Baka may tinatagong lalaki na yang anak mo at ayaw sa atin ipakilala?"! ang narinig niyang malakas na sabat ng kaniyang daddy sa kabilang linya.

"Daddy!" ang angal niya rito.

"Huwag mo nang itago anak, alam mo namang matatanggap namin kahit na sino o ano pa mang  hitsura o katayuan niya sa buhay, basta hindi ka paiiyakin," ang narinig pa rin niyang sabi ng daddy niya. At iyun ay nagdulot ng ngiti sa kaniyang mga labi. Napakabuti talaga ng kalooban ng kaniyang mga magulang.

"Hayaan niyo po kapag nahanap ko na ang lalaking iyun ay agad ko siyang ihaharap sa inyo," ang kaniyang nakangiting sagot, "okay lang po ba kung may anak na?" ang dugtong niyang tanong.

"Basta hindi maldita ay okey na okey sa amin, may instant na kami na apo," ang sagot naman ng mommy niya sa kaniya, "teka bakit mo naitanong? Mukhang meron na nga ah?" ang dugtong na tanong nito sa kaniya at isang mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan.

"Hindi pa ako sinasagot," ang kaniyang sagot sa kaniyang mommy habang nakangiti nang malapad ang kaniyang mga labi.

"Aba mahina ka pala, gapangin mo na anak," ang sagot ng mommy niya sa kaniya na nagpatawa sa kaniya ng malakas kaya naman mabilis niyang tinakpan ang kaniyang bibig para hindi siya pagtinginan ng mga tao sa loob ng coffee shop.

"Ganyan ginawa sa akin ng mommy mo," ang sabat naman ng daddy niya.

"Hayaan niyo po kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon," ang natatawa niyang sagot. Ilang sandali na namayani ang mahinang tawanan sa pagitan nila ng kaniyang mommy pero muling sumeryoso ang boses nito.

"Nga pala, anak, yung condominium mo ay naibenta ko na, saan ko ba ilalagay ang perang napagbentahan?" ang tanong nito sa kaniya.

"Uhm, puwede po sa personal account ko na lang po mommy? Close na po kasi yung business account ko, kinuha ko na lahat ng funds doon yung sa personal account ko na lang po, kailangan ko po talaga ngayon ng pera kasi puro palabas po ang pera ko, hindi ko pa po tapos ipa-renovate yung bahay at kulang pa sa mga gamit," ang kaniyang pagtatapat sa kaniyang mommy.

"Okey iyun ang gagawin ko, and...sweetie if you needed the funds me and your daddy are very much willing to give you, your share of the profit in our business,"-

"Thank you, mommy, pero,"-

"Tatangihan mo pa rin," ang putol ng kaniyang mommy sa kaniya. Ilang beses na kasing nag-offer ang mga ito na ilalagay na sa kaniyang account ang share niya sa mga kinikita ng negosyo ng kaniyang mga magulang. Pero hindi niya magawanag tanggapin dahil nga sa hindi naman siya hands-on na nangangasiwa sa negosyo ng mga magulang.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon