Chapter 35

581 66 32
                                    


"Miss Nuestra? Something's wrong with Shiloh," ang narinig niyang sambit ng kaniyang kaklase. Hindi na niya alam kung sino ang tumawag ng atensiyon ng kaniyang teacher. She was too scared to even care or know. She was trembling, even her lips were shaking that she couldn't control and tears formed in her eyes while she hugged herself as she sat on her seat in front of her table.

"What's wrong?" ang tanong ng kanilang subject teacher sa Science nang maistorbo ang klase nito dahil sa kaniyang panginginig.

"Shiloh... Miss, she started trembling uncontrollably," ang sagot ng kaniyang kaklase.

"Shiloh? What is it? What's wrong?" ang alala na tanong ng kaniyang teacher sa kaniya nang makita nga nito na nanginginig na ang kaniyang katawan at pati ang kaniyang ngipin ay nagkikiskisan na sa takot.

Umiling ang kaniyang ulo, hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa kaniyang guro ang tungkol sa isang batang lalaki. He looks like he's only a year old and he was bloodied all over his face and body. And the blood was gushing from the deep open wound on the right side of his head. He was crying loudly as she screams mommy while he was crying.

Bahagyang lumuhod ang kaniyang teacher para ilapit nito ang mukha sa kaniya at siya naman ay nanatiling nakayuko ang kaniyang ulo para hindi niya makita ang batang wala nang tigil ang palahaw nito.

"Shiloh, may masakit ba sa iyo? May nararamdaman ka ba? Tell me," ang saad nito sa kaniya.

Umiling muli ang ulo niya, hindi niya alam kung maiintindihan ba siya ng kaniyang guro o ng kaniyang mga kaklase lalo pa at nakaranas na siya noon na pinagtawanan siya ng kaniyang mga kaklase. At mukhang napansin ng kaniyang guro ang kaniyang pag-aalinlangan na magsalita.

"Kids, please doon muna kayo sa kabilang side ng classroom? Mag-uusap lang kami ni Shiloh," ang sabi ng kaniyang guro sa kaniyang mga kaklase na sumunod naman sa utos ng kaniyang guro. At nang mabigyan na sila ng kaunting espayo mula sa kaniyang mga kaklase na nakatuon pa rin ang mga mata sa kaniya ay muling nagsalita si Miss Nuestra sa kaniya.

"Tell me Shiloh, I will listen to you, I promise, you can tell me everything," ang mariin na sabi nito sa kaniya at naramdaman niya ang kamay nito na humawak sa kaniyang kanan na balikat at marahan iyun na pinisil. It was like she was assuring her that everything is going to be alright if she will tell her the truth.

Umangat ang kaniyang mukha para salubungin ang mga mata ng kaniyang guro na nasa likod ng hugis square na salamin nito.

"Will you believe me?" ang kaniyang bulong na tanong dito at mabilis na tumangu-tango ang ulo ng kaniyang Science teacher.

"Of course, tell me everything," ang sagot nito sa kaniya sa malumanay nitong boses. At saka ito ngumiti sa kaniya na ubod ng tamis.

Napalunok siya, "I saw him," ang kaniyang sagot.

Kumunot ang noo ng kaniyang teacher, "who's him?" tanong nito sa kaniya.

"A boy...a little boy, he...looks like he's only a year old...I don't know but he's small and he was wailing, he's calling his mommy," ang kaniyang sagot sa boses niyang halos hindi na marinig nang dahil sa panginginig at takot.

"Where did you see him?" ang tanong sa kaniya ng kaniyang guro.

Inalis niya ang kaniyang mga mata mula sa pagkakapako sa mga mata ng kaniyang Science teacher at tinunton nito ang harapan ng whiteboard kung saan nakatayo ang batang lalaki na nagpapatuloy sa pagpalahaw na masakit na sa tenga ni Shiloh.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon